"Count one to three for groupings"
Nanlaki ang mata ko at nag simulang bilangin ang mga kaklase ko.
12312312312312312312-- 3 si Raiden. 123123123-- halla 1 ako!'
"Vernice, palit tayo please.. please.. Parang awa mo na"
"Oo nga, di ko kagroup bespren ko"
Lumawak ang ngiti ko at nag palitan kami ng upuan. Bwahahaha!.
"Go to your groupmates, pwede na kayong mag meeting" utos ni Ma'am. Meron kasi kaming sabayang pag bigkas ang Title niya 'Inay ko'. Kwento ng isang anak na nakagraduate at nag bigay ng letter para sa mama niyang namatay sa cancer.
"Guys yung idea ko, lagyan natin ng kaunting acting sa unahan." sabi ni Leader at tumango naman kami. Magaling yang si Santino sa mga ganyang bagay kaklase ko yan nung third year. Bading yan na cute.
"So sinong gustong maging role ang Nanay? Dapat yung medyo pale ang mukha... Pamela ok lang sayo?" tanong ni Leader kay Pamela.
"Sige sige. Ok lang" nakangiting sagot naman ni Pamela.
"Yung anak sino. Siya yung magiging bida" tanong ni Santino at nag tinginan kaming lahat. "Ikaw lang talaga. Magaling ka sa roleplay and acting everything e" sabi saakin ni Santino.
"Oo nga, siya nalang" turo saakin ni Raiden. "Magaling yan" luh parang timang.
"Oh sige ako nalang" sagot ko naman at napapalakpak si Santino.
Kapag may mga roleplay kasi dati, ako yung laging bida bida. Gumanap na nga akong kabit ni Raiden e.
"Sino yung Tatay?. Ay definitely not me" pangunguna ni Santino, siya nag tanong, siya rin nag sagot. "Ikaw nalang Raiden. Bagay naman kayo ni Pamela e" luh, sabunutan ko kaya itong bading na 'to. Binabawi ko na, hindi siya cute. Gusto ko siyang balatan gamit ang nailcutter.
"Yiiee" kantyaw naman ng mga uto uto kong groupmates.
"Sige ba" sagot naman ni Raiden kaya napatingin ako sakanya.
"Sige good. Ang role ng tatay bubugbugin mo kunyare si Nanay--"
"pfft---" napayuko ang ulo ko sabay takip ng bibig para mag pigil ng tawa.
"Tawang tawa teh? Hehe" pag puna saakin ng katabi ko at umiling naman ako.
"Bagay kay Raiden yung role, mahilig yan manakit haha!" sabi ko kay Santino habang nakaturo kay Raiden. Hinawi naman ni Raiden ang kamay ko at napailing siya habang bahagyang natatawa.
"Makinig muna guys. Hay nako nag sama na naman kayo" singhal ni Santino kaya tumahimik na ako. "Kailangan mag mukhang kawawa si Nanay para mas malungkot. Uy Adel"
"Oh?"
"Luha ah.." paalala nito at tumango naman ako. Expert ako diyan, magaling kaya ako umarte.
Tumingin ako sa gawi ni Raiden at nakitang kinakausap niya si Pamela. "Huwag ka mag alala, di kita masasaktan" pang uuto nito.
"Yieee, Raiden ah! Crush mo si Pamela 'no!?" panunukso nung kaklase kong mukhang pabigat sa pamilya-- joke. Hay! Imbyerna!.
BINABASA MO ANG
Kung 'Di Rin Lang Ikaw
Short StoryAwit Series #3 Ang highschool crush ni Adel ay muling nag balik upang guluhin ang nananahimik niyang buhay. May pag asa pa rin ba si Raiden sa pusong paulit ulit niyang nasaktan sa nakaraan?. "Kung 'Di Rin Lang Ikaw" Written by: Glossysaa Published:...