Chapter 11

66 11 0
                                    

*tik tok tik tok*


Tanging tunog lang ng wallclock ang naririnig ko rito sa private room. Nang maging stable na ang lagay ni Raiden kagabi ay nilipat na siya mula sa e.r. Ako na ang nag admit sakanya dahil mukhang walang susupot na kamag-anak niya.


Nalaman ko rin nung pag uwi ko sa condo at kumuha ng mga gamit ng Raiden at para makapag palit na rin ako-- kinuha na ng pulis si Caitlyn. Tama yun, mabulok siya sa bilangguan hayop siya.



Paano niya ito nagagawa kay Raiden? Si Raiden na 'to oh! Hindi ba niya alam ang halaga ni Raiden? Hayop siya.


Napabuntong hininga ako habang nakatitig kay Raiden. Wala pa rin siyang malay, pero sabi ng doctor baka ngayon din siya magigising buti nalang daw at hindi masyadong malalim ang pag kakasaksak sakanya. Makakabas rin siya as soon as possible.


Umayos ako ng tayo ng gumalaw ang kilay niya. Dahan dahang iminulat niya ang mga mata niya at nag tama agad ang paningin namin.


"Adel?"


Tipid akong ngumiti "Anong nararamdaman mo? Mag tatawag ba ako ng doctor?" tanong ko at umiling siya kaya tumango naman ako. Akma siyang babangon kaya inalalayan ko siya, nilagyan ko ng unan likod niya para komportable.


"Bakit ka nandito? May trabaho ka ah"


Umiling ako "Mas kailangan mo ako ngayon, don't mind it" sagot ko.


"Pero kasi..." tumingin siya sa pinto "Baka maabutan ka ni Caitlyn"


Bahagyang nanliit ang mata ko at napalunok sa sobrang inis. Ok, hindi ko na kaya sasabog na ako. "Hindi siya darating dahil nasa police station siya. Nakakulong" sambit ko habang papunta sa mesa para mag balat ng orange. Dito ko nalang ibubuntong ang galit ko.


"Nakakulong?" tanong niya at may pag tataka sa tono niya.


"Oo, matapos ka niyang saksakin hinarang siya sa entrance at dinakip ng mga pulis. Malinaw kasi na siya ang--"


"Hindi niya yun sinadya"


Nahinto ako sa pag babalat at padabog kong inilapag ang orange na hawak ko saka tumingin sakanya. "Putanginang pag ibig yan Raiden. Gago ka ba? Letche naman--" pinigilan ko ang sarili dahil, kagigising lang ng pasyente tapos puro mura ko ang maririnig niya. "Raiden. Please lang tama na ang pag papakatanga sa babaeng 'yun. Mapapatay ka niya"


Inalis niya ang tingin saakin at hindi sumagot. Seryoso lang siyang nakatingin sa labas ng bintana kaya napasinghal ako.


Kalmahan mo lang Adel... Pasyente yan'


Umupo ako sa tabi ng kama, sa tabi niya habang nakaharap sakanya. "Raiden... Sorry pero yun yung totoo--"


"Hindi ka ba hinahanap ng boyfriend mo?" nahinto ako ng mag tanong ito habang nakatingin sa labas ng bintana. "Ano kayang mararamdaman niya pag nalaman niyang may kasamang ibang lalaki ang pakakasalan niya?" tumingin ito saakin. "Pwede ka ng umalis"


Nakatitig lang ako sakanya at mapalunok.


"Salamat sa pag hatid saakin dito, kung ikaw man. Kaya ko ng mag isa, pwede ka ng umalis." matapos niyang mag salita ay muli siyang napatingin sa labas ng bintana.


Umalis ako sa kinauupuan ko habang nangingilid ang luha. "Ok." tumatangong sagot ko saka ko kinuha ang bag ko. "Iiwan ko nalang 'tung calling card ko--"


Kung 'Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon