CHAPTER 01

10 2 0
                                        

CHAPTER 01

Trisha's POV

"Pag pogi talaga ah! reto mo naman ako" kinukulit nanaman ako ng babaeng yon habang kumakain kami sa cafeteria, uwian na pero nagutom daw sya kaya dumaan muna kami dito

"tsk basta ba ililibre mo ko ng ice cream ano deal?" napangisi naman ang babaeng yon bago nilabas ang kanan nyang kamay para makipag shake-hands. "deal"

Lumabas na kami ng cafe kasi mag-didilim na baka mapahamak pa kami sa daan

"narinig mo na ba kung anong pangalan nya?" tanong nya habang buisy sa pag ce-cellphone. "Kim Taehyung" natigilan naman sa pag-lalakad ang gaga.

"korean?! shet" I frowned at her reaction, napa padyak pa sya. "bakit? anong problema kung korean sya?" tanong ko na may halong pag-tataka

"hindi ako marunong mag koreano gurl hala big turn off naba yun?" malakas naman akong napa tawa bago hinampas ang balikat nya "sira! as if naman pupunta sya dito sa pilipinas nang hindi marunong mag tagalog" para namang nabuhayan ang muka nya, nag-tatalon pa oh gosh "kyaaaaah!!! forever na this" napairap naman ako sa kanya, so harot naman this girl

"kala ko ba kay Mingyu ka?" tanong ko "ang arte naman kasi ng sunog na kapreng yun, kala mo kung sinong gwapo- i mean gwapo nga pero...haaay! basta!" kunwari pa alam kong crush nya parin si Mingyu nye

hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa tapat ng gate nang bahay namin "gurl dito na 'ko ingat ka sa daan ah may assignment pala tayo sa math siguraduhin mong gagawin mo" pag papaalala ko. Napa tango naman sya "oo naman pero pag gwapo yung adik baka pwede na ri-" hindi na nya naituloy ang sasabihin nya kasi pinag saraduhan ko na sya ng gate. Tumawa naman ang gaga

sisigaw na sana akong nakauwi na ko kaso narinig kong naghuhugas ng pinggan si mama sa kusina. Agad na kong umakyat sa kwarto ko kasi baka ako pa patuluyin nya mag hugas ng plato, naka kain narin naman ako kanina sa cafe kaya pwede ko nang simulan ang assignments ko

sabi nila mahirap daw yung math but if you focus and understand it well madali mo rin namang masasagutan but that doesn't mean na fan ako ng math kahit naman ako dumudugo rin ang utak pagdating sa solvings.

tinapos ko na mag-sagot pagkatapos ay ginawa na ang daily routine ko bago matulog. Maayos naman ako pag-dating sa sarili ko kahit medyo dugyot kami kumilos nung kaybigan ko minsan.

I brush my teeth and took a quick shower. Naka ramdam na ko ng antok at mahihiga na sana ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko

"sino yan?" tanong ko pero wala namang tumutugon sa kabilang pinto. bumangon na ko at binuksan narin, baka si Arienne lang yung naka babatang kapatid ko.

"Surprise!! paturo nga sa math hehe kung tinatamad ka naman baka pwedeng pagaya nalang" she winked at me, napa sapo naman ako sa noo hindi manlang nagsabing pupunta tong si Rich

"gabi na bat ka ba nandito?" irita kong tanong "sabing magpapa-turo nga sa math kulit ng lahi mo ah" sasaraduhan ko na sana sya ng pinto sa inis pero agad naman nyang pinigil. "uy! joke lang naman bestie! ikaw naman di mabiro ganda kaya ng lahi nyo! hihi" wala na kong nagawa at binuksan narin ang pinto ko para maka pasok na sya

"anjan yung assignment ko sa ibabaw ng study table, gayahin mo nalang tinamad akong mag explain eh" tinuro ko yung notebook ko sa lamesa at dali-dali naman syang pumunta dun

"may balita ka na ba ulit dun sa transferee gurl?" tanong nya habang abala sa pag kokopya "wala, pangalan lang alam ko dun tsaka ano namang paki ko sa kanya" napa hinga nalang ako ng malalim

"Kim Taehyung diba? tara stalk natin sa fb!" dali-dali syang tumakbo papunta sakin habang hawak yung cellphone nya na si Mingyu ang lockscreen

"wag na, tsaka bukas narin naman sya papasok masyado ka naman atang atat" saad ko bago tumawa

"bahala ka jan" umalis na sya at bumalik na sa study table ko pero wala paring tigil sa pag sscroll ng acc nung koreang ta-transfer bukas

"tangna!" gulat naman akong napa tingin sa kanya ng marinig ang putol nyang mura, kahit papano medyo banal parin naman pala sya

"oh? bakit?" tanong ko "pinsan nya si Mingyu gurl!!" napa irap nalang ako, jusko kung maka react sya kala ko naman nabangga na ng truck yung transferee bukas

Maya-maya narinig ko namang tumunog yung cellphone nya, may tumatawag ata. "hala gurl kaylangan ko na palang umuwi, wala palang kasama yung bruho kong kapatid sa bahay" napa tango naman ako "pahiram narin pala nitong notebook mo ah, bukas ko nalang ibabalik hehe" napa tawa nalang ako at tumango ulit

Hinatid ko na sya sa may labas ng gate "ingat ka ah pag may adik-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at pinutol na naman nya ako "pero pag gwapo nga sabi sure why not diba?" hindi ko na napigilan ang sarili kong kurutin sya sa tagiliran.

"ah oo nga pala wag mo na akong ireto dun sa koreano bukas" naka ngisi nyang saad, napa kunot naman ang noo ko habang curious na naka tingin sa kanya "at bakit aber?" tanong ko

"loyal pala ko kay Mingyu, tsaka ikaw irereto ko sa kanya" mas lalong lumapad ang ngisi nya na ikina init naman ng dugo ko

"hoy! babae sinasabi ko sayo wag mo kong irereto sa koreanong yu-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol nanaman nya

"ingat ka besprend! good night, sweet dreams, lab you mwuah!" saad nya bago kumaripas ng takbo palabas

Still With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon