"Good morning love!"napangiti ako ng nabasa ko ang chat ng boyfriend ko ,re-replayan ko na sana ito ng may humablot sa cellphone ko.
"Ma! tingnan niyo lumalandi na si Zette oh!"sigaw ng ate ko habang binabasa ang mga chat namin kaya agad ko namang kinuha mula sa kaniya ang phone ko.
"Anong sabi mo?!"pasigaw na tanong ni Mama kay ate kaya bigla na lang akong nakaramdam ng kaba.
My parents didn't know that i have a boyfriend. Well my parents are strict they didn't allow me to have a boyfriend because they want me to focus on my studies.
"Ang magaling niyong anak Ma May boyfriend na"sagot ni Ate kaya tiningnan naman ako ni Mama.
"Totoo ba yun Zette?!"sigaw na tanong ni Mama sa'kin pero umiling lang ako.
"Hindi po Ma"kinakabahang sagot ko.
I don't want them to know that I have a boyfriend dahil alam ko naman na tututol lang sila.
"Anong hindi!"sigaw ni Ate at kinuha ulit sa'kin ang phone, babawiin ko na sana ito ng ibinigay niya ito kay Mama "Tingnan niyo Ma oh"
"Anong ibig sabihin nito?!"sigaw ni Mama kaya bigla nalang akong napaiyak. Ito kasi ang kaunaunahang sinigawan ako ni Mama
"M-ma"
"Hindi ba't sabi ko na wag na wag kang magbo-boyfriend habang nag-aaral ka!"sigaw ulit ni Mama.
"Ang sabi ko mag-aral ka hindi lumandi!"dagdag pa nito.
"Nag-aaral naman po ako Ma"
" Aba't sumasagot-sagot ka na ha!ano yan ba ang natututunan mo dyan sa boyfriend mo ha?!"
"Pumasok ka na sa kwarto mo atwag na wag kang lalabas ng bahay hanggang hindi ko sinasabi!"pasigaw na utos ni Mama kaya napaiyak na lang ako.
"M-ma wag naman oh"pagmamakaawa ko dito
"Kapag sinabi ko,sinabi ko at hiwalayan mo na yang lalaking yan!"sigaw ni Mama at tinapon sa'kin ang cellphone ko na agad ko namang sinalo.
We've been in a relationship for about two(2) years. Hindi pa kami nagkikita sa personal.
Yeah it's long distance relationship, nakikita at nakakausap lang namin ang isa't isa through call and video call.
When he's still courting me I'm thinking if sasagutin ko ba siya? Susuwayin ko ba ang magulang ko para lang sakanya.
Actually wala naman akong balak na sagutin siya at hindi ko din naman siya pinayagan na ligawan ako sadyang mapilit lang siya kaya niligawan niya parin ako kahit na ayaw ko.
In the first place ayaw ko naman talaga sa kanya, gumising nalang akong palagi ko ng hinihintay na magtext at tumawag siya,naiinis ako kapag may nakikita akong kasama niyang ibang babae sa picture.
He courted me for one(1) year.Palagi siyang nag-cha-chat at sinasabing good morning, good evening at palagi niya din akong kinakantahan kapag nag-vi-video call kami minsan nga nagse-send siya ng video na kumakanta siya kaya nahulog yung loob ko sa kanya.Not all boys are like him yung iba kasi niligawan ka dahil lang sa maganda ka, feeling nila madali ka lang makuha. A lot of the boys in our generation are just courting a girl because she have a nice body, dahil gusto ka nilang makatalik.
In this generation pagtatalik ang depinisyon ng totoong pagmamahal tapos kapag ayaw mong ibigay yung gusto nila hihiwalayan ka, kung naibigay mo naman yung gusto nila iiwan ka at kung hindi ka nagreply agad sinasabi nilang baka may ibang lalaki o babae ka na o ayaw mo na sa kanila.
My boyfriend is not like them.He's caring,nagagalit siya kapag nagpupuyat ako, nag-iiwan siya ng maraming message kapag tulog ako.
I love him more than anything that I'm willing to sacrifice all of what I have at suwayin ang magulang ko para lang sa kanya hopefully siya din.