Chapter 7

77 10 0
                                    

Pag mulat ng isang mata ko ay pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at mabilis na nanlaki ang mata dahil wala ako sa apartment ko. Pag bangon ko ay napahawak ako sa ulo dahil masakit.


"Nas--" nahinto ako sa pag sasalita ng makita ko ang picture frame na nasa side table. Napabuga ako sa hangin ng makita ko doon si Raiden kasama ang isang babae. So, nag hiwalay sila ni Pamela. Hindi na kasi si Pamela ang kasama niya sa picture.



*tok tok tok*



Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok. Inalis ko ang kumot at isinuot ang sandals ko saka kinuha ang bag ko na nasa couch. Masyado na ba akong nalasing kagabi at hindi ko na nasabi ang address ko!?. Nakakahiya, ngayon na nga lang kami nag kita ay naka istorbo pa ako sakanya.



Binuksan ko ang pinto at wala naman akong nakitang tao. Lumabas nalang ako at nakita si Raiden sa sala, nasa tapat siya ng bintana at parang malalim ang iniisip habang may hawak na kape.



"*Ehem*" kunware akong umubo para makuha ang atensyon niya. Tumingin naman ito saakin at tumaas ang dalawang kilay niya. "Pasensya na sa istorbo u-uhm.."


"Kaya mo bang mag biyahe?" napalunok ako dahil sa mahinahon niyang boses. Hindi naman siya ganito mag salita dati, ang laki na talaga ng pinag bago niya. Mukha na siyang mas mabait ngayon. Ang aliwalas tignan, nakaputing sando at-- "Adel?"


"Yes?" taranta kong sagot at parang bahagya siyang kumunot noo. "W-what did you say?" tanong ko at doon ko lang napagtanto na humigpit ang pag kakahawak ko sa strap ng bag ko.


"Kako kung kaya mo bang bumiyahe? Pasensya na kung hindi kita mahahatid ngayon, nasa daan na rin kasi si Caitlyn e. Hindi ata makakabuti kung---"


"I understand" pag puputol ko sa sasabihin pa niya. "Again, I'm sorry sa istorbo at thank you na rin. I have to go, I also have an appointment." matapos kong mag salita ay mabilis akong nag lakad. Hindi naman masyadoong kalakihan ang condo niya para hindi ko makita agad ang pinto. Tama siya, kailangan kong mag madali umalis dahil baka makasira pa ako ng relasyon ng wala sa oras.



Blangko lang ang isip ko habang paalis, namalayan ko nalang na bakababa na ako sa lobby at doon nahinto.



Nag salubong ang kilay ko ng mapasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Nandito ako sa Francia Residency building!. Dito yung appointment ko today!. Dito ko mamemeet si Mr. Broker--


"Miss Adel Martinez?" agad akong napalingon sa nag tawag sa pangalan ko at pilit na ngumiti.


"Ahehe, yes?"


"Hi, I'm Cedric Santiago the real estate broker na naka assign po sainyo" nakangiting sabi nito at nakipag shakehands saakin.


"Ahehe, great" awkward kong sabi at matapos makipag shakehands ay napahawak ako sa hikaw ko.



Letche! Ibig sabihin ba nito sa iisang building nalang kami nakatira ni Raiden!? Bakit ba hindi ako matantan ng nakaraan!? Bakit hanggang ngayon para parin akong buntot ni Raiden na nakasunod sakanya!!'



Habang nililibot ako ng broker ay nagiging pamilyar saakin ang daan. Hindi nga ako nag kamali sa hinala, ito yung floor kung saan ako nanggaling kanina.



Nalampasan na namin yung condo ni Raiden. Huminto si Santiago sa sumunod na pinto. Halla!.



"Wait lang" pag pipigil ko sakanya "Wala na bang ibang room na available?" tanong ko.



Kung 'Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon