Habang nakasandal sa swivel chair ay nakatitig ako sa invitation na bigay saakin ni Caitlyn. Ang gaga, ikakasal na. Hanep nakakabilib lang na ganito siya kabilis maka move on kay Raiden samantalang ako dati inabot ng taon taon. Pero at least moved on na diba, may progress na.
Tatlong linggo na rin ang nakakalipas mula nung nag usap kami ni Caitlyn sa coffee shop at nung isang araw ay nag message siya saakin sa facebook para imbitahan ako para maging abay sa kasal niya, siyempre pumayag rin ako. Kahapon niya lang ibinigay saakin itong invitation at heto na ang ang nakakaloka.
Ngayon ko lang nalaman na kasali sa Groomsmen si Raiden. Sira siya, bakit hindi niya binanggit iyon saakin sa chat diba!?. Hindi naman sa iniiwasan ko siya pero--- sige parang ganun na nga. Ang awkward lang kasi, iniimagine ko na tuloy kung ano ang magiging intetaction namin. Ah tama, huwag nalang siyang kausapin, act normal na parang acquaintance lang kami at walang nangyari sa nakaraan. Tama.
Bukas na ang kasal kaya ngayong gabi ay hinanda ko na ang mga gagamitin ko, napabili pa tuloy ako ng puting bistida.
Nag karoon ako ng realization dahil sa mga ganap ni Caitlyn sa buhay niya. Nung nag usap kami sa coffee shop, sobra talaga akong nagandahan sakanya kasi bagay sakanya yung buhok niya, mas bumata siya hindi gaya dati na para siyang laging stress.
Siguro ganun talaga ang resulta kapag nasa tamang tao ka na. Maraming magandang pagbabago, pati ikaw gaganda.
Humarap ako sa salamin at napatanong sa sarili. "Ako kaya? Kailan?" napabuntong nalang ako.
Sa takot at pag iwas kong mag mahal ng iba, parang nalilipasan na ako ng oras. Pinapangako ko sa sarili ko na kung may tao mang mag paparamdam saakin ngayon, hindi na ako iiwas. Kung masaktan man ulit, okay lang magiging parte nalang iyon ng buhay ko. Matututo naman ako doon e.
"Promise, hindi na ako iiwas. Handa na ulit akong masaktan pag nag kataon"
---
Nag light make up lang ako, siyempre naka puti ako at simbahan ang pupuntahan ko kaya dapat pa-angel ang dating. Malay ko naman kung nandun na pala si The one diba hmm.. Hehe.
Malay ko naman kung yung Pari diba. Charot lang.
"Thank you, Manong" sambit ko kay Manong Taxi driver pag abot ko ng bayad ko bago ako lumabas ng taxi. Tiis taxi muna, saka na ang tsikot. Sabi nga nila, buy assets not liabilities. Kaya nga nag invest ako sa isang business e.
Ang dami kong hanash.
Habang nag lalakad papasok sa simbahan ay pansin ko ng marami na ang mga abay, lalakit at babae, mga ninang din, flower girls ah basta lahat ng kasali sa kasal pwera yung bride. Ang dami na kasi talaga nila kaya feeling ko kumpleto na ang buong cast.
"Ate, abay ka?" tanong saakin ng isang babae na medyo mas bata saakin.
"Oo, Adel Martinez" sagot ko at ipinakita ko ang invitation card ko sakanya. Inabot niya saakin ang isang maliit na bouquet. Tama nga naman, may mga ganito ang mga abay. "Thank you" sambit ko.
"Dito nalang po tayo, malapit na raw mag start e" pag aaya niya at tumango naman ako saka sumunod sakanya.
Nang makapwesto ako sa bandang dulo ay napatingin ako sa gray na kotseng paparating. Walang bulaklak sa harap kaya sigurado akong hindi ito yung bride--
Natigilan ako ng huminto ang kotse sa parkingan. Mabilis kong iginala ang paningin ko, groomsmen pala si Raiden at hindi ko pa siya nakikita. Nakita ko ang mga groomsmen na tumabi sa mga babaeng abay at ako na nasa likod ay naubusan na ng partner.
BINABASA MO ANG
Kung 'Di Rin Lang Ikaw
Short StoryAwit Series #3 Ang highschool crush ni Adel ay muling nag balik upang guluhin ang nananahimik niyang buhay. May pag asa pa rin ba si Raiden sa pusong paulit ulit niyang nasaktan sa nakaraan?. "Kung 'Di Rin Lang Ikaw" Written by: Glossysaa Published:...