Matapos kong tanongin ang bagay na iyon ay tumingin siya saakin. "You really wanna know? Walang sisihan"
Sandali akong natigilan at kumabog ang dibdib ko "Ha?" pag tataka ko.
"Walang sisihan ng sarili"
Napalunok ako at pilit na ngumiti saka nag kibit balikat "Spill it"
"Dahil sa'yo kaya kami nag break dati"
Dahil sa'yo kaya kami nag break dati'
Dahil sa'yo kaya kami nag break dati'
Para akong nabingi sa narinig ko o baka may dumaan lang na sasakyan. Nag paulit ulit sa utak ko ang sinabi niya. "Dahil saakin? B-bakit?" tanong ko. Sa totoo lang gustong gusto kong malaman ang sagot kung bakit ako ang dahilan ng hiwalayan nila pero hindi ko iyon pinahalata.
Huminga siya ng malalim "Ok.. Sisimulan ka siya nung... Lumipat ka ng section." napalunok ako "Napapansin ko sakanya na, parati siyang malungkot, matamlay.. Goodness I never forget that kung paano siya nag bago. Pero pinalampas ko nalang mahal ko e tss hehehe"
Tumugma yung kwento ni Pamela base sa mga nakikita ko dati nung lumpat ako ng section. Matapos ko nga ata siyang taray tarayan at hindi ngitian ay hindi ko na siya nakikitang ngumiti.
"Pag tungtong namin ng college. Hindi man niya sabihin saakin pero halata ko naman na hinahanap ka niya" habang nag sasalita si Pamela ay pirmi nalang ang pag kabog ng dibdib ko. "At nung napansin niya na.. Wala ka sa university, lagi ka niyang bukambibig saakin. Tsk tsk" napailing siya habang tipid na natatawa " 'Bakit wala si Adel?' 'Galit siguro kaya 'di na ako sinundan' 'Saan kaya siya nag aaral'"
Parang may kumurot sa puso ko ng marinig ko iyon dahilan para mangilid ang luha ko.
"Hindi ko makakalimutan yun, kasi sobra akong nasasaktan dati habang hinahanap ka niya. Pero.. Naka move on na ako ah, masaya na ako sa pamilya ko hehe take note lang" bigla siyang ngumiti at tumango naman ako. "So yun.. Umabot sa point na siya na yung nakipag hiwalay saakin. Tinanggap ko naman kasi, ang valid lang nung reason na parang hindi ako makatanggi"
Inalis ko ang tingin sakanya habang nag pipigil lumuha.
"Yung rason niya.." napalunok ako ng mag patuloy si Pamela "Gusto ka daw niyang hanapin, kasi ikaw daw yung mahal niya, kasi ikaw daw yung makakapag pasaya sakanya-- what the haha bakit ako naiiyak. Ang tragic ng love story niyo haha" ibinaling ko ang tingin kay Pamela habang nag pupunas ito ng luha. "Bakit ka kasi umalis?" tanong nito saakin.
"Para iwasan siya. Nasaktan ako e" sincere kong pag sagot sabay tumulo ang luha.
Hinawakan niya ang kamay ko "Lumipat ng university si Raiden para hanapin ka. Tinulungan ko na nga siya e then I found out na nasa ibang lugar ka na pala"
---
"Habang may hinahanap kasi akong tao noon... Nahanap ako ni Caitlyn"
"Alam mo kasi.. Ang hirap pag sinanay ka na nung isang tao tapos bigla kang bibitawan, biglang hindi mag paparamdam.
"Saan ka pumunta pag kagraduate natin ng highschool?"
--
Napatakip ako sa bibig ng aumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Raiden. Mas lalo akong napaluha.
"Adel... Kung may natitira ka pang pag mamahal kay Raiden, kahit bilang kaibigan. Protect him" tumingin ako sakanya "I mean.. hindi niya deserve ang masaktan dahil dun sa gf niyang halimaw."
"Paano ko yun gagawin? Wala na ako sa lugar" sagot ko at bumagsak ang dalawang balikat niya.
"Maniwala ka saakin. May lugar ka sa puso niya"
Tama nga yung warning ni Pamela bago niya umpisahang mag kwento 'Walang sisihan ng sarili' heto ako ngayon. Sising-sisi sa sarili. Iniisip ko lang kasi, tatlong taong mahigit kong natiis na masaktan dati dahil kay Raiden. Kung nag kaunting tiis pa sana ako, sana parehas kaming masaya ngayon.
Tiniklop ko ang laptop ko at kinuha ang isang tasa ng kape "E!" reklamo ko ng malasahang malamig na. E paano, kanina pa ata ako lutang dito. Hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Pamela saakin, letche memoryado ko pa nga yata.
Tumayo nalang ako at nahiga sa kama dahil wala ng ibang pumapasok sa utak ko. Bukas ko nalang gagawin ang trabaho.
*pag!*
*ahh!!*
Nanlaki ang mata ko ng makarinig ng ingay mula sa kabilang pader. Mabilis kong itinapat ang tenga ko doon at muling nakarinig ng ingay.
"Raiden? Raiden" agad akong umalis ng kama.
Namalayan ko nalang na nasa tapat na ako ng pinto niya at paulit ulit na kumatok. Napansin ko rin ang pag labas ng isang babae sa kabilang kwarto habang nanlalaki ang mata.
"Nag aaway na naman ata jusko naman" reklamo nito.
Malakas kong kinatok ang pinto. Masama ang kutob ko "Raiden!-- shit. Caitlyn! Buksan mo 'to!" galit kong sigaw at napansin na marami ng nag silabasan sa kani kanilang condo. Ang isa ay tumulong saakin sa pag katok, ang iba ay tila tumatawag ng staff.
*klak*
Nang bumukas ang pinto ay bumungad saakin si Caitlyn na nanlalaki ang mata. Agad kong naalis ang tingin sa mukha niya ng makita kong may dugo sa damit niya.
"Anong ginawa mo?" nanginginig na ang boses ko sa takot at galit pero sa halip na sumagot siya ay mabilis siyang tumakbo paalis.
Raiden'
"Raiden!?" tawag ko sa pangalan niya ng makapasok ako sa loob. Pinasadahan ko ng tingin ang buong sala, nag punta ako sa kusina pero wala siya. "Raiden!" tumakbo ako papunta sa isang pinto ng buksan ko iyon ay nakitang wala rin siya sa banyo.
Binuksan ko pa ang isang pinto at halos malaglag ang puso ko ng makita ko ang duguang sahig. Nakita ko si Raiden nakahandusay habang may dugo ang kanyang tiyan.
"Raiden?" mabilis akong lumapit sa gawi niya at binuhat ang ulo niya. Hindi ako makapag salita dahil sa panginginig ng lalamunan ko.
"A..del.."
"Tulong!!" tumingin ako sa pinto at nakitang may apat na tao doon.
"Hello Police station?"
"Kailangan namin ng ambulansya"
Nag halo halo na ang boses nila sa pandinig ko.
Ibinalik ko ang tingin kay Raiden. Nakatingin ito saakin "O-ok lang a-ako.. Shhh.. huwag kang umiyak.." ngumiti na mas lalo kong ikinaluha.
"Raiden.. Bakit mo hinayaang mangyari 'to?" tanong ko habang humahagulgol.
Takot, awa, pag kabahala, galit, inis at kaba. Halo halo ang emosyon ko habang nasa loob ng e.r si Raiden. Habang nakaupo sa gang chair ay nakayuko ang ulo ko at umiiyak. Walang katapusang pag luha. Dapat ko bang sisihin ang sarili ko dahil sa mga nangyayari ngayon kay Raiden? Kasalanan ko ba?.
Mula sa pag kakayuko ay naitama ko ang paningin sa damit ko na duguan na rin.
Pag lumala ang kundisyon ni Raiden. I swear, mapapatay ko talaga ang babaeng iyon.
---
BINABASA MO ANG
Kung 'Di Rin Lang Ikaw
Short StoryAwit Series #3 Ang highschool crush ni Adel ay muling nag balik upang guluhin ang nananahimik niyang buhay. May pag asa pa rin ba si Raiden sa pusong paulit ulit niyang nasaktan sa nakaraan?. "Kung 'Di Rin Lang Ikaw" Written by: Glossysaa Published:...