Chapter 24

2.5K 86 8
                                    

PENELOPE

Natatawa ako habang may iniisip na kalokohan para mag-enjoy ang mga bata. Kanina pa kasi ako inaaya ni Sunny at Avery na maglaro dahil boring daw kalaro ang Kuya Kairro nila. Nakasimangot na nakatingin sa akin si Kairro habang nagsusumbong ang dalawang bata sa akin na mabilis daw silang mahanap ni Kairro. They're playing hide and seek.

Nakakatawa naman kasi ang dalawang batang ito, magtatago sa may kurtina na nakalabas paa tapos pag mabilis mahanap, magtatampo sila.

"Let's play with daddy." natatawang aya ko sa kanila

Nagliwanag ang mukha ng dalawa at nagtatalon-talon sa tuwa. Sinabi ko sa kanilang tatlo ang gagawin namin, napapakamot naman si Kairro sa ulo niya habang humahagikgik ang dalawa.

Pinipigilan ko ang tawa ko habang papunta kami sa home office ni Darnell. Kanina pa siya nakakulong diyan sa loob kaya oras na para naman magrelax siya.

Sorry, Darnell. You will be a victim of our prank.

Walang katok-katok na pumasok ang dalawang bata papunta sa home office ni Darnell. Agad silang tumakbo sa kanya na may natatakot na ekspresyon sa mukha.

"Daddy!/Tatay!" Sabay na tawag nila sa kanya

"Yes, girls?" malambing na tanong niya sa dalawa

"Let's hide! Let's hide!" sabay na sigaw ng dalawa na akala mo natatakot talaga

Sumunod ako sa kanila at nagsimula ding umarte. Tumakbo ako sa kanya at sapilitan siyang hinila na ikinagulat niya.

"Darnell! Kailangan nating magtago! Dali! Bilisan mo!" desperadang aniya ko sa kanya

Parang nataranta din ito at agad na nagpahila sa aming tatlo.

"Saan tayo magtatago? Teka, mauna kayong magtago!" natatarantang sabi niya

"Basta magtago ka!"

"B-Bakit tayo magtatago?"

"Andyan na siya! Sunny! Avery! Hide! Hurry!"

Mabilis naman na sumilong sa mesa ang dalawang bata. As if on reflex, Darnell hide behind the couch and I did too. Hinila niya ako palapit sa kanya.

Pinipigilan kong tumawa habang naguguluhan pa ring nakatitig sa akin si Darnell.

"Ready na ba kayo? Pagbilang kong tatlo..." I heard Kairro's loud voice and he deliberately cut his sentence

Buti na lang talaga at nakumbinsi namin si Kairro na sumali sa kalokohan namin.

"Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo! Isaaaa!"

"Pffft.." I suppressed my laughter

"Dalawaaaaa!"

"Tatloooo!"

Darnell looked at me dumbfounded when he finally realized what was happening. Biglang lumitaw sa ibabaw ng couch si Kairro at tinuro si Darnell.

"Bang, tatay. Ikaw na taya." bored na sabi nito

Hindi ko na napigilan ang pagbunghalit ko ng tawa. Napakamot sa ulo si Darnell at bigla ding natawa nang makitang tawang-tawa ako pati na ang dalawang bata.

"It's a prank, daddy!" Sunny said cheekily

"Tatay, one more! Let's play again!" masiglang aya naman sa amin ni Avery

"Kayo talagang dalawa. You're very cheeky!" Darnell went to them and tickled them

Nauwi ang prank namin sa pagkikilitian namin pero syempre hindi kasama si Kairro dahil agad itong umalis at tumakas. Napakatalino talaga ng batang 'yon, ang galing tumakas e.

Broken Man's Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon