4-Paalam

11 5 0
                                    

Sa mundong puno ng misteryo,
Mundong puno ng sekreto,
Mundong hindi mo mababatid kung ano ang totoo,
Kung sino ang nagpapakatotoo sa'yo.

Ika'y aking nakilala,
Hindi man naging maganda ang una nating pagkikita,
Naging maganda naman ng tayo'y muling magkita.

Aking nasilayan ang ngiti mong nagniningning na parang bituin,
Hindi lang ganda ng mukha ang mayroon ka kundi magandang kalooban din,
Mga katangiang nagpabihag sa aking puso,
Pusong nagsimulang tumibok para sa iyo.

Sa iyo ako'y muling natuto,
Natutong magmahal,
Magmahal ng walang kinakatakutan.

Ika'y aking niligawan,
At lumipas ang ilang buwan iyong binigay sa akin ang matamis mong oo.

Tayo'y nagsimulang magsumpaan,
Ating ipinangako sa mismong simbahan,
Na Aalagaan natin ang isa't isa,
At mamahalin natin ang isa't isa.

Aking ipinangakong ika'y aking ihaharap sa altar at pakakasalan dito mismon sa simbahan.

Ika'y aking nasilayan sa mismong simbahan kung saan tayo'y nangako sa isa't isa,
Ngayon ang pinaka-espesyal na araw sa buong buhay ko dahil ika'y akin ng makaka-isang-dibdib.

Ngunit bakit hindi,
Bakit hindi ang kasal natin ang ngayon ay magaganap,
Pangako nati'y walang iwan,
Ngunit bakit kay aga mong ako'y nilisan.

Paalam aking mahal.

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon