Mahirap magmahal,
Dahil sa pagmamahal natin sa isang tao nakakalimutan nating mahalin ang ating sarili.Mahirap magmahal,
Yung tipong ikaw na lang ang nagpapahalaga sa relasyon niyo,yung tipong ikaw na lang ang may nararamdaman pagmamahal sa inyong dalawa.Pinipilit ang sariling intindihin siya, tinitiis lahat ng sakit para lang manatili ka.
Bakit pa nangako?
Bakit pa nangakong tayo hanggang dulo?Magkahawak ang mga kamay ngunit nais mong kalasin ito at ako naman yung taong pinipilit na wag kang bumitaw.
Pangako'y hanggang dulo ngunit ikaw yung unang bumitaw.
Umalis ng hindi man lang nagpapaalam gamit ang salita kun'di ipakita ang mga paang lumalakad palayo.
Nais marinig ang iyong pagpapaalam na siyang magiging tuldok sa sinusulat nating libro,paalam na maaaring maging lunas sa sugat sa puso ko para matanggap kong tapos na ang tayo—na wala na ako sa libro mo at tanda ng hangganan ng ikaw at ako.
Meron pang ikaw at ako,
Pero wala na ang tayo.Sa muling pagbuo ko sa pira-pirasong puso, makatagpo ng bagong pag-ibig, makagawa ng bagong kwento at bagong libro.
Hiling ko'y sana'y ika'y mamaalam,kung ayaw mo na,kung pagod ka na, at kung hindi ka na masaya.
Sapagkat hindi ko na nais maulit muli,hindi ko nais na mag-pira-piraso na namam ang aking puso.
Parang manunulat na nawalan ng panulat, nakatitig sa blankong papel,hindi alam kung paano at saan sisimulan.