Chapter 1

242 13 5
                                    

2014

---------------------




"Magnifico Magnifico Magnifico Magnifico Magnificoooaah!" tinakpan ko ang bibig ko ng makita ko sa listahan ang pangalan ni Raiden. Napahampas ako ng buhok.


Grabe, naniniwala na talaga ako sa tadhana. From First year to Fourth year kaklase ko siya. Buong buo na talaga ang highschool life ko. Ganito ang totoong buhay, yung parang lumulutang ka sa ulap dahil sa saya. Ahh!.


"Adel, kaklase na naman kita"


Mabilis kong nilingon ang biglang nag salita sa likod ko. Parang nag heart heart yung mga mata ko ng makita ko si Raiden habang nakatingin sa listahan.


"Kaya nga e" yun lang ang isinagot ko habang nakangiti. Inalis niya ang tingin saakin at sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob ng classroom.


Hindi siya nag palit ng bag, yung halk pa rin ang bag niya. Bagay na bagay talaga sakanya yung relo niyang casio. Ang bango pa rin tignan, parang amoy cologne. Ang angas talaga niya tignan kapag may bimpo na nakasabit sa balikat niya. Ang gwapo.


shet shet! Dapat mag katabi kami!'


Nag madali na akong pumasok sa loob at lumawak ang ngiti ko ng makita kong bakante ang silya na nasa tabi niya. Nag cecellphone siya kaya hindi niya ako napansin na papalapit na sakanya. Pag upo ko sa tabi niya ay hinubad ko ang bag ko saka nilagay sa likod ko.


Nag tama ang paningin namin at seryoso lang kaming nag titigan. "Bakit?" tanong ko.


Sa halip na sumagot siya ay inirapan niya ako saka tumingin sa may harapan. Napataas ang dalawang kilay ko ng tumayo ito at kinuha ang bag.


"Ay grabe ka." reklamo ko ng umalis ito sa tabi ko dala ang bag niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa may second row.


Tumayo ako at kinuha ang bag ko. "Diyan ka lang" nahinto ako ng lingunin niya ako habang nakaturo saakin.


Napatingin ako sa mangilan ilan naming kaklase na nakangiti habang nanunuod saamin ni Raiden. Papansin talaga 'tung lalaki na ito, palibhasa gwapo e. Wala akong nagawa kundi umupo nalang ulit at niyakap ang bag ko.


Ganyan lagi yang si Raiden saakin, napakasama. Porket alam niyang patay na patay ako sakanya ay ginaganito nalang ako. Nag simula yan nung second year kami, nag truth or dare kami noon kasi wala yung teacher namin. Nag truth ako tapos tinanong kung sino crush, sinagot ko 'Si Raiden' e hindi ko naman alam na nasa tabi tabi lang pala siya nun kaya narinig niya. Mula noon ay lagi na kaming inaasar, habang natutuwa ako siya naman itong naiirita.


Pasasaan pa't mag tatabi pa rin kami niyan hmp!.


"Tumayo muna kayong lahat, alphabetical arrange tayo" sabi ni Ma'am.


Tumingin ako kay Raiden habang matamis ang ngiti. Magnifico siya at Martinez naman ako kaya naman.... Hmmbwahahaha!. Akin ang huling halakhak.


Isa rin sa dahilan kung bakit ko siya naging crush ay lagi kaming mag katabi.


"Magnifico" tawag ni Ma'am at nag taas ng kamay si Raiden saka pumunta sa row na nasa tapat ko. Nag tama ang paningin namin at nginitian ko siya.


Tadhana talaga oh, favorite ako hihi.


"Mandela"


Mabilis na nawala ang ngiti ko at napatingin sa babaeng nag taas ng kamay saka nag lakad papunta sa tabi ni Raiden. Bahagya akong napasibi ng makitang nginisian ako ni Raiden. "Martinez? Martinez? Martinez nandito ka---"



Kung 'Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon