The Scenery of Waves
We're busy this past few months since marami rin akong hinabol na activities na namissed ko, halos hindi narin kami nakakapagusap ni Madi and even my friends dahil busy din naman sila tulad ko. Yace is mentally stable now, i think. Lagi ko s'yang minomonitor and chinecheck sa condo n'ya, hindi naman ito mahirap para saakin dahil bukod sa blockmate ko s'ya ay iisang building lang naman ang tinutuluyan namin. I'm preparing my things para bukas dahil bukas lang naman ang araw na parepareho kaming maluwag ang schedule, we decided to go Aqua infinity Beach. Pagmamayari iyon nang pamilya ni Ash kaya naman nakadiscount din kami, humirit panga si Yace na sana ay libre nalang daw.
"hello, am i disturbing you?" my phone rang, Madi's calling. Sinagot ko iyon at narinig ang malambing na boses n'ya.
"no it's fine, you sound so tired... Are you okay?" i asked. He started courting me last week and yes, i allowed him. Why not? mabait naman s'yang tao at hindi ko naman agad sinagot e', gusto ko rin na makilala muna s'ya ng buo bago ko s'ya maging boyfriend.
"yeah, pagod lang..." he sighed. "Busy ka ba bukas?"
"oo e', may lakad kami ng mga kaibigan ko, bukas lang kasi kami pareparehong hindi busy kaya susulitin na namin" saad ko sakan'ya, ramdam ko ang lungkot sa binitiwan n'yang hininga pero wala akong magawa dahil mas mahalaga ang mga kaibigan ko, gusto ko s'yang makasama ngunit mas gusto kong makabonding muna ang mga kaibigan ko lalo't matagal-tagal din kaming hindi nagkasama.
"yeah, i see..."
"sorry talaga, ano bang meron bukas? papasama kaba? anong oras? titingnan ko muna baka di pa kami nakakaalis nun or baka nakauwi na'ko nun" pagbawi ko sakan'ya para hindi na s'ya gaanong malungkot.
"no okay lang, enjoy ka na muna and i know na you've been through a lot, takecare there okay?" he uttered before saying goodnight and ended the call.
Natulog nalang din ako pagtapos nun dahil kailangan ko ring magipon ng lakas dahil madaling araw kaming aalis bukas, sa batangas kasi 'yun kaya malayo-layong byahe rin. Nagalarm ako ng mga 3 AM dahil masyado akong naexcite, beach 'yun 'no!
"Gising na! buksan mo yung pinto!" akala ko alarm clock ang magpapagising ng diwa ko, si Yace pala. I checked the clock kung anong oras na pero nagulat ako ng makitang 2:30 palang, Putangina?!
Binuksan ko ang pinto at nakabusangot na humarap sakan'ya, nakabihis na ito at dala n'ya narin ang mga gamit n'ya. Impakta!
"ano tititigan mo nalang ako? magayos kana!" hinatak ako nito papuntang bathroom at s'ya narin ang pumili ng damit na susuotin ko kahit hindi naman iyon ang inihanda ko kagabi.
"ano? ba't hawak mo 'yang toothbrush ko hah?!" kumunot ang noo ko ng pati ang toothpaste ay kinuha n'ya.
"nganga" she command.
Hinablot ko iyon mula sa kamay n'ya at sinabing hindi ako paralisado at may mga kamay ako, mabagal daw kasi akong kumilos kaya't s'ya na ang magaasikaso sa'kin. Balak pa nga ako nitong pakiguan, tf? alam kong baby face ako pero jusko di na'ko bata.
"bilisan mo na r'yan at magbihis kana, papunta na raw sila ash dito. Nagrent daw s'ya ng Van para saatin, galante si gaga" tumatawang saad n'ya habang ako naman ay patapos nang maligo.
Akala ko maaga na ang inalarm kong 3:00 AM, mas maaga pala ang gising ng mga ito at mukha mas excited pa saakin. 3:30 palang ay nasa byahe na kami, duon ko nalang itinuloy ang tulog ko dahil malayo pa naman ang beach na iyon. Sa tabi ako ng bintana umupo dahil pakiramdam ko ay mas dama ang outing kung masisilayan ko ang bawat madadaanan namin kahit pa halos natulog lang naman ako buong byahe.
BINABASA MO ANG
The Scenery of Waves (Teenage Series #1)
RomanceLife isn't unfair, not because you weren't happy doesn't meant that there is no happiness. It is something like you will never know that she's tall if there is no short people. Life is like a house that people trying to build, it needs progress. A...