Soliana's POV
Kanina pa ako palakad lakad sa harapan mg gate habang patingin-tingin sa iba pang mga estudyante na lumalabas ng campus. Panay din ang tingin ko sa cellphone dahil baka mag reply sa'kin si Luan pero di pa rin sya maka online. Ayoko naman na puntahan pa sya sa department nila baka mapagkamalan pa akong stalker. Kaya dito na lang ako nag antay sa gate. Pero hindi pa rin talaga ako mapakali. Hindi ko alam kung nagalit ba sa'kin si Luan. Nakakahiya naman kasi yung nangyari noong isang araw.
Nagpunta kasi ako doon sa pinagtatrabahuan nya na pizza parlor tapos nagorder ako. Sinabi ko ma gusto ko si Luan yung mag serve sa'kin. Na-excite ako na makita sya kaya nahila ko sya kaso lang natapunan naman yung babae sa katabi ko na table. Hindi ko lang napigilan sarili ko noong makita ko sya kaya gusto ko syang yakapin. Kaso yun na nga nakatapon si Luan pero ako yung dahilan kaya kasalanan ko. Kaya ngayon gusto ko na mag sorry sa kanya. Hindi ako mapalagay kung sa chat lang ako mag so-sorry kaya inaya ko sya. Alam ko naman na busy syang tao pero gusto ko pa rin syang ayain mag kape manlang.
Parang tumigil ang lahat ng makita ko sya na naglalakad palabas ng gate. Ang cool at ang hot nyang tingnan. Nakawhite t-shirt, oversized polo at black jeans. Naka high ponytail pa sya kaya mas lalo syang nagiging handsome sa paningin ko. Inayos ko ang buhok ko saka tumingin nakapatay konh cellphone. Wala akong dala na salamin kaya itong cellphone ko na lang gagamitin ko. Okay pa naman ako di naman halatang kinikilig ako sa presence nya. Unti-unti nang lumapit sa direksyon ko si Luan. May iba syang kausap na lalaki pero nag hiwa-hiwalay din naman sila paglagpas ng gate. Kaya ito na ang tamang tiempo para malapitan ko sya.
Hindi pa sya nagsasalita ay hinila ko na kaagad sya papunta sa cafe na malapit lang sa campus. Sigurado akong naguguluhan sya kaya nginitian ko lang sya at sinabing sumunod. Wala naman syang magagawa dahil mahigpit ang kapit ko sa braso nya. Pagkapasok namin sa cafe ay kaagad kaming nag order. Nahihiya pa sya kasi gusto nya na sya ang magbayad ng ioorder nya pero di ako pumayag. Ako pa ren ang nagbayad. Matapos naming makapag order ay naupo na kami. Ngumiti ako ng malapad saka patuloy syang tiningnan habang kumakain.
Habang nakatingin sa kanya ay naalala ko na naman noong nagkita kami sa tapat ng bulletin board. Dahil nga sabi ni Mireya na doon lang daw yung list ng names ng mga transferee. Medyo nainis ako kasi pinaikot-ikot nya lang yung usapan namin. Sure naman ako na alam nya yung name ni Luan that time dahil nakikita nya yung list ng mga transferee dahil kasama sya sa student council. So ayun na nga, di ko makakalimutan yung time na hinahanap ko yung name nya kasi may mga pictures din na nakalagay sa tabi ng name. Pero bawal kasi picturan against the rules yun dito kaya may mga cctv na nakalagay malapit dito sa bulliten board. Di ko rin magets ba't ba nila isasama yung picture ng mga nagtransfer. Pero nevermind na lang kasi nahanap ko kaagad yung name ni Luan dahil may kasamang picture.
Halos abot langit yung ngiti ko noong nakita ko yung name nya. Luan Moon, isang napakacool na name tapos ang gwapo pa nya tingnan. Sa sobrang saya ko napatalon-talon ako kaya nakabangga ako at nahulog mga gamit ko. Pero hindi pa si Luan yung nakabangga sa'kin. Akala ko rin si Luan kaya medyo nadismaya ako. Tutulungan na sana ako ng nakabangga sa'kin na pulutin yung mga gamit ko pero ako na mismo yung umayaw. Mukha din naman kasing nagmamadali yung lalaki kaya pinaalis ko na. Tapos pinupulot ko yung mga gamit ko ng nakaupo na pasquat basta gano'n. Aba! may biglang sumigaw sa likod ko.
"Miss! Umilag ka!"
Nanlaki naman yung mata ko dahil papalapit na sa'kin yung bola ng soccer. Naatras ako ng upo ako dahil sa bola pero biglang may lumitaw mula sa likod ko at mabilis na sinipa pabalik yung bola. Ang layo ng narating ng bola kaya napatingala ako saka ko nakita ang side view na mukha ni Luan. Shet! Yung kilig ko that time sobra sobra. Parang gusto ko na lang paulit-ulit na muntik matamaan ng bola tapos lagi naman nya iyong sisipain para di ako matamaan. Kasi sa totoo lang parang ako yung bola, ang lakas na ng tama ko sa kanya.
"Soliana, okay ka lang?" Tanong ni Luan habang kumakaway sa harap mismo ng mukha ko. Napakurap-kurap naman ako saka umiling-iling.
"Naku pasensya na may naalala lang ako," napangiti ako sa kanya saka naman sya tumango-tango. Pero halata sa mukha nya na nawiwierduhan sya sa'kin.
Sorry naman. Hindi ko talaga maiwasan na maalala yung moment na 'yun. Isa sa mga pinakamasayang moment na gusto kong balik-balikan.
_______
A/N:
Hi everyone! Sorry po kung ngayon lang ulit ako nakapag update. Medyo nabusy ako at naging masama yung pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Don't worry dadalasan ko na mag update kapag kaya ko hehe. Keep hydrated and stay safe everyone!Luv Lots(◍•ᴗ•◍)❤
BINABASA MO ANG
Starry Night [MoonSun Fanfic]
Fanfiction[Epistolary] -Completed- (Mamamoo Fanfiction) Soliana is like the sun that shines so bright and she's trying to catch the moon while Luan is the Moon that keeps on moving away. What will Soliana do if her moon will keep on avoiding her? Will...