Chapter4_Her Partner

104 2 2
                                    

Kinabukasan... 

9am na nag sipasok sila Larkin, kaya pag dating nila sa greenhouse nakita nila ang teacher na si Mr.Sy at kausap sila czharlene...

nang lumapit sila...

sabay sabay suilang nag sorry, dahil late sila

Mr.Sy: basta sa susunod, wag nyo na uulitin, at kung may schedule kayo tumawag kayo sa Teacher nyo o kaya kay miss czharlene, kasi alam namin na artist kayo at busy din naman kayo, kaya sana mag paalam kayo

sabay sabay din silang sumagot ng "yes Sir"

Mr.Sy: ngayong nandito na kayong tatlo, sasabihin ko na kung sino ang napili kong maging kapartner ni czharlene, pinili ko sya dahil maganda ang combination ng boses nila ni Miss czharlene, at saka he knows where he can do second voices..

tumahimik sila habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng kanilang teacher

Mr.Sy: si Rence ang napili ko na maging partner ni Czharlene... 

hindi naman sila nagulat sa resulta kasi maganda naman talaga ang pag duet nila Rence at czharlene

Mr.Sy: ok ba ang napili ko?

Riza: opo, 

Mr.Sy: kaya rence at czharlene, mag handa na kayo para sa competition, 1 month lanfg ang paghahanda nyo, pero alam kong kaya nyong ipanalo yun, aalis na ko

Czharlene: thank you po

umalis na ang teacher nila, pag labas na pag labas pa lang ni Mr. Sy...

Larkin: akala ko ako na mapipili ni Sir, yun pala ikaw na talaga rence, 

Dylan: asa ka naman na ikaw ang mapipili,

Larkin: alam mo, kahapon mo pa ko kinokontra, kaibigan ba talaga kita ha?

Dylan: nag sasabi lang ng totoo...

Larkin: ewan ko sayo, 

tinalikuran ni larkin si Dylan, at humarap si larkin kay jae

Larkin: jae ikaw na lang ang natitira kong kaibigan, ang kuya at yang dylan na yan ay di ko na kaibigan, they always tease me and let me be the one who suffer

Dylan: anung drama yan larkin? para kang babae

Larkin: hindi ikaw ang kausap ko!

tinalikuran nya ulit si dylan

hinawakan ni larkin ang kamay ni jae...

Larkin: jae pwede ba na ikaw na lang kakampi ko?

Jae: adik ka talaga larkin, wag mo na lang silang pansinin, saka naging kaibigan mo sila dylan for almost 13 years...

Larkin: for that 13 years they always bully and tease me... tama ba naman yun?

Jae: hahaha... siguro, nakasama mo naman eh

Larkin: ngayon alam ko na kung anu ang naging parehas mo kay rence, 

Jae: ha?

Larkin: mag ka parehas kayo ni rence na di ako pinag tatanggol, 

Jae: ito naman, 

Larkin: ngayon alam ko na talaga na mag kapatid kayo

Jae: eh mag kapatid naman talaga kami

Larkin: hindi din.. dahil di kayo magkamukha,,,at yung ugali nyo mag kaiba, sabagay may dahilan naman yung kay rence kaya sya super sungit ngayon, at yun ay dahil kay Kylie

Jae: kay kylie?

(paki tignan na lang po ang picture ni kylie sa gilid)

napatakip ng bibig si larkin, at humarap sya kay rence, at si rence naman masama ang tingin kay larkin

Larkin: ah wala lang yun, hehehe... 

tumingin din si jae sa kapatid nya, at nakita nya na umiwas nang tingin si rence...

"teka, di kami makarelate ni czharlene sa pinag uusapan nyo"

sabat ni riza...

Jae: ah sorry... 

Riza: ok lang pero anu ba yung pinag uusapan nyo, nang makarelate kami?

Jae: nothing important, 

Riza: talaga?

Jae: oo,

Jae's POV

Hello sa inyo, alam ko kilala nyo na ko, kaya di na ko mag papakilala

hindi ko maintindihan yung sinabi ni larkin...

Larkin: dahil di kayo magkamukha,,,at yung ugali nyo mag kaiba, sabagay may dahilan naman yung kay rence kaya sya super sungit ngayon, at yun ay dahil kay Kylie

Dahil sa isang babae kaya tumindi ang pag ka suplado ni kuya? pero di ko maintindihan kung bakit at kung sino ang kylie na yun?

impossible naman na gf ni kuya, kasi never naman nagpakilala ng girlfriend samin, 

nung tinignan ko din naman si kuya para tanungin, umiwas sya ng tingin sakin kaya wala akong nakuhang sagot kahit sa  mga mata nya...

Lunch time na... pero ito ako at nag iisip parin kung sino ang kylie na yun... gusto ko tanungin sila dylan pero alam kong di sila mag sasalita at sasabihin sakin na kay rence ko na lang tanungin...

ay nag tataka ba kayo kung bakit di ko tinatawag na kuya si rence?

wala naman talagang particular reason pero nakasanayan ko lang na rence lang tawag sakanya... at sa bahay ko lang sya tinatawag na kuya o oppa(brother or boyfriend) sas kadahilanan na andun ang mga magulang namin, at dahil pinapagalitan din ako ni mama pag di ko tinatawag na kuya si rence

nandito kami ngayon sa canteen, at kumakain na nang tanghalian...

wala namang umiimik, tahimik lang kaming kumakain, kahit si riza na madaldal eh di nag sasalita, pero sabagay kung ganito ang atmosphere ang mararamdaman mo di ka talaga mag sasalita.,..

yung atmostphere na parang may mag kaaway... basta parang ganun, awkward talaga eh...

End of Jae's POV

- - - - - - -

Sorry kung maikli po... 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COLD PRINCE MEETS THE CHEERFUL PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon