045

39 6 0
                                    


-Narration-

"Inhale, exhale.." bulong ni Wrenna saka tumalon talon.

Hinawakan ni Soliana ang balikat ni Wrenna saka ngumiti ng malapad. "Wag ka na masyadong kabahan. Andito naman kami."

Dahil sa napakaliwanag na aura ni Soliana ay napapangiti na rin si Luan. Nagbibigay sa kanya ng lakas ang bawat ngiti nito.

Lumapit naman si Mireya at hinawakan ang magkabilang balikat ni Wrenna. "Don't worry, sinasabi ko sayo ako na mismo ang mag hahagis ng heels ko sa sino mang aaway sa'tin sa stage. Subukan lang talaga nilang mag boo itong heels ko ang tatama sa mukha nila."

Napangiti naman ng alanganin si Luan. "Baka naman malagot tayo kung magkakagulo mamaya."

"Hayaan mo na yan si Mireya. Hindi naman talaga dapat maging rude sa mga nag performer sa stage lalo na kung wala namang ginagawang masama." Tumabi si Soliana kay Luan at inakbayan.

"Ikaw kinakabahan ka ba?" Tanong ni Soliana kay Luan habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito.

"Wag ka masyadong lumapit sa'kin." Umiwas kaagad ng tingin si Luan saka umayos ng upo. "Para sagutin ang tanong mo, syempre oo. Kinakabahan ako pero dahil nandito ka naman edi hindi ma masyado."

"Ayieee...Ako na ba ang happy pill mo? Kakakilig naman." Ngumiti pa ng todo si Soliana habang namumula ang pisngi.

Napatakip naman ng bibig si Luan dahil  sa inasal ni Soliana at pilit na itinatago ang kilig na nararamdaman. Lagi namang ganito ang inaasal nito pero ang lakas pa rin ang epekto sa kanya.

Tumayo bigla si Soliana saka sumigaw. "Hindi nga ito contest pero kailangan natin na ipakita sa kanila na the best tayo!" Kitang kita ang nag liliyab na apoy sa kanyang mga mata.

"Dahil sa sinabi mo napressure ako pero dahil dyan sa fighting spirit mo mas nakakagana." Inakbayan naman ni Luan si Soliana saka ngumiti ng malamad.

Habang nasa backstage ay sinisilip nilang apat ang mga tao. Mas nag niningning ang mga mata nila ng makitang napakaraming mga tao pala ang manonood yung iba ay  galing sa ibang university na nakicelebrate ng foundation week.

Bago pa sila sumalang sa stage ay naghawak silang apat at nag form ng bilog habang nakangiti sa isa't-isa.

"Kayang-kaya natin 'to!" Sabay sabay nilang sigaw.

Paglabas nila sa stage ay hiyawan ng mga tao ang sumalubong sa kanila. Nagpunta kaagad sila sa mga pwesto tsaka namatay ang ilaw. Sa pagbukas ng ilaw ay nag start na silang kumanta. Ang kantang napili nilang iperform ay Power by Little Mix.  Kaagad naman silang sinabayan ng mga manonood.

Dumidilim na ang paligid ng mag simula silang mag perform kaya naman ang ilan sa mga manonood ay nag open na ng flashlight sa kanilang cellphone. At tila ba mga bituin ang flashlight na iyon sa paningin nilang apat. Labis ang saya na nadarama nila habang nasa stage.

Talagang humataw na sila ng todo at ipinakita ang best nila sa stage. Nang matapos ang performance ay mas lumakas pa ang hiyawan at palakpakan ng mga manonood. Lalo na sa mga department na pinagmulan nila. Todo suporta ren sa kanila.

Sa pag baba sa stage ay balak na ayain ni Soliana si Luan na mag star gazing. Matagal nya na itong gustong gawin. Mula umpisa ay gusto na nyang makasama si Luan na mag star gazing. Hindi nya lang kasi maaya si Luan dahil masyado itong busy sa mga gawain. Ayaw nya naman na makasagabal kaya naman hinayaan nya na muna. Pero noong gabing iyon ay gusto nya sanang gawing mas special.

Starry Night [MoonSun Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon