Chapter 13

8 1 15
                                    

The Scenery of Waves

Have you ever asked yourself what's your purpose in life? do you have other things that you want to achieve? and lastly, are you taking actions for that to happen?

Nakatingin ako sa labas ng bintana ng kotse ni Yace habang malalim ang iniisip. Masaya kaya ako sa buhay na tinatahak ko ngayon? Masaya ba ako sa kurso na pinili ko o dahil lang sa ayaw kong madissapoint ang mga magulang ko?

Ang maliwanag na ilaw ng mga building lamang ang tangi kong nakikita, pati na rin ang mga sasakyan na tulad namin ay mabilis ang takbo. Hindi naman traffic ngayon at malapit nang mag alas-dose kaya't kakaunti nalamang ang mga sasakyan.

"Wait Yace, nagchat si Ash. Deretso raw tayo sa bar ni Cayden at may party ata roon?" Coleen uttered.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito dahil hindi naman pang bar ang suot namin. Nakapajama panga itong si Yace dahil galing lang naman kami sa ministop para bumili ng snacks dahil plano sana namin na mag movie marathon, sarado ang store sa baba ng condo kaya pinilit namin ang babae na 'to para magdrive.

"Gago? patingin nga, mamaya ay ginagago mo nanaman ako!" mabilis ang ginawang pagkilos ni Yace para makuha ang phone ni Coleen sabay balik ang tingin sa kalsada.

"Hey girls, sorry for disturbing your movie marathon but please come here. Nasa bar ako ni Cayden and don't worry i'll pay for the gas." pagbabasa ni Yace.

"Ano nanaman ang trip ng babae na ito? wala ba s'yang shooting at mukhang napapadalas s'ya sa bar na iyon." masungit na saad ni Yace habang mas pinapabilis ang takbo ng sasakyan pabalik sa condo.

We can't go there na ganito ang mga suot namin lalo na at naka sweater and cycling shorts lamang ako. Para kaming mga kiti-kiti na umiikot para maghanap ng damit habang nagmamadali.

"Aray ko!" sigaw ni Coleen nang magkabungguan sila ng ulo ni Yace.

"Laki ng ulo mo gago! umusog ka roon at nadadamay ako!" mabungangang sagot naman nito.

Si Coleen na ang nagdrive papunta sa place na sinabi ni Ash dahil mas alam n'ya naman ang lugar na iyon. Nasa parking lot pa lamang ay kita ko na ang mga paparazzi na nagaabang sa paglabas nang butihin naming kaibigan. Ofcourse, alam na namin ang ganap sa tuwing tinatawag kami nito. It's always because of paparazzi, that damn annoying paparazzi.

It's their work and we respect na roon sila kumukuha ng ipapakain sa pamilya nila. The thing is they don't respect the life of celebrities, madalas ay sapilitang interview sa daan at minsan ay nasusugatan pa ang mga tao dahil sa ginagawa nilang panghihila. It's their work that we all need to respect but how about the celebrities? we can't always say na deserve nila 'yon dahil ayun ang career na pinili nila. Tulad ng lahat ay tao rin sila na naghahanap buhay para sa pamilya, ito rin ang source nila ng mga bagay na kailangan nila.
They deserve privacy kahit na lantaran ang buhay na pinasok nila, they're famous because they worked hard for it, hindi sila nagpakahirap para lang guluhin at sabihan nang masasakit na salita ng mga tao na hindi marurunong umiintindi at tanging hangin lamang ang laman ng utak.

Nauna na akong bumaba para tingnan kung ano ang pwede kong gawin para makaalis si Ash na hindi nafifilm ng mga paparazzi.

"Hey miss excuse you but what's going on here?" pagtatanong ko sa babaeng may hawak na camera.

"I'm a paparazzi waiting for a perfect timing para makuhaan nang litrato at magtanong nang ilang katanungin kay Ms. Asteria and other celebrities sa loob ng bar, you are?" taas kilay na tanong nito saakin, maldita.

"I'm reporter and trying to capture the same celebrity that you've been looking for, here's my license." nakangiti kong ipinakita sakan'ya ang pekeng lisensya na ginawa pa ni Yace para saakin. It's a props para sa ganitng sitwasyon, hindi naman illegal dahil hindi naman namin ito ginagamit sa masama. We're using it to protect Ash and there's nothing wrong with it.

The Scenery of Waves (Teenage Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon