018

59 28 0
                                    

Soliana's POV

Nagmamadali akong naglalakad habang lumingon-lingon sa paligid. Sabi kasi ni Luan nandito na sya. Excited na ako ngayon. Syempre makikita ko na naman sya. Pinaghandaan ko talaga ang araw na 'to. Sinigurado ko na magiging okay ang lahat. Nag make up din ako ngayon pero yung mukhang natural lang. Dapat talaga mag susuot ako ng dress kaso lang baka naman mailang si Luan sa legs ko. Tsaka baka makaaatract ng ibang guys sa tabi tabi . Pero kahit ano naman yung isuot ko marami pa rin yung mahilig mag cat call parang mga baliw lang. Yung kahit na sobrang nakabalot ka na parang lumpiang shanghai may mga mambabastos pa rin. Bahala sila dyan basta nakaripped jeans ako at green na blouse. Napaisip kasi ako na kung magsusuot ako ng white na pants baka magmuka na akong labanos.

Napahinto ako ng sandaling makita ko na si Luan na nakatayo sa tapat ng Paint me store. Napatulala ako sa kanya habang napapakagat ng ibabang labi. Nakawhite longsleeves, dark polo tapos nakablue skinny jeans may black cap pa. Shems! Ang gwapo nya tingnan! Bihira ko lang sya makita na nakalugay. Tapos noong umihip ang banayad na hangin sumabay din yung buhok nya saka dahan-dahang lumingon sa'kin na parang may slow motion effect . Ang lakas talaga makak-drama. Gusto kong mag sisigaw sa sobrang kilig dahil hindi ko na talaga kinakaya yung tingin nya sa'kin pero ngumiti lang ako ng malapad. Ayoko naman na isipin ng mga tao rito na nababaliw na ako. Well, nababaliw na talaga ako. Baliw na baliw kay Luan Moon, isang handsome girl.

Kailangan kong kumalma ngayon din. Self baka maweirduhan na naman sya sayo kaya act normal lang. Nakangiti akong lumapit sa kanya pero natapilok ako noong malapit na kaming magkaharap. Mabuti na lang talaga at nahawakan ni Luan ang bewang ko kaya hindi ako tuluyang natumba. Halos hindi ako makahinga noong magtagpo na yung paningin namin. Grabe! Nagwawala na yung puso ko sa sobrang saya.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya saka kumaway-kaway sa mukha ko.

Napakurap naman ako saka tumango. "Ah..Oo naman. Tara na. Hanapin na natin yung dalawang yun."

Nauna na ako sa paglalakad saka napapikit ng mariin. Nakakahiya sa kanya. Baka isipin nya na sinasadya ko na matapilok. Well, gusto ko naman talaga na saluhin nya ako kasi nahuhulog na ako sa kanya.

Nakailang chat na ako kay Wrenna pero di pa rin nag rereply. Ewan ko ba kung saang lupalop na nagpunta ang babae na yun kasama ang bebe nyang si Mireya na di ko makasundo. May pagkamasungit at maldita kasi talaga si Mireya kaya di kami magkasundo. Mabuti na lang talaga at mukhang okay naman  sila ni Wrenna. Ilang sandali pa at nakasalubong namin silang dalawa na papalabas na sa Grocerie store.

"Andyan lang pala kayong dalawa ng bebe mo. Kanina pa kita chinachat Wrenna di ka nag rereply. Ano yang mga dala nyo?" Usisa ko sa mga dala nila.

"Hoy! Anong bebe ka dyan! Di ko sya bebe ah. Tsaka itong mga hawak ko pagkain 'to. Tara na nga." Kumapit sya sa braso ni Mireya at naunang maglakad.

"Ba't pa kayo sa grocerie store bumili pwede naman don na mismo sa mga booths do'n." sabi pa ni Luan na sinang-ayunan ko naman.

"Mas makakamura kasi kapag sa grocerie store bumili tsaka maraming mabibili kesa sa mga booth." Pangangatwiran ni Mireya. "Baka murahin ko lang sila. Ang konti lang kaya ng popcorn do'n."


"Uy wag ka namang ganyan." Natatawang hinampas ni Wrenna yung braso ni Mireya.


Umiling-iling naman ako sa kanilang dalawa. Bahala na nga sila sa gusto nila. Basta ako na ang bahala sa pagkain namin ni Luan. Pakiramdam ko tuloy double date ang nangyayari. Kaming dalawa ni Luan yung magkasabay na maglakad tapos sina Wrenna at Mireya ang nasa harapan namin. Halos mapunit na yung mukha ko sa kakangiti.




______•••••______


Nakailang movie na kami at mukhang naaliw naman sila. Dahil ako sobrang naaliw na rin. Panay lang kasi ang tingin ko kay Luan at pinagmamasdan ko ang magiging reaksyon nya sa mga eksena. Parang sya na ang palabas para sa'kin, ang pinaka magandang parte nito. Hindi ako magsasawa na tignan ang mukha nya. Halos maghapon na kaming nanonood at sa huling movie na pinanood namin ang pinaka exciting dahil horror ang genre. Nagyayakapan na kami ni Luan kapag may mga nakakagulat na scene at magkahawak na kami ng kamay kanina. Hanggang ngayon nga nakakapit pa rin sya sa braso ko. Hindi naman ako umaangal. Bakit pa? Gusto ko naman na nakakapit sya sa'kin.


"Sorry, hanggang ngayon kasi di ako makamove on sa pinanood natin." nag bow sya sa'kin saka lumayo ng kaunti pero nanginginig pa rin sya.

Umiling-iling ako saka kumapit sa braso nya. "Okay lang, ako ren di ako makamove on sa pinanood natin. Ang cute mo kasi."

Sinadya ko na ibulong lang yung huli kong sinabi kaya tiningnan nya ako na nagtataka. Mukhang di nya narinig yung ibinulong ko. Pero kahit papaano gusto ko rin na marinig nya. Basta mamaya hahanap ako ng tyempo para umamin sa kanya.


Namasyal lang kami ng konti sa mall tapos napagpasyahan namin na mag dinner sa restaurant na ang pangalan ay mumumumuchh which is weird pakinggan para sa'kin pero wala na akong pakialam basta kasama ko si Luan.  Nakakapit pa rin sya sa braso ko hanggang ngayon kaya parang gusto ko na lang tuloy tumalon talon sa sobrang kilig.  Ang hot naman kasi nya at ang cute pa kahit may pagkascaredy cat.



Matapos namin mag order ay nag-antay lang kami ng kaunti at panay ang sulyap ko kay Luan. Di ko naman hinahayaan na magtagpo yung paningin namin baka kung ano pa yung isipin nya. Ngumiti naman ng nakakaloko si Wrenna saka nagsalita.


"Uy baka may matunaw." Pagpaarinig nya saka tumawa.

Napakunot naman ang noo ni Luan na halatang naguguluhan habang si Mireya naman na katabi nya ay napapangiti lang. Siniko ko naman si Wrenna saka sya sinamaan ng tingin pero mas lalo lang syang tumawa. Paepal talaga sya kahit kelan! Baka mapansin ni Luan na crush ko sya. Natatawa rin tuloy ako sa sarili ko kasi para akong nasa highschool na pasulyap-sulyap sa crush.


Nagumpisa na kaming kumain after dumating ng order namin. Hindi ako makapagfocus sa pagkain kasi mas masarap pa yung handsome girl na nasa harap ko. Napahinto ako sandali tsaka tumitig kay Luan habang kumakain sya. Sa bawat pagsubo nya ng pagkain ay napapalunok ako. Sana ako na lang yung kutsara at tinidor para lagi nya akong isu–

Napailing-iling naman ako sa naisip saka itinuon ang sarili sa pagkain. Umuwi na sina Wrenna at Mireya after namin mag dinner. Masyado na raw silang napagod kaya hinayaan ko na para na rin magkaroon ng bebe time yung dalawa. Tapos kami naman ni Luan yung magkaroon ng time na magkasama. Naglakad-lakad na muna kami ni Luan sa sea side. Ang aliwalas ng paligid. Wala masyadong tao rito at nagbubukasan na rin yung mga ilaw dahil pagabi na. Ito na siguro ang tamang oras. Nauunang lumakad sa'kin si Luan kaya naman  dahan-dahan akong lumapit at niyakap sya mula sa likod. Napahinto naman sya sa ginawa ko.

"Uy Soliana.."

Mas lalo akong naglakas ng loob ng marinig ko ang boses nya. Para sa'kin maangas pakinggan yung boses ni Luan at the same time ang cute din parang gusto kong marinig yung boses nya ng paulit-ulit. Lalo na kung yung pangalan ko yung tinatawag nya.  



"Luan...May aaminin ako sayo." Dahan-dahan akong bumitaw sa pagkakayakap saka ko sya pinaharap sa'kin.


Kitang-kita ko sa mukha nya na nagtataka sya sa kinikilos ko.



"Gusto kita. Hindi lang pala gusto. Mahal na kita!" Diretso lang akong nakatingin sa mga mata ni Luan.



Kanina ko pa gustong sabihin ang mga salitang iyan at sa mga sandaling 'to ay sasabog na ang puso ko. Nagkakahalo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon dahil na rin sa posible nyang isagot nya sa'kin.  Tahimik lang syang nakatingin sa'kin. Unti-unti akong lumapit sa mukha nya para tanggalin ang space na namamagitan saming dalawa pero nagulat ako sa sumunod nyang ginawa. 


Napakurap-kurap ako dahil sa pagkakatulak nya sa'kin. Sa sobrang lakas ay napaupo ako sa sahig. Nang muling magtagpo ang mga mata namin ay kitang-kita ko na nagulat din sya sa nangyari. Umatras sya ng dahan-dahan saka tumakbo papalayo.

Habang nakaupo pa rin ako  at pinagmamasdan ang pigura ni Luan na unti-unting lumiliit sa paningin ko.



________







Starry Night [MoonSun Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon