Chapter 21

642 19 8
                                    

BERLIN Metro, U-Bahn, iyon ang nakalagay sa maliit na special paper. Isa iyong imbitasyon mula sa isang kilalang kaibigan roon at iniimbita siya sa party nito. Alas dos pa ng hapon at mamayang gabi pa gaganapin ang party na iyon kaya may oras pa siyang bumili ng long gown. Isa pa ay upang iiwas ang sarili sa stress.

Nakakailang balik na siya sa clinic sa kadahilanang laging sumasakit ang kaniyang tiyan. Ayon sa OB na sumuri sa kaniya ay dahil iyon sa stress kung kaya ay dapat umiwas siya sa mga ganoon sapagkat nakakasama sa dinadala.

Sanhi lamang iyon ng kaniyang pag-iisip kay Alli. Nagkaroon siya ng lead kung nasaan ito namamalagi nitong huling buwan subalit umalis din at hindi na bumalik pang muli sa Berlin. Nagsiyasat pa siya lalo, subalit bukod roon ay wala na siyang mahagilap na anumang impormasyon.

Mag-iisang buwan na niyang hinahanap si Alli. Nariyan na rin ang pagbalik niya sa kanilang dating apartment sa Budapest, nagbabakasakaling nagpunta roon ang kapatid. And and she was right again.

Hindi iisang beses kundi tatlong beses na nakitang pumunta roon ang kakambal niya ayon sa mga napagtanungan. Ngunit pagkapasok niya sa loob ng apartment ay para bang hindi iyon ginalaw, liban na lamang sa sofa na medyo naiba ng kunti ang pagkakaayos. Bukod roon ay wala na.

Nakapagtataka kung talaga bang nagpunta roon si Alli, ay bakit hindi nito ginalaw ang mga gamit? Wala ba itong hinanap? Kung wala, ay bakit nagpabalik-balik iyon sa apartment nitong nakaraang buwan bago siya nagpunta roon?

Maraming tanong ang bumabagabag sa kaniyang isipan subalit mas nanaig na payapain na lamang iyon upang iwasan ang stress. Ayaw niyang may masamang mangyari sa kaniyang dinadala. Sapagkat bukod kay Alli, iyon na lamang ang tanging mayroon siya.

Suot ang nakasanayang damit na purong itim ay lumabas siya ng silid at dahan-dahan sa pagbaba sa hagdan. Tahimik ang buong palilid sa mga ganoong oras sapagkat nasa trabaho na ang karamihan, iilan lamang ang natatanaw niyang tao sa building na iyon, karamihan ay mga babae naglilinis ng apartment at kung ano-ano pang casual nilang ginagawa sa hapon.

Bahagya niyang binilisan ang pagbaba hanggang sa marating ang landing. Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag at nagsimulang maglakad sa mahabang kalye ng Tiergarten. Hindi uso ang kotse roon, sapagkat nanaisin ng mga mamamayang Berliners na mag-commute gamit ang train, bisiklita at lalo na ang paglalakad.

Sa paligid ay ang mga gusaling European Style, mostly conglomerition and history preserved building. May ilan namang moderno ang desinyo, may ilan ding retro.

It was her luck to walk down the street under the sunlight. The weather is warm kaya madali lamang para sa kaniya ang mag-adjust sa klima. She grew up here kaya ganoon. Datapwat ay naninibago parin.

Nilakbay niya lamang ang kahabaan ng Tiergarten patungo sa Schoneberg, kilala ang lugar na iyon sa samo't saring boutique shops, local restaurants and cafés. Lalo na ang Akazienstraße. Pumasok siya sa naturang boutique at namili ng damit.

"Hi, good morning. How may I help you?" Bungad ng sales lady sa kaniya. Tantiya niya'y nasa mid 30's na ito, nasa 4'9 ang taas. Balingkinitan ang babae, morena and her aura is lively. Ganoon naman ang mga saleslady, they compose themselves as they have to. Ningitian niya ito ng bahagya at nilibot ang tingin sa paligid.

"Long gown please." Magiliw niyang saad rito. Iginiya siya nito papasok sa loob at kumuha ng ilang long gown at ipinakita sa kaniya.

"This one will be fit on you."

Fit

Hindi pwedeng ihantad niya ang munting lobo sa kaniyang tiyan kung fit ang isusuot niyang damit. Umiling siya ng bahagya saka naghanap ng matitipuhan niyang damit.

El Paradiso Series 6: On His Lullaby COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon