Luan's POVMatapos ng performance namin bigla na lang di nagpakita si Soliana. Hindi ko na alam kung saan ko sya hahanapin. Sobrang namimiss ko na sya. Wala naman kasing ibang nangungulit sa'kin kundi sya lang. Di nakukumpleto yung araw ko kapag di nya ako kinukulit o kaya naman pinipisil sa pisngi.
Hindi ako sigurado pero mukhang ako ang dahilan kung bakit nagtatago si Soliana ngayon. Malamang na nakita nya yung nangyari noong nandoon ako sa classroom. Yung nakablack suit ako at nakawig pa. Mukha na raw talaga akong lalaki sa suot ko. Masyado rin kasing mapilit si Miya. Halata rin naman na lasing silang tatlo maliban kay Sophia na katrabaho ko. Sinabi sa'kin ni Sophia na pinilit lang din sya ni Miya, Jessie, Zania at Hazel na sabihin kung nasaan ako. Talagang naghanda pa sila ng susuotin ko para lang sa plano nila. Binalak kasi nilang tatlo na pagselosin yung ex ni Miya.
Ginamit pa talaga ako. Noong una ayoko talagang gawin. Kasi naman ang hirap ng pinapagawa nila. Naisip ko na magseselos si Sol kapag nakita nya yung mga picture na magkasama kami. Pero masyado talaga silang mapilit. Mas lalo silang mapilit dahil nga lasing na sila. May hawak pa ngang bote noong nasa classroom kami. Mabuti na lang talaga at wala ng tao sa classroom noong mga oras na yun. Naiilang na ako kay Miya dahil sa paglapit nya sa mukha ko. Purple yung kulay ng buhok nya ngayon at nakailang pagpapakulay na sya ng buhok.
May ibinulong sya sa'kin tungkol kay Sol, noong mga sandaling iyon talagang kinabahan ako. Alam ko naman na lasing sya pero sigurado ako na kaya nyang gawin 'yun. May connection sya sa pamilya ni Sol. Balak nya kasing sabihin sa mga magulang ni Sol ang totoo at ang relasyon namin. Ayoko naman na masira ang pangarap ni Sol. Alam ko na masaya na sya sa kung ano man ang ginagawa nya at sapat na sa kanya ang magkasama kami. Pero kung sasabihin ni Miya yun sa mga magulang ni Sol syempre magagalit sila. Lalo na at matagal ng nagsisinungaling si Sol.
Kaya kahit ayaw ko ginawa ko na lang kung ano yung gusto ni Miya. Pero hindi nya naman talaga ako hinalikan sa labi. Sa pisngi nga lang ako hinalikan pero sa picture parang totoong hinalikan nya ako sa labi. Hindi naman kasi halata dahil madilim naman at konting ilaw lang mula sa stage ang meron. Sinabihan ko sila na wag ipapakalat yung picture dahil mayayari ako kay Sol.
Nagalit pa nga ako sa kanila dahil akala ko talaga kinalat nila yung picture pero hindi naman. Kaya mukhang nakita ni Sol yung nangyare. Kaya gagawa ako ng paraan para lang makita sya.
Kaya ngayon nandito ako sa tabi ng bahay ni Eric. Sinabi sa'kin ng isa sa mga kaibigan ko na kapitbahay nitong si Eric na may napapansin syang babae na nasa loob ng bahay ni Eric. Lagi raw kasing balot na balot kaya di daw sya sigurado kung sino. Wala na akong pakialam kung makasuhan ako ng tresspassing basta malaman ko lang kung sino ba yung babaeng sinasabi ng kaibigan ko. Malakas ang kutob ko na si Sol na yun. Dahil matagal na silang magtropa ni Eric. Pinag sususpetsyahan ko na rin naman yun si Eric magmula noong mawala si Sol. Para kasing wala lang sa kanya at kampante lang sya. Hindi nga sya tumulong sa pag hahanap. Lagi syang may dahilan para di kami magkita.
Huminga muna ako ng malalim habang nakatingala sa malaking pader saka nag-umpisang umakyat sa puno na nasa tapat nito. Sinilip ko na muna ang loob ng bahay at mukhang walang tao. Nang masigurado na walang tayo ay dahan-dahan akong bumaba. Mabilis naman akong nakapasok sa loob bahay dahil di naman nakalock. Napapailing na lang ako dahil pakiramdam ko isa ang spy na nasa mision at ang mision ko ay hanapin ang prinsesa ko.
Bigla ko na lang naisip yung mga panahon na gumagawa ng paraan si Sol para lang makita ako. Kahit pa sinasadya kong magtago sa kanya. Grabe pala talaga ang effort nya para lang makita ako. Ngayon nararamdaman at nararanasan ko na ang mga ginawa nya. Kaya dapat lang na mag sorry na ako kaagad sa kanya. Di ko na kailangan kompirmahin pa kung nakita nya yung nangyari sa classroom basta mag so-sorry na ako kaagad. Ayoko na lumala pa 'to.
May narinig akong humahagulgol habang umaakyat ako ng hagdan. Kaya kaagad akong tumakbo paakyat at sinundan kung nasaan ba yun.
Nang makita ko yung isang pinto na nakauwang ay kaagad ko itong binuksan at tumambad sa'kin ang sandamakmak na kalat. Mga alak, mga plastic ng chichirya at tissue. Nakaupo sa sahig ang isang babaeng mahaba ang itim na buhok at patuloy na humahagulgol.
"Sol," malambing kong tawag sa kanya saka sya niyapos ng mahigpit na yakap.
Tumingin naman sya sa'kin at kitang-kita ko sa mga mata nya ang kalungkutan. Mas lalong pumatak ang mga luha sa mata nya ng makita ako.
"Bakit ba kasi mahal na mahal kita kahit na niloloko mo na ako?!"Sigaw nya sa mukha ko saka ako itinulak.
Pinunasan nya ang mga luha na pumapatak sa pisngi nya bago magsalita. "N-napaka handsome girl mo kasi kaya ayan tuloy marami nang mga babae ang nagkakagusto sayo. Paano naman ako? Napilitan ka lang ba sa'kin?"
Umiling-iling naman ako sa sinabi nya. "Hindi yan totoo. Mahal kita Sol, ikaw ang araw ko, ang buhay ko. Hindi kita kayang lokohin."
"Talaga? B-bakit may kahalikan kang ibang babae? Kitang-kita ko yun. Gusto kong kalimutan yung nakita ko pero di ko magawa. M-may tiwala naman ako sayo pero wala akong tiwala doon sa babaeng purple ang buhok na parang ahas kung makalingkis sayo!" Sinisinok na sya at nahihirapan na ren magsalita dahil sa kalasingan.
Naku! Sinasabi ko na nga ba at nakita nya yun. Kailangan kong magpaliwanag ng maayos sa kanya. Pero hindi pwede ngayon kasi naman wala sya sa tamang wisyo. Hindi ko sya makakausap ng maayos.
"Halika na, umuwi ka na. Nag aalala na kaming lahat sayo. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat ng maayos pero kailangan muna nating umuwi." Pinapatayo ko na sya pero tinutulak nya ako.
"L-umayo k-ka s-sa'kin!" Malakas nyang sigaw halos hindi ko na maintindihan mga sinasabi nya.
Makulit talaga. Umiling-iling ako at marahas syang hiniga sa kama. Hinawakan ko ang magkabila nyang braso at tumingin ng diretso sa mga mata nya. Kitang-kita ko ang gulat nyang ekspresyon at napapapikit-pikit pa sya. Dahan-dahan akong lumapit at pinaglapit ang labi naming dalawa. Habang tumatagal ay nalalasahan ko na rin ang alak na ininom nya at para na rin akong nalalasing. Kakaiba talaga ang epekto sa'kin ng isang Soliana.
Nang lumayo na ako sa kanya ay nakita ko syang ngumiti at tuluyang pumikit.
______
A/N:
Eyy yoww everyone! Sensya na sa late update na busy kasi ako sa school hehehe.
Enjoy Reading!
BINABASA MO ANG
Starry Night [MoonSun Fanfic]
Fanfiction[Epistolary] -Completed- (Mamamoo Fanfiction) Soliana is like the sun that shines so bright and she's trying to catch the moon while Luan is the Moon that keeps on moving away. What will Soliana do if her moon will keep on avoiding her? Will...