PROLOGUE

22 2 0
                                    

PROLOGUE

Trisha's POV

"May bago daw transferee?" tanong ko sa kasama ko habang naglalakad sa corridor. Hindi parin ako maka-paniwala kasi apat na week nalang naman graduation na namin. Imposibleng tanggapin pa sya nang school.

"Oo, ikaw yung president diba? ayts so tamad naman this girl" napairap nalang ako at hinampas sya ng mahina. "anong tamad? wala lang akong time tignan yung mga schedules na pinapasa sakin ni maa'm andami ko pa kayang reviewers" tumigil naman sya sa paglalakad at humarap sakin

"matataas na grades mo matuto ka namang mag bulakbol minsan tss" hindi ko na sya pinansin pa at hinila na sya papasok ng room

"good morning Trisha" bati ng vice president namin bahang malawak ang nginti "Morning Mingyu" ngumiti naman ako pabalik.

"hoy Kim Mingyu baka gusto mo rin akong batiin?" ramdam kong nagseselos ang gaga, Crush nya kasi si Mingyu eh hindi naman sya pinapansin kawawa naman awts

"sorry i have to go" kaagad na umalis si Mingyu habang may dalang answersheets "amoy snobzone tsaka sama ng loob nanaman" siniko nya naman ako habang napa padyak ng mahina

"arte naman kasi ng kapreng yun feeling gwapo sunog naman" hindi ko na napigilang mapa-tawa habang naka tingin kay Mingyu na namumula na ang muka sa galit habang naka tayo sa may pintuan "bawas points ka nanaman kay Mingyu gurl'" agad naman syang na statwa habang dahan-dahang lumingon kay Mingyu

hinila na nya ko papunta sa upuan at inunpog ang ulo nya sa pader "kala ko ba umalis na?!" mangiyak-ngiyak syang naka tingin sakin "aba ewan ko" i shrugged my shoulders bago kinuha ang notebook ko sa math

"gusto mo ng ice cream maganda kong kaybigan?" agad naman akong lumingon "at anong kaylangan mo bruha kong kaybigan?" halatang nagpipigil lang syang sipain ako jusko

"pagaya ng assignment" straightforward nyang saad "aba gumawa ka ng sari-" someone cut me off bago ko pa matuloy ang sasabihin ko "kung sino daw pong president sa section purple pakitulungan nalang daw po si kuya Mingyu sa faculty room" i sigh, it's hard to be a class president andami mong kaylangan gawin kaya minsan nahuhuli na ko sa lessons

"pasabi susunod na ko" tumango naman yung napag-utusang bata kawawa naman muka pa namang junior high palang

"so ano gurl papagayahin mo na ko?" tanong nya "hindi" tipid kong sagot bago tumayo para pumunta sa faculty.

Maglalakad na sana ako pero may pahabol pa ang gaga "plus letche plan!" napa lingon naman ako sa kanya, alam talaga nya ang kahinaan ko "bahala ka jan kunin mo nalang sa bag ko" umalis na ko kaagad at baka pikunin nanaman nya kong marupok pagdating sa pag-kain naku naku

"Mingyu!" agad ko syang tinawag ng makitang papalabas na sya ng faculty room "ah Trisha tulungan daw natin yung mga SSG mag-ayos ng gym para sa event next week" napatango naman ako habang sumabay na sa kanya sa paglalakad papuntang gym

"don't you want to give her a chance?" tanong ko "sino?" kunwari pa hindi nya alam, tama nga si Rich pabebe sya tsk

"si Rich sino pa ba?" nakita ko naman kung pano sa natigilan, aba parang may something na sa kapreng to ah "that friend of yours? she's so noisy and annoying. I want a girl who is smart and feminine kung maka kain sya parang wala ng bukas eh, I want a study buddy not a food buddy" one dot sasapakin ko to

"i asked kung may pag-asa ba sya sayo hindi ko naman sinabing i bash mo" napairap naman ako. Buti nalang mabilis kaming naka rating sa gym kung hindi baka napatay ko na to sa daan.

"kayo ba yung dalawang officer sa section purple?" tanong ng isang SSG member. Kaagad naman kaming tumango "ah kayo nalang dalawa ang bahala sa mga balloons, Be careful and iwasan nyo naring maka putok kasi kulang pa ang budget ng school natin para bumili ng another stock ng lobo" kulang pa? eh buong studyante nga sa school na to hiningan nila ng ambag yung iba bente pa yung binigay, siguro pinang meryenda nila naku naku

Pumunta na kami ni Mingyu sa bench kasi dun daw nila nilagay yung mga lobo. grabe andami kelan kaya kami matatapos dito? i sigh

Matapos ang ilang oras na pag-bobomba namin ng mga lobo narinig namin ang malakas na tunog ng bell. "tara kain muna tayo" yaya ni Mingyu kaya agad akong tumayo para pumunta sa room. ililibre pa ko ng bruhang yun

habang naglalakad nakasalubong ko sya na palabas ng room "hoy yung libre mo sakin?" taas kilay kong saad. "mamaya na kita ililibre may gusto daw sabihin sayo si Sir" naka ngisi pa sya habang nagsasalita "sigurado ka ah? pag yan scam nanaman para takasan ako lagot ka sakin" napa tawa naman sya at nag-lakad na palayo. Hindi na nya ko hihintayin alam kong gutom na ang bruhang yon at hindi na nya kaya pang mag-hintay

"Sir may sasabihin daw po kayo?" saad ko "ah miss.Historillo can you tour our transferee tomorrow?" i sigh pero agad din namang tumango "by the way if you're wondering his name is Kim Taehyung"

"Taehyung?"


Still With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon