Chapter 23

3.1K 88 17
                                    

DARNELL

"I'll see you later, my Sunshine." malambing na paalam ko sa anak ko

"Bye bye, daddy!" she gave me a quick kiss on my cheek before leaving and wave at me while walking away

Magkahawak-kamay sila ni Penelope na papasok sa eskwelahan at parang bigla akong nalungkot habang pinagmamasdan ang anak ko. She's growing up so fast. Parang hindi pa ako handa sa paglaki niya. I still want to baby her and keep her by my side always.

"Dude, nagkakaroon ka na ba ng sepanx?"

Masamang tingin ang binigay ko kay Cali na umakbay sa akin habang nakangisi. Minsan napapaisip ako kung CEO siya ng mga real estates nila o CEO ng mga tambay. Parang walang trabahong ginagawa e. Tapos lagi pang nasulpot bigla kung saan saan.

"Sepanx?" tanong ko sa kaniya dahil sa foreign word na ginamit niya

"Separation Anxiety." maikling sagot ni Grayson sa isang tabi na nakatanaw din sa mga anak niya

"Saan mo nanaman napulot 'yan?" tanong ko muli kay Cali na busy sa pagpindot ng cellphone niya

Sino nanaman kaya ka-text nito? Baka may niloloko nanaman. Babaero talaga.

"Kay Gianna."

Nagkatinginan kami ni Grayson sa sinagot niya at sabay namin siyang inakbayan. Naguguluhang nilingon niya kami pero nginisian lang namin siya. Nanlaki ang mata niya nang hinablot ko sa kanya ang cellphone niya at mabilis kaming tumakbo palayo ni Grayson.

"Hoy! Yung cellphone ko! Magnanakaw! Mga ungas talaga kayo!" sigaw niya habang hinahabol kami ni Grayson

Nakabukas ang chat box nila ni Gianna kaya bigla akong natawa sa mga nabasa ko. Gusto ko lang bumawi sa mga pranks na ginawa niya sa amin ni Grayson.

"Alam mo ba, Gianna. Ayoko ng mansanas. Kasi sabi nila, 'An apple a day, keeps the doctor a way.' So I don't want an apple a day because I don't want you to go away." pagbabasa ko sa recent message niya kay Gianna

"Ulol! Pick up line mo bulok!" sumisigaw na pang-aasar ni Grayson sa kanya

"Eto pa! Gianna, alam mo para kang ligaw na bala. Sa iba ka nakalaan, pero ako ang natamaan." sabay kaming tumawa ng malakas ni Grayson

Tumigil kami ni Grayson sa pagtakbo dahil nakaramdam na kami ng pagod. Hingal na hingal si Cali nang makalapit siya sa amin at agad na hinablot pabalik ang cellphone niya.

"Mga badtrip talaga kayo e." nakasimangot na sabi niya

"Wala ka bang ibang maisip para maligawan ang kapatid ko?" tumatawang tanong ni Grayson kay Cali na humahaba pa rin ang nguso

Tumatawang tinapik-tapik ko ang balikat niya, "Kailangan mo ba ng tulong? Magsearch pa kami ng pick up lines para sa'yo."

Mukhang hindi siya nakatiis dahil pinagbabatukan niya kaming dalawa na mas ikinatawa lang namin. Paano ba naman kasi halos isang taon na niyang nililigawan si Gianna pero mukhang wala ata siyang pag-asa. Wala pa naman ngayon sa bansa si Gianna dahil nagvolunteer siya sa isang medical mission sa ibang bansa at mukhang matatagalan siya doon.

"Mga hayop talaga kayo! Samahan niyo na lang ako mangharana kay Gianna. Ako kakanta tapos kayo mag-gigitara." pagpaplano niya na mukhang seryosong-seryoso siya sa gagawin niya

"Gago ka ba? Hindi kami marunong mag-gitara." mabilis na angal ko sa kanya dahil minsan para siyang tukmol mag-isip ng plano

"Hindi rin maganda boses mo." pagsegunda din ni Grayson na ngingisi-ngisi

"It's the thought that counts!" angil ni Cali sa amin ni Grayson, aminado na hindi maganda ang boses

"Hindi nga kami marunong mag-gitara!" angil ko rin sa kanya dahil kahit naman gusto naming tumulong diyan sa panghaharana niya, di naman talaga kami marunong sa instruments

Broken Man's Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon