Kinabukasan nasa parking lot na ako nang madatnan ko sina Andrew, Mark , at Jacob. Hindi nila ako napansin dahil busu sila sa pag-uusap.
"Mga Tol, tuloy ba si Gavin bukas?" tanong ni Jacob.
"Oo tuloy raw, eh! Nagpaalam naman na siya kay Dean 'di ba? Wala naman nang exam," tugon naman ni Andrew.
'Saan siya pupunta?'
Hindi ko na namalayang nakaalis na sila dahil akupado ng isip ko ang mga sinabi nilang tatlo. Habamg nasa klase tuloy ako ay wala do'n ang isip ko, na kay Gavin..
Gusto ko siyang kausapin, may problema ba siya? Okay lang ba siya?
"Woi! Best, kakanina pa namin napapansis na wala dito ag isip mo? Naiwan mo ba inyo?" may pagbibirong tanong pa ni Stacey ero alam ko totoo 'yon.
"H-ha? Wala, iniisip ko lang 'yong narinih ko kanina kila Andew, Mark, ag Jacob," ani ko.
"Bakit ano ba ang narinig mo?"
"Paalis daw si Gavin bukas ksya gusto ko siyang makausap." Napakamot pa ako sa kilay ko habang sinasabi 'yon.
'Oh, 'di kausapin mo!" ani naman ni Jallessa sa 'kin.
"Oo mamaya pag-uwian ay aabangan ko siya."
At nang matapos na nga ang afternoon class namin ay nagmadali na akong pumunta sa building ng mga 4th year students.
Agad ko naman nakita sina Kuya pero wala si Gavin.
"Kuya," tawag ko.
"Princess, anong ginagawa mo dito?" tanong ni kuya ng makalapit ako. Med'yo hingal pa ako sa pagmamadali pero keri lang.
"Si Gavin nasa'n?" agad kong tanong. Bigla naman sumulpot ang tatlo.
"Oh hi, Aliyah. Naligaw ka yata na miss mo kami, no?" Hindi ko na muna pinatulan ang ka baliwan nila dahil nagmamadali ako.
"Hi guys...nasa'n si Gavin? Gusto ko saan siyang makausap eh," saad ko sa kanila.
"Ah...si loverboy, ayon oh!" Sabay turo niya sa baba, nakita ko ngang naglalakad na paalis si Gavin."
"Flight niya na mamaya kung kaya't nagmamadali nang umuwi dahil mag-aasikaso pa siya," anila.
Hindi ko na hinintay pa ang mmibang sasabihin nila, agad kong hinabol si Gavin..
Nang maabutan ko siya ay papasakay na dapat siya ng kotse niya..
"Gavin!" Napalinhon naman siya sa pagtawag ko sa kan'ya.
"Aliyah, I'm sorry nagmamadali ako." Nakasalubong ang mga kilay niya at mukhang bad mood. Pero hindi ko 'yon pinansin.
"Gavin saan ka pupunta? May problema ka ba?" tanong ko.
"Wala, umuwi ka na!" may diin niyang sabi.
"Wait lang. Mag-usap muna tayo kahit sandali lang, baka gusto mo ng makakausa," pagpupumilit ko.
"Hindi kita kailangan, please lang Aliyah...leave me alone, magulo ang isip ko!" tila nagpipigil na siyang ng pasensiya sa 'kin pero nagpatuloy pa rin ako ng pangungulit sa kan'ya.
"Bakit na kasi? Hindi ka ba nakakaintindi?" tinaasan na niya ako ng boses kaya nabigla ako, hindi ko lang pinahalata.
Hindi na siya sumakay muna ng kotse, lumabad siya at naglakad sa kung saan patungo, kaya sinundan ko na naman siya.
"Puwede ba Aliyah! Tumigil ka na, hindi mo ba nakikita ayaw kong sumusunod ka sa 'kin kaya umuwi ka na!" galit na siya.
"Eh, gusto ko, eh. Bakit ka ba nainigaw? Inis kong tugon sa kan'ya habang sinusundan ko siyang maglakad.
BINABASA MO ANG
Falling For A Star
RomanceSubaybayan Ang Storya ng dalagang umibig sa bestfriend ng kuya niya. Paanu niya kaya mapapa ibig ang binata gayung ang turing nito sa kanya ay isang kapatid lamang, dahil mas bata ito sa kanya.. 06-06-19 -'MitcheBeautiful'-