Chapter 25

3.5K 88 12
                                    

PENELOPE

Sobrang bigat ng nararamdaman ko habang nakatitig ako sa pregnancy test na hawak ko. Every month akong nagtetest at lagi akong maingat sa kinakain ko. I am trying to be healthy and ready my body to bear a child again. Pero ilang buwan na ang lumilipas pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nagbubuntis.

I want to have another child. Hindi dahil naiinggit ako sa iba na marami ang anak o dahil gusto ni Darnell ng anak. Gusto ko ulit magkaanak dahil alam kong handa na ako ulit magkaanak at mas gusto kong magkaanak ulit dahil ikakasal naman kami ni Darnell.

I bit my lip to keep my tears at bay.

"Baby, can I come in?" Darnell asked in a soft voice

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Darnell. I showed him the test kit and I can't help myself but cry.

Agad niya akong dinaluhan nang makitang umiiyak ako. He gently rubbed my back and kissed my head lovingly.

"It's alright, baby. We will be blessed with another child in the right time." he comforted me

"Darnell, mag-iisang taon na simula noong tumigil ako sa pag-inom ng pills." umiiyak na sabi ko sa kanya

"I know, baby. Pero kailangan lang nating maghintay. Ituon muna na lang natin ang atensyon natin kay Sunny."

I sobbed, "There must be something wrong with me."

He pulled away and wiped my wet cheeks from my tears,  "Don't think so badly of yourself. We can consult a doctor. Hindi pa naman tayo matanda kaya kaya pa nating magkaanak. We can take our time, let's not rush it, okay? Kahit hindi mo ako mabigyan ulit ng anak, ayos lang sa akin. I am not marrying you or loving you for you to give me a child, Penelope."

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap ni Darnell. Namalayan ko na lamang na nakahiga na ako sa kama nang magising ako. Siguradong nakatulog ako sa kakaiyak kanina. Napabangon ako nang maalalang may meeting pala kami ngayon sa wedding organizer namin. Wala sa tabi ko si Darnell paggising ko kaya baka mag-isa siyang pumunta sa meeting namin.

May wedding organizer kami pero hands on pa rin kami sa lahat at gusto namin na personal naming tinitignan ang mga venue na nirerefer sa amin. Kumuha lang kami ng wedding organizer para mabawasan ang ibang trabaho namin ni Darnell dahil pareho pa rin kaming may trabaho, ako sa school at siya naman ay sa opisina.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa night stand at nagcheck kung may text si Darnell pero wala naman. He usually leaves a note or a message to me before he leaves the house. Dinala ko na lang ang phone ko at bumaba sa sala pero walang tao doon. Narinig ko ang hagikgik ni Sunny sa kusina kaya tumungo ako doon.

"Hahahahaha! Daddy, you have black stuff on your face!"

"Ha? Help me wipe it off."

"Mas kumalat, daddy! Hahahaha!"

"Tinatawanan mo pa si daddy, lagyan din kita ng uling! Hahahaha!"

"Nooo! I'm gonna tell mommy!"

"Sumbungera ka talagang bubwit ka. Hahahahaha!"

Pinapanood ko silang magkulitan at hindi ko mapigilang matawa habang tinitignan sila sa maduming hitsura nila. Pareho silang may uling sa damit at sa mukha. Mukhang nakialam sila sa pagluluto ng pork bbq sa labas dahil amoy na amoy ko sa kusina ang amoy ng iniihaw nila.

Sabay silang lumingon sa akin nang marinig nila ang tawa ko. Mas lalo akong natawa dahil habang lumalaki si Sunny, mas nagiging kamukha niya ang ama niya. Para silang kambal na madungis na lumingon sa akin. Ang kulit ng hitsura nilang dalawa.

Broken Man's Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon