Chapter 27

2.4K 45 26
                                    

PENELOPE

Saglit akong natigilan sa pagtitipa nang mahagip ng mata ko ang nakadisplay na wedding picture namin ni Darnell. Hindi ko mapigilang balikan ang araw na iyon na parang isang magandang panaginip lang sa aming lahat. Parang kahapon lang sobrang saya namin at buo ang pamilya namin.

Pagod akong sumandal sa upuan ko at malakas na napabuga ng hangin. Inikot ko ang upuan ko at humarap sa glass wall kung saan kita ang mga ilaw ng gusali sa labas. Tahimik na nakapako lang ang tingin ko sa mga sasakyan sa labas.

Pagod na ako. Pagod na pagod na ako.

I am alive but it feels like I am barely breathing and living.

A loud knock woke me up from my reverie. Inikot ko muli ang upuan ko at tumayo para pagbuksan ang taong kumatok. Bumungad sa akin si Marcus na may dalang paper bag habang nakasimangot.

"Wala ka bang balak umuwi? Dito ka na kaya tumira?" inis na aniya niya habang nilalapag ang paper bag sa coffee table

Mahina akong natawa, "Ngayon lang ako ulit nag-overtime." depensa ko sa sinabi niya

Nilapag nya ang container na hawak nya at namewang siya, "Kaya pala nagsusumbong sa akin si Twilight na hindi ka nakikipaglaro sa kanya."

May biglang kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya at hindi ko maitatanggi na nabawasan ang oras ko para sa mga bata. There was a massive change within these last three years and one of them is my profession. I am no longer a teacher and I barely touched my paint brushes.

Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling nagpinta at gumuhit ng larawan. At hindi ko rin halos maalala kung kailan ko huling nakabonding ang mga anak ko.

"Am I a bad mother, Marcus?" naiiyak na tanong ko

Mabilis niya akong dinaluhan at niyakap.

"Wag kang mag-isip ng ganyan. Oo, may pagkukulang ka sa mga anak mo. Pero hindi ka masamang ina, Penelope."

Tinapos namin ang pagkain ng dinner bago magpasya na umuwi. Tinawagan ko muna si Hillary bago ako makaalis ng opisina para ipaalam na susunduin ko ang mga bata dahil nagsleep over nanaman sila doon dahil weekend na bukas.

Naunang umalis sa akin si Marcus at nagbilin na enjoyin ko ang bonding namin ng mga bata. Ang daming nangyari at ang dami kong pinagdaanan na minsan hindi ko alam kung saan ako magsisimula ulit. Minsan para akong biglang nangangapa sa dilim at hindi ko maintindihan ang sarili ko at buhay ko.

I pulled over when I reached the Andrew's residence. Maliwanag pa sa loob ng bahay nila at halatang gising pa ang mga bata.

"Tita Penny..." ani ng isang boses sa di kalayuan

Nilingon ko si Kairro na mukhang galing sa garden at may dala pang mga bulaklak na halatang bagong pitas. Mukhang napagkaisahan nanaman sya ng mga bata.

"Para saan yang mga bulaklak?" nakangiting tanong ko sa kanya habang papasok kami sa bahay nila

Napakamot sya sa ulo, "For the girls and mom."

Natatawang napailing na lamang ako dahil sa tipid na sagot nya. Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil sya at humarap sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken Man's Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon