Chaper 1

45 1 0
                                    

CHAPTER 1

Autumn’s POV:

Ako si Autumn. Tuwing summer eh naging hobby na ng tropa ko ang pag eexplore. Yung tipong gala talaga sa malalayong lugar. Ayos lang sa mga magulang naming magttropa na gumala o magtravel kami kasi alam nila na safe kami sa isa’t isa. College students na din kami. And besides, di namin problema ang pera. Haha! This summer, sa Vigan ang destination namin.

Road trip lang kami para mas feel ang pag travel and mahilig din kasi kaming mag stopover lalo na kapag nakakakita kami ng makakainan. Food lovers din kasi kami eh. Nag impake na ako ng mga gamit ko kasi konting oras nalang at bubusinahan na nila ako. Dadaanan kasi nila ako eh tapos deretso byahe na. Hapon na kami nakaalis kaya natural na gabihin kami. Hmmm, at syempre, dahil gabi na. Tutulog na ko. Di naman ako nocturnal eh. ANTUKIN ako. Haha!

***

Wilson’s POV:

Ako si Wilson. Crush ko si Autumn since childhood. Friends kasi ang family namin eh. Ipinangako ko sa sarili ko na this summer eh gagawin ko ang lahat para maamin ko kay Autumn na crush ko sya, na espesyal yung nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko na kasi yon eh. Biruin nyo ga naman. Simula pagkabata eh may lihim na pagtingin na ako sa kanya.

Nasa byahe na kami ngayon papuntang Vigan. Magkatabi kami ngayon. Bale, si Keen yung nag ddrive tapos katabi nya sa unahan si Ryan kasi halinhinan sila sa pag ddrive. Sila Nyl, Vain, at Favio naman sa first row tapos kami yung nasa likod. So, yung bintana, si Autumn, ako, tapos si Ryna, yung bestfriend nya. Nakatulog na nga sya eh. Sayang lang kasi hindi sya sakin nakasandal kundi don sa bintana. Sana ako nalang yung bintana -...- MALAS!

Onga pala, alam ng buong tropa namin na may pagtingin nga ako kay Autumn kaya syempre, alam din nila ang plano kong pagtatapat sa kanya. Tutulungan nila ako. Tropa nga diga?

Mga Naudlot na Pag-aminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon