Chapter 3

2.4K 44 5
                                    

"Oh, that? Head Council from Hamburg called me." She answered. Bell, her code name 25 years old, may katamtamang tangkad at kagaya niya isa rin itong assassin, trained killer at isang agent ng Order of the Five. Dati niya itong kasamahan sa MI-6 at halos kasunod niyang tumiwalag almost two years ago. Pareho silang pumapatay subalit trabaho lang, ngunit may iba siyang dahilan kung bakit siya nagpatuloy sa ginagawa.

"So, you're the one who send to help me take that Pakistani down? Oh great, he's just a pest and seems like he's nothing." tinapunan siya nito ng tiim bagang na tingin, alam niyang hindi ito nakikipagbiruan sa mga oras na iyon.

"Nothing means something. Alam mo ba kung anong ginawa niya before he was prisoned? He killed the king of Pakistan, tapos sasabihin mong nothing? Kaya mo naman pala mag-isa kaya sige alis na ako. Working with you is such a pain in the ass." O god! Ang childish nito masiyado. Nagulat na lang ang dalaga ng may lumipad na shuriken sa gawi niya, immediately she used her reflexes to avoid the attack, at gahibla na lamang ang distansya ng shuriken sa kaniyang ilong. Napangiwi si Addi at bumwelo para umataki mula sa likod nito, pero nahawakan nito ang kaniyang kamay dahilan para mabalibag siya ng walang kahirap-hirap.

"Ow, sorry my bad." She said sarcastically. Damn this bitch. Agad siyang tumayo at pinagpagan ang sarili.

"Pasalamat ka mabait ako ngayon." Saad niya at binawi ang juice na nasa kamay nito at ininom iyon ng diritso.

"Because, we're friends. By the way, sabi ng council dapat within this week maitumba mo na 'yang Pakistani na 'yan. That's why I'm here to help." Inabot nito ang isang kulay itim na flashdrive mula sa pagkakasuksok sa bra. Alangan naman iyong inabot ni Addi at nagtungo sa center table kung saan naroon ang kaniyang laptop. Nang mabuksan ang laman ng flashdrive ay halos lumuwa ang kaniyang mata sa gulat.

"Fuck! Where did you get this? I mean I've been looking for this." Those files kung saan nakalagay lahat ng illegal doings ng kaniyang target, ang mga bank accounts mula sa iba't ibang personalidad. Fake people with real money. That damn man.

Humalukipkip si Bell at pasimpleng nahiga sa mahabang couch. "Oh that? Nakuha ko lang naman mula sa kaniyang tauhan." This witch, ang bilis ng kamay, hayst.

"Fine, you're working with me then." Ungos ni Addi at sukong tumayo. "So, kailan natin itutumba 'tong taong 'to?" she boringly asks, tiningnan siya nito ng makahulugan and they both smirked.

"Mamayang gabi, may auction na mangyayari sa Midnight club, pupunta siya roon para magbenta ng drugs. Wanna party with me?" agad na nabuhay ang dugo si Addi sa narinig. Basta sa usaping party at talagang nabubuhayan siya ng loob.

"Hella yes, I love party." she exclaimed excitedly. Kahit na minsan lamang silang magkasama sa isang miyson ay naging magkaibigan naman sila. Magkasama sila sa araw-araw na training sa MI-6 at doon nabuo ang kanilang pagsasamahang tatlo ni Martin. They shared the same dreams na balang araw ay makakawala na rin sila sa buhay na mayroon sila and they both made it. Iyon nga lang, sinong mag-aakala na magiging mahirap pala ang buhay sa labas ng pentagon but they still survive, ano pa at nag-training sila para sa survival. At nang malaman niyang nagtatrabaho rin si Martin noon sa CDJ ay hindi siya nag-atubiling pumasok sa panibagong org which she is now. Ang binansagang "Manslayer" the killer of the man.

El Paradiso Series 6: On His Lullaby COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon