Pag-iibigang nagsimula sa away na napunta sa pag-kakaibigan,
Pag-kakaibigang napunta sa pag-iibigan,
Tayo'y nagsimulang mangako sa isa't isa,
Nangakong kailan man ay hindi natin iiwan ang isa't isa.Nangako kang hindi mo ako sasaktan,
Nangako kang hindi mo hahayaang na masaktan ako Ng kahit sino,
Nangako kang aalagaan mo ako,
Na tayo hanggang dulo.Walang iwanan,
Away lang pero walang hiwalayan.
Yan ang mga katagang palagi mong sinasabi sa akin,
Mga katagang lalong nagpahulog sa'yo ng aking damdamin.Ngunit bakit nga ba ako naniwala?
Bakit nga ba ako naniwalang kailan man ay hindi mo ako iiwan?
Bakit nga ba ako naniwala sa mga salita mo?
Bakit nga ba ako nagpabulag sa pagmamahal mo?Bakit ka pa nangako?
Bakit pa nangakong aalagaan mo ako,
Na hindi mo hahayaang saktan ako ng kahit sino,
Kung ikaw mismo ang mananakit sa akin?
Bakit mo ako nagawang saktan?Madaming bakit na nais kong sagutin mo,
Nais kong sabihin mo kung ano ang pagkukulang ko sayo,
Kung may nagawa akong mali?
Kung bakit ka nangako kung hindi mo din pala kayang tuparin?Bakit hindi mo nalang sinabi sa akin na hindi mo na ako mahal?
Bakit hindi mo sinabing hindi mo na pinapahalagahan ang relasyon natin?
Sana sinabi mo para hindi na ako umasa pa.