Epilogue

38 7 0
                                    

[ Epilogue ]

Kakatapos lang ng photoshoot ni Soliana at gabi na ng matapos ito. Sa umaga ay may mga fan signing events syang pinuntahan bago mag photoshoot. Umaattend din sya ng mga music shows para na rin ipromote ang kanyang newly released album. Kaya naman punong puno na ang schedule nya at hindi na nya mapigilan ang mapahikab dahil sa pagod.

"Namimiss ko na sya... " Wika ni Soliana matapos maghikab at sumandal sa kanyang kinauupuan habang nakatingin bintana ng kotse.

Madalas naman syang nag chachat sa kanyang pinaka mamahal na handsome girl pero di nya pa rin maiwasan na mamiss ito. Kahit na busy sya sa pag papractice at pag sho-shoot ng music video para sa kanyang comeback ay hindi pa rin nya nakakalimutan na mag send ng picture o kaya naman ay voice message. Kaso lang halos hindi na sya makapag chat o makapag send manlang ng pictures mag mula ng ma irelease ang kanyang music video. Nag release rin kasi sya ng kanyang 1st full album.

Halos dalawang linggo na ng ma irelease ang kanyang full album kaya naman ang pinaka pinag tutuunan  nya ng pansin ngayon ay ang promotion nito. Nag pupunta rin sya sa mga variety shows at na-invite din sya sa isang survival show na isa sya sa magiging mentor. Hindi pa rin makapaniwala si Soliana sa bilis ng mga pang yayari sa kanyang buhay.

Ngumiti ng malapad si Soliana ng maalala ang mga sandaling nag debut sya bilang isang soloist. Nasa unahan pa si Luan na sinisigaw ng malakas ng pangalan nya. Hindi nya makakalimutan ng araw na iyon dahil nag liliwanag si Luan sa kanyang paningin na para bang isang maliwanag na buwan sa kalangitan.

Ilang taon na ang nakalipas magmula ng makagraduate sila at hindi pa ren makalimutan ni Soliana ang panahon na sinabi nya sa kanyang parents yung tunay na course na kinuha nya. Hindi sila makapaniwala lalo pa at sinabi na sa kanila kung kailan araw na mismo ng graduation. Mas lalo pa silang nadismaya noong alam na pala ng mga kaibigan at kapatid ni Soliana iyon pero silang magulang ay walang kaalam-alam. Muntikan pang mag kaaberya pero kaagad na kinausap ni Luan ang parents ni Soliana and because of her good communication skills, kumalma na ang parents ni Soliana sa mga oras na iyon.

Ilang araw matapos ng graduation nila ay mabilis silang nagpaliwanag sa mga magulang ni Soliana, silang mag kakaibigan kahit ang ate ni Soliana. Ipinaliwanag nila ang totoong kagustuhan ni Soliana. Si Elric naman ay humingi ng tawad sa pag sisinungaling nya at nilinaw nya ren ang tunay na relasyon nila ni Soliana. Ipinaliwanag nya na mag kaibigan lang talaga sila at dahil nga sa pangarap ni Soliana ay nagawa nyang mag sinungaling. Hindi rin naman nag tagal at tinanggap ng mga magulang ni Soliana ang mga nangyari. Alam naman nila na gagawin pa rin naman ni Soliana kung ano man ang naisin nito lalo na kung makakabuti ito sa kanya.

Iba iba na ang daan na tinahak nilang apat na mag kakaibigan pero kapag may free time ay nag sasama sama sila at sa tuwing nangyayari yun ay parang walang pinagbago na parang hindi sila magkakalayo. Puro halakhakan na may kasamang hampasan ang ganap nila madalas kapag nag kikita silang apat. Walang oras na tahimik kapag magkakasama sila, yung kahit may ibang tao sa paligid parang sila sila lang yung mag kakasama at nakapa ingay.

Nang makarating si Soliana sa bagong bili nya na bahay ay kaagad nyang chinat si Luan. Pero ni isang reply ay wala syang natanggap. Naiitindihan din naman ni Soliana dahil busy din ito sa kanyang business. Nagpatayo kasi si Luan ng furniture shop at nagkaroon din ng sariling stores na malapit sa palengke at mataong lugar. Gumagawa rin si Luan ng mga vlogs na karamihan sa contents ay about sa travelling at mga pagkain. May ilan pa syang mga cover ng kanta at kinukumbinsi ni Soliana na mag collab silang dalawa pero paulit-ulit na tumatanggi si Luan. Idinadahilan nito ang kanyang business. Alam naman ni Soliana na gusto pa rin ni Luan maging singer. Hindi lang inaamin pero gustong-gusto iyon ni Luan.

Starry Night [MoonSun Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon