CHAPTER 02
Trisha's POV
It's currently 6:30 AM at wala parin ang prof namin. wala parin yung transferee na sinasabi nila. First day of school parang ma la-late pa ata jusko
napa tingala naman ako ng makitang may nag lapag ng ice cream sa table ko "asan yung leche plan?" taas kilay kong tanong kay Rich "mamaya ng recess ang aga pa masyadong matamis yun gagi" umupo na sya sa likod ko, hindi na kami seatmate kasi iniba na ni Sir ang seating arrangement.
Magiging katabi ko yung transferee at sya naman nalipat sa likod ko katabi ni Mingyu, Speaking of Mingyu "gurl ikaw pala daw muna sumama kay Mingyu sa pag tulong dun sa gym tutal i to-tour ko yung transferee mamaya" lumiwanag naman ang muka nya at di ko maiwasang matawa. Real talk muka syang mongoloid char
"Section purple attention please" hindi namin napansin na dumating na pala si Sir. tumahimik naman ang buong klase at napako ang atensyon sa unahan.
"so i am expecting na alam nyo na naman siguro na may transferee tayo today right?" saad ni Sir at napa tango naman kaming lahat. Bakit kaya antagal pumasok sa loob nung transferee? ano ba sya? V.I.P?
"mr.Kim you may enter now" saad ni Sir at lahat kami ay napa tingin sa may pintuan. "Kim Taehyung, but you can call me V" tipid nyang saad at napa nganga naman ang mga kaklase namin. Yun na yun? ang onti bakit batas ba sya?
"ms.Trisha mae kindly raise your hand please" agad naman akong natauhan ng tawagin ako ni sir. Tinaas ko ang kamay ko at nakitang napa tingin sakin si Teahyung kuno
"you can seat beside her" agad namang lumapit sa may upuan ko si Taehyung. Habol parin ang tingin ng mga kaklase ko sa kanya habang sya naman ay kanina pang naka titig sa akin. Inaano ko ba sya?!
"put your feet aside, i'll seat near the window" napa awang naman ang bibig ko. Hindi ko alam naka harang pala ko sa dadaanan nya nakaka hiya jusko. Tumayo na ako para maka daan na sya at rinig ko naman ang pigil na tawa ni Rich kaya tinitigan ko sya ng masama. Katabi nya si Mingyu na buisy sa pag-babasa.
Nagsimula nang mag turo si Sir at hindi naman ako makapag fucus dahil sa presensya ng katabi ko. ewan ko ba para syang negative energy tsk
Napansin nya atang naka titig ako sa kanya kaya lumingon sya sa dereksyon ko, umiwas naman ako ng tingin at nagkunwaring may hinahanap sa bag ko
Natapos na ang isang oras na madugong pag le-lecture ni Sir sa math at umalingaw-ngaw naman ang malakas na bell sa loob ng aming class room. that means recess na at agad ko nang pinuntahan si Rich na kanina pang natutulog nasa kalagitnaan palang ng pag le-lecture si sir, buti di sya nahuli kanina.
"hoy baka matunaw yan" asar ko kay Mingyu nang mahuling pinagmamasdan nya ang kaybigan ko. "whatever" suplado nyang sagot bago sinukbit ang bag nya at sumabay kay Taehyung, narinig ko rin sa babaeng to na mag pinsan pala sila. Sabagay bagay naman silang mag pinsan, parehas suplado.
"gurl gising na kaylangan mo pa kong ibili ng leche plan" kinulbit ko sya at napa tingala naman sya sakin, "asan sila?" tanong nya bago nilibot ang mata sa paligid "gagi recess na kaya, ikaw kasi puro ka tulog" natatawa kong saad habang nililigpit nya ang mga gamit nya
"tara na!" hinila nya ko palabas ng room. Ang bilis nyang tumakbo sanaol nalang energetic! naalala ko naman kanina nung pinag-mamasdan sya ni Mingyu, maka takbo pa kaya ng ganito kabilis ang gagang ko kapag sinabi ko sa kanya? syempre hindi ko sasabihin sa kanya no! am-bait ko kayang besprend!
"dalawa pong carbonara, isang leche plan, at dalawang softdrinks" order nya habang naka tayo naman ako sa tabi nya. Pumunta na kami sa bakanteng upuan bago pa kami maubusan habang hinihintay ang in-order namin.
"gurl kung alam ko lang talaga na hindi ma che-chekan ni Sir yung assignment natin sa math hindi na sana ako nag abalang pumunta sa inyo, nadapa pa ko kasi hinabol ako ng malaking aso jusko kung alam mo lang muntik na kong ma chugi" reklamo nya babang nag papay-pay ng sarili
"bakit ka naman kasi nag lakad kung pwede ka namang sumakay nalang" reklamo ko pabalik sa kanya
"nag-hahanap nga kasi ako ng gwapong adik!" sagot nya kaya nabato ko naman sya ng kutsarang nasa lamesa. "kahit kailan kulang-kulang ka talaga eh no?" napa irap ako. Jusko ini-stress ako ng babaeng to
"char lang naman, diba nga sabi ko sayo loyal ako kay Mingyu" napa tawa naman ako at maya-maya pa ay dumating narin ang in-order namin. nagpa-salamat na kami at nag bayad dun sa matandang ale.
"ba't ba ito yung in-order mo? hindi pa naman luch um-order ka agad ng carbonara" reklamo ko at tumingin sa kanya
"basta kumain ka nalang jan" saad nya habang puno ang bibig. Pano sya magugustuhan ni Mingyu eh ang dugyot nyang kumilos.
Binilisan na rin naming kumain dahil 6 minutes nalang mag ri-ring na ang bell. pag-pasok namin sa room ay halos kumpleto narin ang mga kaklase namin, si Sir.Oh nalang ang kulang yung teacher namin sa Science
Napa tingin ako sa upuan ko at nakita si Taehyung na may earphone na tenga, si Mingyu naman nag-babasa ulit.
Matapos ang ilang minutong pag-hihintay dumating narin si mr.Oh na nagmamadali kasi may meeting pa raw syang a-attendan.
"Section purple you will be having a project by partners. Bale ang partner nyo ay ang seatmate nyo nalang para mabilis tayo. i will be giving you two weeks to finish that project regarding sa lesson na tinuro ko sa inyo last friday. That's all class dismissed"
Shuta edi ka partner ko 'tong masungit na koreano?!
