Chapter 28

576 19 8
                                    

Chapter 28

   

NAKAPAGTATAKA dahil hindi siya dinala sa headquarter ng Interpol kundi sa isang malaking bahay. Old European ang desenyo sa labas ng bahay, pinapalibutan iyon ng nagtataasang simentong bakod at naglalakihang mga puno.

Madilim ang likurang bahagi at tanging ilaw lamang sa front gate ang nagsisilbing liwanag.

Automatikong nagbukas ang gate at pumasok roon ang sinasakyan niyang itim na hi-ace van. Paikot ang runway, at may sariling fountain sa gitnang bahagi. May iilan siyang natanaw na guwardya na nagbabantay sa gate at ibang bahagi ng bahay, more likely a mansion.

Kung hindi siya nagkakamali ay tadtad rin ng maraming CCTV cameras ang kabahayan. Huminto ang van at mismong tapat ng main door na mayroon ring dalawang bantay at parehong armado.

Walang imik siyang bumaba sa van at pinasadahan ng tingin ang mansyong nasa harap niya. ang buong akala niya’y purong European iyon subalit may iilang bahagi na naging moderno. Retro yata ang tema ng mansyon. 
Pinagbuksan sila ng pinto at marahan siyang itinulak ng isang lalaking nakasuot uniporme ng Interpol.

Wala sa loob siyang pumasok at gayon na lamang ang pagkamangha sa maaliwalas at napakalaki ng living room, kulay brass ang pintura ng lining at puti ang dingding. Naroon pa ang mga antique na kagamitan na ang ilan roon ay mula pa sa Pilipinas. Kalimitan ay mga kagamitang European. Ang grand piano na naka-display sa isang sulok. Sa ibabaw niyon ang limang life size portrait ng limang lalaki, mula pa yata ang isa sa renaissance period sa suot nito. At ang pinakahuli ay ang mukha ni Alexie Dixson, isang recent picture sa wari niya dahil nakasuot ito ng suit and tie.

Kung hindi siya nagkakamali ay nasa tahanan siya ng Dixson and speaking of, naramdaman niya ang presensya nito sa kaniyang likuran. Ngunit hindi niya makuhang lingunin ito at kunway inaliw ang sarili sa pagtingin ng mga kagamitang naroon.

“You must be tired, magpahinga ka muna,” muni nito subalit hindi niya parin nililingon. Alam niya ang tumatakbo sa isip ng binata ngayon. He will play his part and make her suffer. Hindi na siya magtataka roon.

“Have a seat.” She heard him mumbled something ngunit hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Narinig pa niyang pinag-utusan ang mga bodyguard na magbantay sa labas at ngayon sila na lamang dalawa ang naiwan sa napakalaking living room na iyon. Subalit tila sumisikip at naso-suffocate siya. Her breathing were uneven.

“What do you want?” she asked. 

“Before that, pwede bang maupo ka muna?” subalit umiling siya. She was expecting na nasa kustudiya siya ng Interpol, nagsasagawa ng interview ngunit hindi.

“I see, nilagay mo na nga sa kamay ang batas. You are no different with this people on the portrait.” Tuya niya. Gayon man ay nanatiling blangko ang kaniyang mga mata.

“Hindi ko na itatanong kung bakit mo ako dinala rito, why you used Interpol’s name and uniform to abduct me. I wasn’t expecting that but I am not surprised. Anak ka nga ng isang mafia, big boss ng kinabibilangan kong organisasyon.” And she turned her back to see his bare face.

“Mukhang alam mo na kung sino ka at kung ano ka. Kaya wala ng panahon para ipaliwanag ko sa iyo ang kasawian ng Papa mo sa kamay ko. Inaamin kong ako nga ang pumatay sa kaniya, dahil iyon ang utos sa akin ng council, in return? Babalik sa Berlin para hanapin ang kakambal ko. Remember the red-haired copper brown eyes lady. I succeeded.” She smiled widely from ear-to-ear like she won the battle.

Beck was dumfounded for a moment when she spoke blankly. Diterminado siyang makuha ang dalaga sa pamamagitan ng pera at kapangyarihan ng ama, subalit ngayon ay biglang nagbago ang lahat.

Naiinis siya sa katotohanang hindi niya matitibag ang anumang bakal sa pader na humaharang kay Addison. She completely a heartless, selfish woman. May puso pa bai tong babaeng ito? bakit ba kay dali lang para rito ang gawin ang mga bagay na nais gawin? Kay daling sabihin ang mga gustong sabihin.

“Masaya ka ba sa ginagawa mo? Masaya ka bang may buhay na nawala dahil sa pagiging makasarili mo ha, Addi? May puso ka pa ba?”

Mapaklang natawa si Addison. Ano ba itong naratnang usapan, akala ba niya ay mapupunta sa dahas subalit mas naging concern pa ito kung may puso ba siya. Boys sucks indeed. “I guess none. Kung ito lang din ang pag-uusapan natin mas mabuti pang umalis na lamang ako.” She was about to take a step but Beck immediately held her hand. Mabilis siyang nahila ng binata at pabagsak na pinaupo sa malambot na sofa. Umuntol lamang siya roon.

“Alam mo bang nagpipigil lamang akong saktan ka? Galit ako sa ginawa mo sa Papa ko Addi pero mas galit ako sa ginawa mo sa sarili mo. At inakala mo bang ipapakulong kita? Pwes nagkakamali ka, hindi ko isinasabatas ang bagay na ito at ayokong ilagay ang batas sa mga kamay ko. Yes, kung makukulong ka, it would give my father’s justice subalit alam kong gagawa at gagawa ka ng paraan para makatakas at mamuhay bilang manslayer.”

“Ano ba ang gusto mong mangyari? Oh, come on, don’t ever think na mapapabago mo ako sa mga word of wisdom and advices mo. Nabuhay akong ganito at malamang mamamatay rin akong ganito. You can’t change me for who I am Beck. At kung nais mong ipakulong ako, gawin mo na. Huwag mo nang hintaying makatakas ako dahil sisiguraduhin kong walang bakas ng Addison ang maiiwan,” subalit malokong ngisi lamang ang itinugon ng binata.

Mabilis itong niyuko ang sarili at sa kaniyang pagkagulat ay isang dangkal na lamang ang pagitan ng kanilang mukha. She can feel his warm heavy breathing. His masculinity aroma was soothing in her nose. It was blended with expensive musk perfume that made him manly.

Kailan ba niya ito huling nasinghot? Oh god Addison what were you’re thinking? Sawata ng kaniyang isip. But she can’t deny the fact that she misses his scent. It was all familiar.

“Alalahanin mong nasa pamamahay kita, kaya bago ka makatakas sisiguraduhin kong mapapasakamay kitang muli.” His lips formed into a devilish smile that made her pissed off.

“Baka nakakalimutan mong assassin ako at kaya kong patumbahin lahat ng mga tauhan mo, lalo kana,” ganti niya. But she immediately shut her mouth when he even lean closer, gahiblang pagitan na lamang at maglalapat na ang kanilang mga labi. And she devilishly tempted to taste his sweetness.

“Do you miss me?” tuya ng binata.

“Shut up!” she jolted out and stood up. Nagawa niyang lagyan ng distansya ang kanilang mukha subalit nakayuko naman siya sa binata. “Don’t you dare Dixson!” she pointed out her finger against him subalit wala paring epekto ang mga ginagawa niya kay Beck. And she saw something in his eyes—amusement—it was all screaming in his black eyes. Nakuha pa talaga nito ang masiyahan sa ginagawa.

“Tama na ang laro Addison. Oras na para maningil.”

Kinapos ako ng oras dahil gusto kong bumawi. Kaya pabitin na naman. "Si author talaga ang hilig mambitin, malapit na sa ending ehh!" Charott. Ofoo malapit ng matapos ang kwento ni bebe Addi kaya focus muna ako rito. Saka na ang kwento ni Alli kasi marami akong naisip na twist. Cherett!!

Comment down sa mga hinanaing😁.

El Paradiso Series 6: On His Lullaby COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon