043

39 6 0
                                    


Soliana's POV

Alalang alala ko pa yung panahong iniiwasan pa ako ni Luan. Sobrang layo nya sa'kin pero sya lang ang hinahanap ng mga mata ko. Mas lumilinaw ang mata ko kapag nasa paligid sya. Nangingibabaw kasi sya sa karamihan. Napaka handsome girl nya kasi. Aaminin ko nalungkot talaga ako noong panahon na pinagsarahan nya ako ng pinto. Pero hinding hindi ko malilimutan ang sinabi nya sa'kin.

"Ang araw ay hindi para sa buwan. Ang layo nila sa isa't-isa at sobrang magkaiba." Saka nya isinara ng malakas ang pinto. Napapikit pa nga ako noon kasi ang lakas ng impact at ng tunog ng pagsara nya.

Pinag isipan ko ng maigi ang sinabi nya at na realized ko na sobrang magkaiba nga kami. Wala pa rin talaga akong alam tungkol sa kanya tapos sya napakarami na nyang alam tungkol sa'kin dahil nga lagi akong nag ku-kwento. Napapansin ko na madalas syang tahimik kapag kasama nya ako. Minsan hindi na sya nagsaslita at lumalayo na sa'kin. Naisip ko talaga na kaya sya naiilang dahil sa kadaldalan ko. Pero kahit na lumalayo sya ay patuloy pa rin ang paglapit ko. Nag mumukha na nga akong stalker gaya nga ng sabi ni Mireya. Magmula noon hindi ko na ipinagpilitan ang sarili ko. Lumayo ako sa kanya. Ayoko lang naman kasi na mas lalo pang makasagabal sa mga ginagawa nya. Imbes kasi na makatulong ako mas lalo lang lumalala ang mga nangyayari.

Umasa pa rin naman ako na may nararamdaman din sa'kin si Luan. Kahit konti lang. Kahit katiting na pagtingin lang sa'kin, okay na yun. Kaya noong nagmessage sya sa'kin sobrang saya ko. Pero pinigilan ko lang yung sarili ko na iseen mga messages nya. Para akong sira ulong sinisilip lang yung messages, kapag may nag notif pero di pa sini-seen. Pakiramdam ko kasi kapag sineen ko sya baka may masabi lang ako na hindi maganda. Baka bumalik lang ako sa pangungulit sa kanya. Kaya yung nag message sya na nasasaktan sya dahil may kasama ako hay! Sobrang kinikilig ako noon. Dapat hindi pero kinilig ako at sa sobrang kagagahan ko ayun! Napindot ko yung chathead at naseen sya. Umayos muna ako ng upo at huminga ng malalim bago mag reply. Baka kasi mag i love you kaagad ako sa kanya.


Sinadya ko na magmukhang galit yung message ko. Para naman medyo kabahan sya. Effective naman kasi kabado nga sya noong makita ko. At heto na kami ngayon sobrang saya na. Yun nga lang kaming dalawa lang ang nakakaalam ng relationship namin. Ayaw kasing sabihin ni Luan sa parents nya at sinabi nya sa'kin na ilihim na muna. Hindi pa sya handang sabihin sa iba. Nakakahalata naman sina Mireya at Wrenna sa'min pero di pa rin namin kino-confirme. Gusto ko na talagang ipagsigawan sa lahat na akin sya para wala ng lumapit na mga lalaki kay Luan pero nirerespeto ko naman ang desisyon nya.


"Lalim ng iniisip mo ah," bulong ni Luan sa tenga ko habang nakayakap mula sa likod.


Ang ganda talaga ng boses nya mas lalong nakakainlove. Hinalikan ko yung kanan nyang pisngi saka ngumiti ng malapad.

"Iniisip ko lang yung future nating dalawa." Nakita ko namang namula sya.


"Uy guys mag pahinga na muna tayo. Mamaya na ulit tayo mag practice." Mag uunat na wika ni Mireya.

Sumang-ayon naman ako kay Mireya dahil kanina pa kami nag papractice. Mga tatlong oras na rin siguro. May iba rin kaming kasama rito sa dance practice room. May dalawa kasi akong kakilala na choreographer kaya pinakiusapan ko sila na tulungan kami.

"Bibili na ako ng pagkain natin." Wika ni Wrenna saka kinuha yung wallet sa bagpack nya.


"Libre mo kami?" Pabirong tanong ni Luan.

"Luh? Syempre hindi. Kanya-kanyang pera 'to." Natatawang tugon naman ni Wrenna.

"Ako na magbabayad ng kay Luan." Mabilis akong tumayo para sana lumapit sa bag ko.

"Wag na ako na." Inabot kaagad ni Luan yung pera na galing sa maliit nyang wallet.

Gumawa naman ng listahan si Wrenna ng mga bibilhin nya. Medyo makakalimutin kasi kaya kailangan nya pa ng listahan. Dahil baka magkamali yung mga bibilhin nya.


"Sasama na nga ako sayo." Umakbay naman si Mireya kay Wrenna at lumabas na sila.


Yung mga choreographer naman ay nagpaalam din sa'min na kakain na muna. Kaya kaming dalawa na lang ni Luan ang nandito. Nag mirror selfie na muna kaming dalawa. Tapos napansin ko yung gitara na natatabunan ng mga upuan kaya naisip ko na kunin yun at maupo sa tabi ni Luan.



"Kakantahan kita makinig ka lang ah." Ngumiti ako sa kanya habang hawak hawak ang gitara.



"Syempre kapag ikaw talagang makikinig ako." Ngumiti pa sya ng malapad.

"Aww napakamasunurin mo talaga." Pinisil ko yung pisngi nya at tumawa lang sya.



Inumpisahan kong ayusin yung chords ng gitara para naman maganda na yung tunog at tumono sa kakantahin ko. Ngumiti na muna ako ng malapad tsaka tumingin kay Luan, ang handsome girl ng buhay ko.


You , you are,my universe
And I ,just want , to put you first
And you , you are , my universe
And you make my world light up inside

My universe


Muling nag flash sa isipan ko yung panahon na una ko syang makita. Naglalakad sya kasama si Mireya. Naka high pony tail at ang lakas ng dating nya sa'kin. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sya ang buwan ko at ayokong may makaagaw sa kanya.


Matapos ko kumanta ay lumapit ako at hinalikan sya sa noo. "Akin ka lang my handsome girl."



_______________

_______________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Starry Night [MoonSun Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon