Pag lipas ng isang linggo ay kalat na sa buong section namin na mag on na sila Raiden at Pamela. Wala ni isang kaklase ko ang nag banggit ng pangalan ko sa tsismis na iyon. Alam kasi ata nilang nasasaktan ako. Meron nung time na tahimik akong nakaupo sa sulok tapos bigla nalang may nag hagod sa likod ko. Meron nung time na inaaya ako ng isang grupo ng mag kakaibigan dito sa section namin na mag recess, meron ding inaya akong mag foodtrip.
Ganun nalang ba kahalata na broken ako.
Sabagay, nahalata ko rin naman hehe.
Habang katabi ko sila Raiden at Pamela sa first subject, hindi ko alam kung paano ako aakto kaya naman, ginawa ko ang hindi ko inaasahang magagawa ko...
"Nakausap ko si Ma'am Dela Cruz tungkol sa klase niya. Nakiusap siya na kung pwede ay kukuha siya ng isang student dito para maging 25 ang bilang ng klase niya. Dahil kung hindi niya mareach ang bilang na ito ay ma dedesolve ang last section. Mga anak, sinong may gustong lumipat ng section? Ayoko namang pumili dahil gusto ko volunteer nalang sana--"
Mabilis kong tinaas ang kamay ko at nginitian si Ma'am "Ako po. Gusto ko pong lumipat ma'am" sambit ko at napansin kong napatingin lahat saakin ang kaklase ko. Kumunot ang noo ni Santino.
"Sure ka teh? Paano yung sabayang pag bigkas natin?" mahina ngunit mariin nitong sabi.
"Sorry." yun lang ang nasagot ko at tumango nalang siya habang may pang hihinayang sa mukha niya.
"Ok sige, ayusin mo na yang gamit mo. Hintayin mo ako sa labas may kukunin lang ako sa dap-ayan ha" paalam ni Maam at tinanguan ko naman siya bago siya lumabas ng classroom.
Pag tayo ko ay nahuli kong nakatingin saakin si Raiden at tinaas baba ko lang ang kilay ko. Sinuot ko ang bag ko at nag simula ng mag lakad.
--
Good choice ang ginawa kong iyon, kasi nasa last section ang ilang barkada ko. Tinuruan nila akong mag ayos, nag sabi sila ng pwede kong gamiting sabon, kuminis yung mukha ko.
Pero bakit ganun?.
Ang lungkot ko parin. Sa tuwing nakakasalubong ko si Raiden ay hindi ko siya mangitian kahit pa nginingitian niya ako. Ang awkward lang e, feeling ko pag nginitian ko siya ay baka sabihin niyang may gusto pa rin ako sakanya. Bagay na totoo naman. May gusto pa rin ako sakanya, sanay na ata yung puso ko na mag kagusto sakanya.
"Arms forward!"
"Ang init gago" reklamo ko habang matalim ang tingin doon sa choreographer na nasa stage. Malapit na kasi yung foundation day kaya practice practice na ng zumba competition sa bawat year. Ito yung kinaiinisan ko kasi tirik yunga araw ay nag papractice kami dito sa ground. Kabanas.
"T*ngina binabaskil na ako" sabi ni Mira kaya natawa naman ako. Barkada ko.
"Hi Adel!" hinanap ko kung saan galing yung ingay at nakita ko si Santino na nasa kabilang linya lang pala.
"Hello!" bati ko naman.
"Diyan ka na sa dati mong section" biro ng kaklase ko na nasa likod ko at mahina akong tinulak.
"Oh sige saamin na ulit siya" hinila ako ni Vernice at inakbayan. Natawa naman ako ng hinila ako ni Mira mula sakanya.
"Dito ka na, wala akong pag kokopyahan" sabi nito at napailing nalang ako.
BINABASA MO ANG
Kung 'Di Rin Lang Ikaw
Short StoryAwit Series #3 Ang highschool crush ni Adel ay muling nag balik upang guluhin ang nananahimik niyang buhay. May pag asa pa rin ba si Raiden sa pusong paulit ulit niyang nasaktan sa nakaraan?. "Kung 'Di Rin Lang Ikaw" Written by: Glossysaa Published:...