CHAPTER 19

3 2 0
                                    

CHAPTER 19

Trisha's POV

Nagising ako kasi may naririnig akong ingay sa baba. Nag hilamos muna ako at nag-suklay bago bumaba. Medyo sarado pa ang mga mata ko dahil sa sobrang liwanag nang araw.

"oh nak! gising kana pala, nandito na yung manliligaw mo" agad kong minulat ang mga mata ko dahil sa sinabi ni mama. Napa tingin ako sa may sofa at nakita ang lalaking yun na naka seating pretty pa katapat ni mama.

Sya pala yung ka-kwentuhan ni mama kanina kaya ang ingay dito sa baba!

Parehas sila ni Rich!. Mga trespassing ampota.

Nag-tataka naman ako kung bakit naka-titig parin sakin ang lalaking yun. kaya kunot noo ko syang tiningnan pabalik.

Nag-hilamos tsaka suklay nanaman ako kanina ah?

Napa-tingin ako sa suot ko at biglang na realize na naka-pantulog pa pala ako! patakbo akong bumalik sa kwarto ko at halos madapa pa ko sa may hagdan kaya rinig na rinig ko ang malakas na tawa nang bruhong yun.

I lean on my door at napa-takip nang muka. Bwisit! nakita nya yung paborito kong padjama na pororo ang tatak! shuta

Habang buisy sa pag mura sa sarili narinig kong tumunog yung cellphone ko sa may study table kaya pumunta ako dun at kinuha yun.


Just🍁call📞me🙋mrs🍒Kim🐶
Ready na ba is
you? pupunta na
kami ni Mingyu
there!\( ˋ Θ ´ )/

Napa irap nalang ako kasi tuluyan na nga syang naging jejemon.

Asawa👩ni❌Niki👀daw?💅Krazyyy🙀
Hindi pa nga
ako naliligo
eh! atat ka
naman jusq

Just🍁call📞me🙋mrs🍒Kim🐶
bahala ka
basta pupunta
kami dyan
mamayang 7:30 am
Ah!

Asawa👩ni❌Niki👀daw?💅Krazyyy🙀
Okay
seen

I took a quick shower at nag-hanap na ng masusuot. "nak" narinig kong kumakatok sa pintuan ko si mama. "po?" sagot ko naman.

"bestida susuotin mo ah" she said kaya napa padyak ako. Pipilitin nanaman nya kong mag suot ng bistida! shuta.

Pumasok na sya sa kwarto ko at umupo sa kama ko. "ma, akala ko ba hindi muna ako pwedeng ligawan?" tanong ko kay mama habang buisy sa pag-hahanap duna sa pantalon ko.

"hindi mo naman sinabing koreano pala. Tsaka magalang ang batang yun ah, pwedeng pwede pang tame ng ugali mo." kaagad ko syang hinarap.

"mama naman! parang ang sama-sama kong anak ah" she laugh at lumabas na nang kwarto ko matapos mang asar. "mag suot ka nang bestida!" paalala nya pero syempre pantalon parin ang isusuot ko duh!


naka rinig ako nang busina ng sasakyan kaya kinuha ko na ang bag ko at bumaba narin. Sure ako kotse na yun ni Mingyu.

"hoy Taehyung! tara na!" Saad ko pero parang wala syang naririnig kasi buisy sa pakikipag-laro sa mga kapatid ko.

"Kim Taehyung!" i called him for the second time pero masyado na ata syang naaliw dun sa dalawa kong kapatid.

hinila ko na sya palabas nang bahay habang hawak naman nang kaliwa kong kamay yung tainga nya. hindi pa talaga susunod kung hindi ko ginamitan nang dahas eh!

"aray! let go, Mae! masakit!" pinipilit nyang tanggalin yung
kamay ko sa tainga nya. "ikaw anong ginawa mo kay mama? pano mo sya napa-payag na ligawan ako? ha?" binitawan ko na yung tainga nya kaya tumingin naman sya sakin habang naka-ngisi.

"ganyan talaga pag mga pogi" he even do a pogi pose kaya nahampas ko sya.

"ang kyut pala ng mga kapatid mo" he said kaya natawa naman ako.

Naka-rating na kami sa tapat ng kotse ni Mingyu kaya nakita kong binaba ni Rich yung bintana ng back seat.

"wow! sanaol holding hands!" kunot-noo akong tumingin sa kamay namin at na realize na hawak ko parin pala yung kamay nya kasi hinila ko sya kanina. Anong ka shungahan nanaman to?!

Mabilis kong inalis ang kamay ko sa pagkaka-hawak sa kanya at pumasok na sa sasakyan ni Mingyu. Nasa backseat kaming dalawa ni Rich at nasa unahan naman sina Taehyung.

"daan muna tayo sa drive thru ng jolibee?" suggest ni Mingyu kaya napa palakpak naman ang bruhang katabi ko.

Mingyu started to drive at dumaan narin kami sa jolibee. Pare-parehas lang pala kaming hindi pa nag-aalmusal!

ibig-sabihin pumunta si Taehyung samin nang hindi pa kumakain nang umagahan?! anong trip nya? mambubudol nang almusal ganon?

umorder kami at syempre hindi mawawala ang fried chicken! "salamat sa ayuda mayor Gyu!" pabirong sabi ni Rich kaya natawa si Mingyu.


Nandito na kami ni Rich sa loob ng boutique nang mga gown na dress ang pagkaka-style. sina Mingyu naman pumunta sa mens closet para dun mamili ng coat.

"ano sa palagay mo gurl?" tanong ko sa kanya habang hawak yung dalawang naka hanger na gown dress. "mas bet ko yung una gurl yung medyo ma purple" she said kaya tinry ko namang sukatin yun.

"ano? bagay ba?" tanong ko pag labas ng fitting room. "woah! muka ka nang future girlfriend ni Taehyung!" napa irap naman ako sa sagot nya.

"seryoso gurl okay lang ba?" tanong ko ulit at binigyan naman nya ako nang dalawang thumbs up kaya nag desisyon nalang akong bilhin yung kulay purple at kulay pastel pink naman yung kanya.


Pumunta kami sa tindahan ng Milkshake kasi dun namin napagdesisyunang apat na mag-kita kita pagkatapos naming mamili. "nabili nyo na ba lahat ng kaylangan nyong bilhin?" tanong ni Mingyu kaya napa-tango naman kami.

Magtatagal pa sana kaming apat sa mall kaso may kaylangan pa daw tapusin si Mingyu kaya napagdesisyunan naming umuwi nalang.

Still With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon