Chapter 7

11 1 0
                                    

AUTUMN’S POV:

Sa wakas! Nakauwi na rin! Nakakapagod! Inabot na kami ng 5:00 P.M. Dito muna si Ryna sa mansion kasi wala syang kasama sa kanila. Nag out of the country kasi yung parents nya at syempre, kasama parents ko. Haha! Business meeting daw. Pareho naman kaming walang kapatid. Best friends nga diga? Nakakamiss talaga yung Vigan at nakaka excite yung Boracay!

“Tss, pang isang daan ko na atang balik sa Boracay eh!” Pagyayabang ni Ryna.

“Hay nako Ryna. Alam mo namang tradisyon na ito ng tropa eh.” Sabi ko sabay tabi sa kanya sa sofa namin.

Oo, yung Boracay kasi yung parang pang sum up namin ng lahat after the long travel galing kung saan-saan. Bigla namang tumingin si Ryna sa phone nya.

“Who texted? Ya boyfie?” Pangaasar ko.

“Hindi no. Huwag ka nga.” Pagtatanggi nya tapos lumayo sya sakin. Okaaay? O.o

“Bahala ka na dyan!” Tumayo na ako sa sofa at nagpunta nalang sa kusina para kumain.

Mga Naudlot na Pag-aminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon