035

60 12 0
                                    

[Narration]

Matyagang nag aantay si Luan sa cafeteria habang nakatayo sa gilid ng entrance. Naisip nya kasi na kapag pumasok lang sya sa loob ay mas maamoy nya ang mga masasarap na pagkain na binebenta sa loob at bigla na lang syang mapabili. Ayaw nya naman na mabawasan pa lalo ang pera nya dahil kailangan nyang mag tipid. Umaatras  abante sya habang nakatayo at lumingon-lingon sa paligid. Bumibilis din ang tibok ng puso nya habang tumatagal ang oras ng kanyang pag aantay.

Noong makita nya ang mga messages sa kanya ni Soliana ay talagang nag aalangan syang pumunta dahil hindi nya alam kung paano haharapin ang dalaga. Pero sinabi nya na rin sa sarili na kailangan nyang harapin si Soliana  at marinig ang mga sasabihin nito sa kanya. Nakailang beses na syang napapalunok at napakagat ng ibabang labi dahil mula kaninang umaga ay walang reply si Soliana. Di nya rin sigurado kung galit ba talaga ito. Huminga sya ng malalim, halos tatlong beses nya itong ginawa habang nakapikit at mahigpit na hinawakan ang cellphone. Sa kanyang pagdilat ay napatalon sya sa gulat dahil bumungad sa kanya ang nakakunot-noong mukha ni Soliana.

Magsasalita pa sana si Luan pero di nya na ito nagawa dahil sa biglang paghila sa kanya ni Soliana. Noong sandaling hawakan ni Soliana ang kanyang pulsuhan ay nakaramdam sya ng kakaiba na parang may kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan. Sa mga sandaling iyon ay mas lalong dumagundong na parang malakas na kulog ang puso nya. Umiling-iling si Luan at patuloy na naglakad kasama si Soliana. Nagtaka naman si Luan ng huminto si Soliana sa isang storage room. Napalunok sya ng wala sa oras dahil sa masamang tingin na ibinigay ni Soliana sa kanya.

Dahan-dahang binuksan ni Soliana ang storage roon saka nagsalita. "Pumasok ka, bilis."

Napakurap naman si Luan at dali-daling sinunod ang sinabi ni Soliana. May mga cleaning equipment ang nasa loob at ilang mga kahon. Napaatras naman si Luan ng lumapit na si Soliana. Nakatungo si Soliana at sa paningin ni Luan ay may maitim itong aura.

Tumigil si Luan sa pag atras ng pamagtanto na puro kahon na pala ang nasa likod nya. Mabigat na ang paghinga nya dahil sa kakaibang kilos ni Soliana.

"So anong meaning ng message mo sa'kin?" Nakangising tanong ni Soliana at mas lalong lumapit sa mukha ni Luan.

"Ahmm.." Biglang nablanko ang isip ni Luan ng magtanong na si Soliana.

"Tsaka paano mo nalaman na magkasama kami ni Elric?" Nakataas kilay na tanong ni Soliana. "Sinusundan mo ba kami? Sinabihan mo ko na tigilan ang pagiging stalker di ba? Kahit di naman talaga ako stalker."

Mas lalong makikita ekspresyon ng mukha ni Luan na kabado sya dahil pakiramdam nya ay  para syang binubuhusan ng malamig na tubig habang nasa hot seat dahil sa mga tanong nito. Pinipigilan naman ni Soliana ang matawa dahil sa naging reaksyon ni Luan. Hindi nya naman talaga intensyon na ipressure si Luan, ang gusto nya lang ay malaman ang katotohanan. Ilang sandali pa ang lumipas pero nakatulala pa rin si Luan kaya naman pinaglagitik na ni Soliana ang mga daliri sa harapan nito. Nagbabaka sakaling magbalik ito sa wisyo.

"A-no k-kasi...Nag kataon lang na nag deliver ako ng mga oras na makita ko kayo ni...Elric ba yun..Basta yung nabanggit mo kanina. H-hindi ko naman sinasadyang makita kayo." Nauutal na sagot ni Luan at pinilit ang tumingin sa mga mata ni Soliana.

"Ahh gano'n ba?" Hinaplos naman ni Soliana ang buhok ni Luan.

"Oo nga..Tsaka sorry talaga sa mga nasabi ko sayo. Nagmamagandang loob ka lang naman sa'min. Sorry kung minasama ko yung pagtulong mo. N-nga pala salamat." Bahagya syang nag bow.

"Walang anuman yun. Basta ikaw.. So sagutin mo nman yung nauna kong tanong.. Anong meaning ng message mo sa'kin?  Bakit ka nasasaktan? Ayoko naman na mag isip nang ibang bagay kaya tinanong na kita at gusto ko sabihin mo sa'kin ng harapan. " Nilapit lalo ni Soliana ng mukha nya kaya kitang-kita nya ang pamumula ni Luan.

"H-ha? Anong message? Nga pala, wala bang makakaalam n-na nandito tayo?" Pinilit pa ni Luan na maiba ang usapan pero dahil sa mga tanong nya ay tumawa lang si Soliana.

Kinuha nya ang cellphone sa bag at ipinakita ang message ni Luan. Nang muli nyang  makita ang message ay halos sampalin at suntokin nya ang sarili dahil sa daliri nya na namali pa ng pindot. Hindi nya na rin naman masisi ng sobra ang sarili dahil matagal na rin ang cellphone na ginagamit nya kaya madalas na pumapalya. Naisip nya na sabihin kay Soliana na misunderstanding lang ang lahat at wrong send lang ang message. Pero halatang halata naman na para talaga kay Soliana ang message.

Napalunok naman si Luan dahil sa muling paglapit ni Soliana. Ramdam na nya ang mainit na hininga ng dalaga sa kanyang tenga.

"Nagseselos ka ba? Kaya ka nasaktan noong nakita mo kaming magkasama?" Mahinang tanong ni Soliana sa tenga ni Luan.

"Ano kasi.."

"Hmmm...Sige mag aantay ako sa sagot mo."

Napakagat ng ibabang labi si Luan saka napayuko. Ayaw nyang malaman ni Soliana ang totoo dahil sigurado syang magiging magulo lang ang lahat. Pero tila ba nawala sya sa sarili ng mga sandaling iyon lalo na at napakalapit ni Soliana. Ang mainit na hininga ni Soliana na nararamdaman nya sa kanyang tenga ang tanging nasa isip nya.

Dahan-dahan nyang itinulak si Soliana.  "W-wala lang 'yun. Nag auto correct lang yung keyboard ng cellphone ko t-tapos madalas pa na matypo. Pasensya na kung naabala kita."

Hindi nagpatinag si Soliana at mas lalong pang idiniin si Luan sa mga kahon na nasa likod nito. Muli syang lumapit at hinalikan ang leeg ni Luan. Nanlaki naman ang mata ni Luan at marahas na tinulak si Soliana.

"Tumigil ka na! Gusto kita pero hindi tayo pwede!" Malakas na sigaw ni Luan saka napaiwas ng tingin. Hindi nya inaaklang masasabi nya 'yun.

Ngumiti naman ng malapad si Soliana at muling lumapit kay Luan. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay wala ng nagawa pa si Luan. Tuluyang dumampi ang labi ng isa't-isa. Muling hinaplos ni Soliana ang buhok ni Luan.

Mahigpit na hinawakan ni Luan ang braso ni Soliana at sinubukan nya itong itulak pero hindi nya na ito nagawa. Hindi na sumusunod ang katawan nya at nanghihina na ito sa bawat paghaplos ni Soliana sa kanyang pisngi. Sa mga sandaling iyon ay tila ba may maliwanag na fireworks display ang nasa kanilang paligid.

_______

A/N:
Sorry na po kung medj sabaw yung update na itu huhuhu. Nakikipag away pa ako sa sarili ko kung anong scene yung ilalagay ko sensya na talaga😂🤧🤦‍♀️ Sana po patuloy nyong basahin ang Epistolary na ito.

Enjoy reading(◍•ᴗ•◍)❤


Enjoy reading(◍•ᴗ•◍)❤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Starry Night [MoonSun Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon