CHAPTER 03

7 2 0
                                    

CHAPTER 03

Trisha's POV

after kaming i dismiss ni Mr.Oh narinig kong tumunog ang phone ko. Kalahating oras pa naman kaming mag-hihintay bago dumating ang next subject teacher namin kaya pwede pa kaming gumamit ng gadget

Rich
Ahihi ang swerte ko
Vice president yung
Partner ko gurl tas
Ang gwapo pa(≧∇≦)/

                                                                                                                        Trisha
                                                                                             Mas swerte naman
                                                                                                   yung partner ko
                                                                                                        Ako kaya ang
                                                                                             President ng room
                                                                                                       Na to duh(-o-)

Nag-hintay pa ko ng reply nya pero hindi na sya nag seen pa. Tumingin naman ako sa likudan ko at nakitang natutulog nanaman sya. I sigh "do you have any plans para sa project natin?" tanong ko sa partner ko na si Taehyung

"We still have two weeks bago mag dead-line, tsaka bakit ako? made your own plans" masungit nyang sagot kaya nag-init nanaman ang dugo ko "kaya nga partners dib-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nag-suot na sya ng earphones at tumingin sa labas ng bintana. Bwisit naalala ko, i to-tour ko pa nga pala ang lalaking to mamayang lunch.

Naisipan ko nalang matulog kagaya ni Rich, baka sakaling mabawasan pa ang stress na binibigay sakin ng lalaking to. Unang araw palang nyang pumasok sa school na to binibigyan na nya agad ako ng sakit ng ulo. Bakit ba kasi sya ang naging seat mate ko?!

Lumipas naman ang ilang minuto at hindi ko namalayang naka-tulog na pala ako.


Taehyung's POV

I look at her sleeping figure, Mas okay narin na natutulog sya para walang maingay.

Nabanggit narin sya ni Mingyu sakin kahapon. Sya raw ang mag to-tour sakin mamaya at napa ngisi naman ako sa gagawin kong plano mamaya pagka-gising nya.

lumipas na ang kalahating oras at nakita ko namang nag-lalakad na si mrs.Kwon sa may corridor.

should i wake her up?


Trisha's POV

Naalimpungatan ako ng maramdamang may tumutusok sa pisngi ko. "hey wake up" rinig ko kaya dali-dali naman akong napa tunghay. "ano ba yun?" irita kong tanong kay Taehyung na syang gumising sakin. "she's here" tipid nyang sagot kaya napa tingin naman ako sa unahan at nakita si mrs.Kwon na nag che-check ng attendance

Napansin ko namang naka tingin parin sa akin ang lalaking yon kaya tumingin ako sa kanya at tinaasan sya ng isang kilay
"problema mo?" tanong ko at nag-pigil naman sya ng tawa

"pft may muta ka" saad nya kaya naglaki naman ang mata ko at kumuha ng salamin sa bag. Tiningnan ko ang reflection ko sa salamin at wala naman akong nakitang muta, pota talaga

"wala nama-" Sasapakin ko na sana sya pero hindi natuloy ng tawagin ako ng mrs.Kwon "ms.Historillo!" i flinched, ang lakas ng boses nya grabe

"p-present po" napa yuko nalang ako dahil sa kahihiyan at tiningnan ng masama ang lalaking yon. mamaya ka sakin buisit ka.

Nag bell na kaya hinila na ko ni Rich papunta sa canteen para maka kain na kami ng lunch. Mabilis din naman kaming natapos dahil tutulungan pa nya si Mingyu sa gym at i to-tour ko naman si Taehyung.

"good luck sayo ah" saad ko habang naka ngisi sa kanya. Ngumisi naman sya pabalik na ikina kunot ng noo ko
"baka good luck kamo sayo" tumingin sya ng mapang-asar sakin. I sigh, kailan kaya matatapos ang araw na to. Gusto ko ng umuwi at matulog.

Umalis na si Rich at dumeretso na sa gym para tulungan si Mingyu, ako naman babalik na ko sa classroom para sunduin ang bruhong yun.

"tara na" tipid kong saad kay Taehyung na naka tingin sa labas ng bintana. "saan?" tanong nya naman

"i to-tour nga sabi kita, hindi ba sinabi sayo ni sir?" irita kong sagot. "i know pero masyado pang mainit sa labas" napa-irap naman ako sa sagot nya.

"sorry po ah hindi ko naman po kasi kontrolado ang panahon tsaka marami pa po kasi akong gagawin sa susunod na mga araw kaya ngayon lang po ako available your highness prince Taehyung sir" ngumiti ako ng pilit bago sya pinandilatan ng mata sa inis.

"tsk fine" tumayo na sya at isinukbit ang bag nya. Nag-lakad narin kami palabas ng room, at una ko syang dinala sa gym.

"dito namin ginaganap pag merong mga progra-" pinutol nya naman ako "i know kaya nga gym diba" inis naman akong napa padyak at nag-lakad na sa susunod na building

"building to ng junior high" tinuro ko naman ang three storey building na may nag-lalaro pang mga grade-7.

Napa tingin ako sa faculty room at napa ngisi sa planong nasa isip ko. Makaka ganti narin ako sa ginawa nya kanina, first time kaya magalit sakin ni mrs.Kwon kanina!

"yung room naman na nasa dulo ng building ng junior high clinic yan. Hindi mo na kaylangang kumatok kung kaylangan mong mag clinic kasi self treatment naman dito sa school namin, means walang nurse" napa tingin naman ako sa kanya at napa tango naman sya. Mas lalo nang lumapad 'tong ngisi ko dahil parang naniwala nga ang bruho.

mapagalitan sana sya ng mga teacher pag basta nalang sya pumasok dun!

Nilibot ko na sya sa buong school at isang lugar nalang ang hindi ko sya nadadala "ito ang garden ng school namin. Free naman dito kaso wala masyadong estudyante ang nag-pupunta dito" saad ko at wala nag-taka naman ako ng walang narinig na sagot sa kanya

Kunot noo ko syang nilingon at nakitang naka titig sya sa may bandang ulo ko "ano nanaman bang problema mo?" naguguluhan kong tanong. "wala, may gagamba kasi sa ulo mo" saad nya kaya hindi ko naman mapigilang manlaki ang mata at mag-tatalon sa takot

"t-tanggalin mo!" mangiyak-ngiyak kong saad habang hindi mahawakan ang buhok ko. Tumaas naman ang kanang sulok ng labi nya "sabihin mo muna Taehyung senpai" gulat akong napa-tingin sa kanya "ano? gusto mong ulitin ko p-"

hindi ko na pinatuloy ang sasabihin nya at ginawa nalang ang gusto nya "oo na! Taehyung senpai!" bwisit hindi na ko mapa-kali knowing na may gagamba parin sa ulo ko

"ililibre mo ko ng ice cream diba?" mas lalong lumawak ang ngisi nya, binuraot pa ko ampota "Oo na! bwisit tanggalin mo na yung gagamba!" tugon ko sa kanya

"joke lang wala naman talagang gagamba" hindi na nya napigilang matawa habang ako naman na statwa lang sa kinatatayuan ko. "ano ba talagang gusto mo?!" kumukulo na ang dugo ko sa koreanong ma attitude na to! buti napipigilan ko pa ang sarili kong sapakin sya!

"bakit akala mo ba hindi ko alam na faculty room yung tinuro mong clinic kanina? i'm not dumb like you. Hindi mo ba nakita yung malaking signage na faculty yun?" mas lalong lumakas ang tawa nya kaya inis ko syang iniwan sa garden

"bahala ka dyan!"

Still With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon