Chapter 7

5.3K 174 29
                                    

PENELOPE

Maaga akong nagising kinabukasan dahil nagpaalam si Darnell na pupunta siya sa bahay para bisitahin si Sunny. Mabuti na lamang at walang pasok kinabukasan dahil sa public holiday. Inasahan ko na ang pagdating niya pero hindi ko inasahan ang taong kasama niya. My eyes were glued at Kairo, he's looking directly towards me. Nandoon nanaman ang mga mapanuring mata niya na parang hinahanapan ka niya ng mali, I shouldn't feel intimidated towards a kid's stare but I can't help it.

Ngumiti ako ng maliit kay Darnell at tuluyan silang pinapasok sa bahay. Wala akong kasama sa bahay maliban sa mga kasambahay dahil umalis sila Tito kasama ang mga pinsan ko.

"Have you had breakfast?" awkward na tanong ko sa kanila nang maupo sila

"Yes. Sorry for visiting so early. Kinukulit kasi ako ni Kairo na makita si Sunshine." nahihiyang sambit ni Darnell

Tahimik na ngumiti lang ako sa kanya bago nagpaalam na ikukuha ko sila ng maiinom. Tulog pa si Sunny sa crib niya sa sala.

"Tatay, siya ba si Sunny?" rinig kong tanong ni Kairo sa ama niya habang papalabas ako ng kusina

"Hmmm. May hawig kayo." muling komento ni Kairo

"Anak ko nga, diba?" parang naaasar na sagot naman ni Darnell

Maingat kong binaba ang tray na dala ko at pinagmasdan ang mag-ama na tahimik na pinapanood si Sunny na payapang natutulog. They all looked good together, bagay na bagay kay Darnell ang maging isang ama. I am glad that I told him about Sunny's existence.

"She's awake!" Kairo exclaimed in delight

Mahina akong natawa nang bigla silang napalayo sa crib ni Sunny dahil sa biglaang pag-iyak nito. Lumapit ako sa kanila at niyuko si Sunny na namumula ang pisngi dahil sa pag-iyak niya.

Tahimik lamang madalas si Sunny pag bagong gising pero mukhang nagulat siya nang makita si Kairo na hindi niya kilala. Hindi ko siya agad binuhat na siyng natutunan ko noon, pag laging agad na binubuhat ang bata nasasanay siya na ganoon ang ginagawa ng mga magulang niya.

"It's alright, baby. It's alright." malambing na pag-alo ko sa kanya habang hinahaplos ang ulo niya

Unti-unti naman itong tumigil sa pag-iyak at muling tumingin kay Kairo. Natawa ako nang makita si Kairo na parang natatakot na mahawakan si Sunny.

Sunny held out her hand to Kairo. I think that's how babies make friends?

"Come, Kairo. I think she wants you to hold her hand." nakangiting sabi ko kay Kairo

Nagdadalawang-isip man pero hinawakan pa rin siya ni Kairo sa kamay. Sunny giggled and Kairo smiled sweetly like how he always smile at Avery.

"Tatay, iyakin pala 'tong anak mo na sinasabi mo." biglang sabi ni Kairo

Mabuti na lamang at wala akong iniinom kundi baka naibuga ko na iyon. Napakamot naman sa ulo si Darnell at tinignan ako, he looks apologetic.

"Kairo, please. Mind your words, anak." mahinang saway nito sa bata

Tahimik na tumango si Kairo sa kanya. Nagkamali ako nang akalain kong hindi na siya magsasalita muli dahil nagtanong siya ulit ng tanong na hindi ko inasahang tatanungin niya.

"Tatay, sabi mo hindi siya anak ni mommy. Edi hindi namin siya kapatid?"

Nanuyo ang lalamunan ko sa tanong niya at mukhang ganoon din si Darnell. He suddenly sighed and pat Kairo's head.

"We'll talk about it later when we get home, okay? Just... Just treat her how you treat Avery." he gently said

Kairo nodded again.

Broken Man's Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon