026

64 22 0
                                    

[Narration]

Maingat na nagtatago si Soliana sa likod ng mga halaman sa labas ng pizza parlor na pinag tatrabahuhan ni Luan. Ilang araw nya nang di nakikita si Luan kaya naman nag aalala na sya. Nabanggit din kasi ng mga kaklase ni Luan na ilang araw na itong di pumapasok. Ang sinabi lang sa kanila ay nagkasakit ito. Mas lalo namang nag alala si Soliana dahil naiisip nya na nag hihirap si Luan. Naiimagine nya na sumisigaw si Luan para humingi ng tulong dahil hindi nya maabot ang nangangating likod dahil mabigat ang pakiramdam. Kaya naman minabuti na nyang alamin kung saan ba nakatira si Luan. Magmula kasi ng naging maging magkaibigan sila ay di nya pa napupuntahan ang bahay nito kaya wala syang ideya kung saan ito nakatira.

Ang naisip nyang gawin ay magpunta sa mga files na nasa guidance office. Wala na syang pakialam basta makita nya kung nasaan nakatira si Luan. Natatawa pa sya sa sarili dahil pakiramdam nya isa syang secret agent na may hinahanap na important files. Dahan-dahan ang lakad nya at sinisigurado na walang makakakita sa kanya. Lumilingon-lingon sya sa paligid at nag tatago kaagad kapag may narinig na papasok sa loob. Mabuti na lang at walang napasok sa loob kaya naman nagmadali na sya. Pagpasok sa isa pang kwarto ay bumungad sa kanya ang sandamakmak na mga folders. May iba't-ibang shelves at nakaarrange ang mga ito. Inumpisahan nya ang pag hahalungkat at pinagtyagaan nyang tingnan ang mga apelyido na nasa mga folder pero di nya pa rin mahanap ang files ni Luan.

Ilang sandali pa ay binuksan ni Mireya ang ilaw dahil medyo madilim na at halos napatalon naman sa gulat si Soliana. Sinermonan ni Mireya ang dalaga at hinila paalis pero patuloy itong nakikiusap na makita ang files ni Luan. Hindi pala talaga nya ito makikita sa mga nasa kwarto dahil hawak ni Mireya ang mga files ng transferee students. Malungkot na umalis sa guidance office si Soliana na wala manlang nakukuhang information about sa tirahan ni Luan. Hindi nya kasi talaga mapakiusapan si Mireya.

Patuloy na nagmasid si Soliana habang nagtatago sa mga halaman. Nang lumabas si Luan ay narinig nya ang pag bahing nito. May katrabaho naman na humabol kay Luan.

"Uy ito pa kulang pa yang hawak mo. " Inabot ng isa pang babae yung paperbag. "Magpahinga ka na lang kaya muna."

"Nakapagpahinga naman ako nitong mga nakaraang linggo kaya okay na ako. Kapag mas tumagal pa yung nag absent ko mas magiging maliit yung sweldo ko paano na yung mga kapatid ko. Nga pala, makikisuyo lang muna ako sayo. Ikaw na muna bumili ng tanghalian nila nakalimutan ko magbigay ng pera kaninang umaga." Inabot naman ni Luan yung pera.

"Uy kahit ako na bahala–"Di na naituloy ng babae ang sasabihin nya dahil nagsalita na kaagad si Luan.

"Basta ibili mo yan. Ikaw na bahala basta bigyan mo sila alam mo naman kung saan ako nakatira. Kaya problema ko na lang yung hapunan namin. " Dahan-dahang naglakad si Luan papunta sa motor at nagsuot na ng helmet. 

Napakagat naman ng ibabang labi si Soliana at halos matunaw ang puso nya dahil sa mga sinabi ni Luan. Talagang gagawin nito ang lahat para sa pamilya. Nag antay pa sya sandali tsaka nya sinundan yung singkit na babaeng katrabaho ni Luan. Sa pagsunod ay nakita nya na isang apartment pala ang tinitirahan ng pamilya ni Luan.

Alam nya na namo-morblema si Luan kaya naman may naisip na naman syang gawin. Bumili sya ng mga pagkain para sa hapunan at ilang groceries. Pagpunta nya sa apartment at kaagad syang sinalubong ng mga kapatid ni Luan. May dalawang kapatid si Luan, ang isa ay nasa highschool na at ang isa naman ay kakapasok lang sa elementary. Niyakap pa sya ng bunso kaya naman natuwa sya. Kaso lang nanlaki ang mata ng bunso dahil nakita nyang hindi si Luan ang niyayakap.

"Ahmm..Sorry po. Akala ko po kasi si Luan unnie. Sorry po." Paulit-ulit na nag bow ang bunso tsaka nagtago sa likod ng isa pa nyang ate.

"Okay lang yun. Nga pala ito oh. Pinapahatid ni Luan para sa inyo." Inabot nya yung mga pagkain at groceries na hawak pero ayaw itong tanggapin ng magkapatid.

"Sandali, sino ka po ba?" Tanong ng sumunod kay Luan na  nasa highschool na.

"Ay sorry, di pala ako nakapagpakilala sa inyo. Ako si Soliana, isa ako sa mga kaibigan ni Luan." Ngumiti naman si Soliana ng malapad tsaka inabot ulit yung mga dala nya.

Tinanggap naman ng magkapatid yung mga dala nya tsaka sya pinapasok sa loob. Matapos nito ay nanatili lang si Soliana sa loob ng apartment. Nakipagkwentuhan pa sya sa magkapatid. Ang sumunod kay Luan na nasa highschool na ay nagpakilalang si  Arya at ang bunso naman ay si Maori . Nabanggit ng mag kapatid na nagkatrangkaso si Luan kaya naman di ito nakapasok sa school at trabaho. Masyadong mapilit si Luan na pumasok kahit pa di mabuti ang pakiramdam. Muling bumalik sa isip ni Soliana ang matamlay na itsura ni Luan ng magpunta sya sa pinag tatrabahohan nito at dahil do'n ay mas lalo syang nag alala.

Nagpatuloy sila sa pag kukwentuhan hanggang sa dumating ang mga magulang ni Luan. Ang nanay nya ay nagtatrabaho sa isang pabrika ng mga tela habang ang tatay naman nila ay nagtatrabaho sa clock repair shop. Nakita ni Soliana na simple lang ang buhay ng mag anak pero masaya naman.



___



"Nandito na ako. Pasensya na kasi mga delata lang nabili ko–" Natigilan sa pagsasalita ang kakarating lang na si Luan habang nakatingin kay Soliana na may malapad na ngiti.

"Ba't ka nandito? Nang aasar ka ba?!" Naiinis na tanong ni Luan tsaka lumapit kay Soliana.

"Hindi ako nang aasar ah! Gusto ko lang makatulong." Depensa ni Soliana saka tumayo pa para harapin si Luan.


Nabaling ang tingin ni Luan sa mga groceries na nasa gilid.  "Hindi mo naman kami kailangan tulungan. Problema na namin 'to kaya di ka na dapat nakikisali. Ako ang panganay kaya ako dapat ang gumawa ng paraan para masolusyonan ang mga problema namin. "


"Pero sabi nila di pa rin maganda ang pakiramdam mo kaya nag alala ako. Matamlay ka kaya noong nakita kita kaninang umaga." Naka pout na wika ni Soliana saka pinaglaruan ang kanyang daliri.

"Teka nga, hindi ko sinabi sa kahit kanino kung saan ako nakatira kaya paano ka nakapunta dito?" tanong ni Luan at nagtataka kay Soliana.

"Ahmm...Sinundan ko kasi yung babaeng singkit na katrabaho mo. Pinahabilin mo sa kanya yung pananghalian ng mga kapatid mo kaya naisip ko na chance na yun para–" Hindi na nakapagsalita si Soliana ng patigilin sya ng Luan.

"Tama na.. Umalis ka na rito." Mahigpit na hinawakan ni Luan sa braso si Soliana saka hinila papalabas ng apartment.


"Huwag ka nang babalik dito. Tigil-tigilan mo na yang pagiging stalker mo." Malakas na sinarado ni Luan ang pinto. Napapikit naman si Soliana dahil sa ginawa ni Luan.

Hindi nya inaakala na magagalit ito pero aminado naman si Soliana na mali ang ginawa nya dahil nag mukha talaga syang stalker. Pero di nya rin naman kasi maiwasan ang mag alala.  Huminga sya ng malalim tsaka malungkot na naglakad papalayo.



______

A/N:
Hi guys! Sensya na kaagad kung medyo sabaw yung update Hahhahaha. Natatagalan lang talaga ako kapag Narration pero don't worry tatapusin ko pa rin naman ang Epistolary na ito.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Starry Night [MoonSun Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon