058

34 7 0
                                    

Soliana's POV

Abot langit ang ngiti ko ng muli kong maalala yung mga panahon na 'yun. Hindi ko kaagad na kompirma kung sya ba talaga yung batang nakita ko dati pero ngayon siguradong sigurado na ako. Nakakatuwa lang dahil ang cliche ng pagkikita naming dalawa noon.

Nakita ko kasi sya na nasa gilid ng kalsada habang may parada para sa ginaganap na moon festival. Nag kakasayahan ang lahat, may mga makukulay na ilaw at maraming mga food stalls. Sya kaagad ang nakapukaw ng pansin ko ng mga oras na iyon dahil nga nakaupo sya sa gilid ng kalsada at umiiyak. May binibili si mama kaya nilapitan ko ang batang iyon. Ang ganda nya sa suot na hanbok, white ang sa itaas at ang sa ibaba naman ay dark blue. Nakatirintas den ang buhok nya na may accessories na nakalagay gaya ng red ribbon sa dulo ng tirintas at headband.

Nang makatayo ako sa harapan nya ay kaagad ko syang tinanong kung bakit sya umiiyak.

Patuloy nyang pinupunasan yung luha nya bago sumagot. "Napahiwalay kasi ako kila mama at papa. " Kaagad ko syang tinabihan at niyakap ng mahigpit ng sabihin nya ang dahilan kung bakit sya umiiyak.

Alam ko kasi ang pakiramdam ng mapahiwalay dahil ilang beses na rin nangyari yun sa'kin. Masyado kasi akong makulit at kung saan saan nagpupunta. Pero di ako kaagad umiiyak, tumitingin muna ako sa paligid tapos kapag nakita ko na sila mama at papa saka lang ako naiyak. Hindi ko alam bakit ako gano'n. Pero sa sitwasyon na ganito ayoko na maramdaman nya na nag iisa sya.

Binuksan ko yung box ng mooncake na ipinahawak sa'kin ni auntie saka ako kumuha ng isa at iniabot sa batang katabi ko. Pumikit-pikit pa sya at muling pinunasan ang mga luha saka tinanggap ang mooncake. Kumuha ren ako ng isa at sabay kaming kumain.

Nakita ko naman si mama na mukhang nag hahanap sa'kin kaya tumayo ako at kumaway kaway.

"Mama! Andito po ako! " malakas kong sigaw. Mukhang nakuha ko naman ng atensyon ni mama dahil lumingon na sya sa direksyon ko.

Nang makalapit si mama at kaagad nyang napansin yung box ng mooncake. Halos nangalahati na kasi yung laman at sigurado naman ako na magagalit sya dahil hindi naman samin yun kundi kay auntie.

Starry Night [MoonSun Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon