CHAPTER 12

4 2 0
                                    

CHAPTER 12

Trisha's POV

"salamat pala dun sa carbonarang may sama ng loob" i said habang naka-tayo sa labas ng gate namin. 6:00 PM na at ngayon lang kami naka-uwi kasi pumunta pa kami ng mall para mag-laro sa arcade.

"baka umiyak ka pag di kita binigyan ng pag-kain eh" natatawa nyang saad kaya nag-iinit nanaman ang dugo ko.

"hoy hindi pala tayo naka-kain ng street food!" bigla ko nalang naalala na hindi na pala kami naka-kain nga street food bwisit nag ca-crave pa naman ako sa kwek-kwek!

"next time nalang pero treat mo naman" saad nya kaya pinandilatan ko sya ng mata. "ikaw dapat man te-treat ah!" napa tawa naman sya bago tumango. "sige treat ko ulit bukas, iiyak kana eh"

"yung project pala natin, bukas na natin gawin kasi ilang araw nalang dead-line na" tumango nalang sya at nag-paalam na.

"Sige alis na ko Mae may kaylangan pa kasi akong tapusin eh" para naman akong binuhusan ng malamig na yelo ng tinawag nya kong Mae. Tumalikod na sya at hindi manlang ako nakapag goodbye.

It's the first time na tinawag nya ang pangalan ko at ginamit nya pa talaga yung second name ko. I felt the butterflies are getting wild inside my stomach. why do i felt special nang tinawag nya yung pangalan ko?

I shrugged my thoughts away at pumasok na sa loob ng bahay. "Ma! nandito na po ako!" i shouted at pumunta na sa may hagdan. "kumain ka na ba ng hapunan?" tanong nya kaya tumango naman ako. Kumain kasi kami ni Taehyung bago umuwi.

I entered my room at nagulat nang may nakitang bruhang naka-higa sa kama ko. "trespassing ka nanaman!" saad ko bago nilagay ang bag ko sa gilid ng study table.

"hoy pinapasok kaya ako ni tita!" saad nya bago umupo sa upuan ng study table ko. "baka kunin mo pa yung PC ko! palibhasa hindi mo na pu-pull si Jungwon pag nag
u-unboxing tayo ng album" pang-aasar ko kaya napa-sipa naman sya. "edi ikaw na ang Jungwon magnet tse!" she rolled her eyes bago tumingin sakin nang may halong ngisi.

"musta naman yung date nyo?" she said that made me glare at her. "anong date? hindi nga sabi kami nag date! tsaka bat naman ako makikipag date sa kupal na yun?!" irita kong saad kaya napa-tawa naman sya.

"ah kaya pala Mae tawag nya sayo. Okay po" i quickly looked at her. "at pano mo nalamang bruha ka?" ngumisi lang sya at pinaikot yung swivel chair ko.

"Sige alis na ko Mae may kaylangan pa kasi akong tapusin eh" she mocked Taehyung kaya nabato ko na sya ng unan.

"Aray ko putcha!" napa hawak sya sa muka nya na natamaan ng unan. "nakinig ka nung nag-uusap kami no!" she didn't listen at pinaikot nanaman yung upuan ko. katapat lang kasi ng bintana ko yung gate sa baba.

"May balak pa talaga kayong kumain ng street food! andaya hindi nyo manlang kami inalok ni Mingyu!" she glare at me kaya tiningnan ko naman sya ng masama pabalik.

"pero atleast naranasan mo nang makipag date!" she excitedly look at me. "wao ah parang nakipag date ka na rin" biglang nawala yung ngiti sa muka nya kaya natawa nanaman ako.

"anyways ito pala yung assignment na pinapagawa satin ni Sir. Baka bumagsak ka pa ngayong sem kawawa ka naman" natatawa nyang saad.

"alis narin pala ko, dinaan ko lang talaga yan" she said kaya hinatid ko na sya sa may gate.

"gurl umakyat pala ko sa may bakod kanina kasi nandun yung guard na gate" pabulong kong sabi sa kanya kasi baka marinig pa ko ni mama.

"what?! are you kimbap be kidding me?!" i confusedly look at her. Ano daw?!

"kimbab be kidding me?" nahawa na ata sya sa mga jejemon na naka tambay dun sa kanto!

"ah natutunan ko lang yun dun sa cute na tambay sa kanto hehe" saad nya kaya nabatukan ko naman sya

"pero seryoso umakyat ka talaga sa bakod?" i nod at gusto pa sana nyang malaman yung nang-yari kaso pinauwi ko na sya. "sige bukas nalang gurl goodnight!" she said at nag-simula nang mag-lakad

"nyt!" saad ko at sinaraduhan na yung gate namin.

Still With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon