Chapter 26

603 22 15
                                    

Chapter 26

MAAGA pa lang ay nagmamadali niyang tinungo ang safehouse na tinutuluyan ni Addison. Sa kaniyang pag-iisip kagabi ay muli niyang kinonsidira ang mga bagay-bagay. It was justice he's seeking for and he's willing to risk everything makuha lamang ang inaasam. Walang kung ano-ano ay marahas niyang binuksan ang pinto na hindi naman naka-lock. Nagulat pa ang isang katulong sa kaniyang pagsulpot at agad na ibinaba sa mesa ang mug at malakas na sumigaw.

"Code red!" sigaw nito. Narinig pa niya ang malakas na kalabog mula sa isang silid, maging ang pag-bukas-sara ng pinto.

Tumambad sa kaniya ang isang babaeng kulay pula ang buhok, matangkad at may dalang baseball bat. Mukhang nagpasadyang magpakulay ni Addison para sa kaniyang pagtatago, subalit bistado na ito at wala ng kawala. "Is that how you welcome your visitor, Addison?"

Ngunit nanatiling seryoso at blangko lamang ang tinging pinupukol sa kaniya ni Addison. Just how heartless and emotionless she is. Ano pa bang aasahan niya sa isang babaeng sanay sa pakikipagpatayan? Ano pa bang aasahan niya sa isang babaeng hindi alam ang salitang awa o simpatya man lamang.

"Who are you?"

Umismid si Beck at ngumisi. Naiba lamang ang kulay ng buhok ay umakto nang hindi siya kilala. How pathetic. "Huwag mo akong lokohin Addison, alam mo kung sino ako at kung bakit ako narito," sagot niya. humakbang siya papasok subalit determinadong itinutok sa kaniya ang baseball bat.

"Dare to take another step, I'll break your bone with this." Banta nito subalit hindi siya nakinig at lalong lumapit pa. Isang metro ang kanilang pagitan at kung ihahambalos sa kaniya ang bat ay magagawa pa niyang ilagan iyon. Akmang ihahambalos ni Allison ang baseball bat nang biglang umalingaw-ngaw ang iyak ng isa sa kambal. Agad niyang binitawan ang hawak at nagmamadaling tinungo ang silid ng kapatid kung saan naroon ang kambal.

Kunot noong pinagmasdan ni Beck ang babae. He was clueless, lalo pa ang makarinig ng iyak ng sanggol. Kung gayon ay para sa sanggol ang dalang damit kahapon ni Addison. He had a doubt on it. Nagkaroon ba ito ng pamilya?

"Yaya," rinig niyang tawag mula sa kaniyang likuran. He was stunned for a second sapagkat pamilyar ang boses na iyon. Hindi niya nagawang lingunin ang bagong dating. "Get this please." Narinig niya ang pagsuplong ng kasambahay rito kaya't hindi na nagtaka kung nagmamadali itong pumasok sa unit.

Napasinghap si Addi nang mapagtanto kung sino ang lalaking naroon sa kaniyang harap kahit pa ito'y nakatalikod sa gawi niya. Agad ang pagbangon ng kaba sa kaniyang dibdib, knowing na rinig niya ang iyak ng kambal. Malaking hakbang ang kaniyang ginawa at tinungo ang kaniyang silid. Nadatnan niya si Alli na naghehele kay Kit, habang tinatapik si Ken. She was having a hard time hushing her little twin.

Niyakag niya si Kennedy at hinile, gayon na rin ang ginawa ni Allison hanggang sa makatulog muli ang kambal. Nang maibaba sa Kit sa crib ay seryosong tiningnan ni Allison ang kapatid. She sighed heavily at binaba sa sariling crib si Ken. Pinantayan niya ng tingin ang kapatid and then sighed again.

"Siya ba ang—okay, we'll talk later," si Allison sa mababang tinig. Tumango siya at tahimik na lumabas ng kaniyang silid upang harapin ang kaniyang bisita.

"Enough with violence, maupo ka." Aniya sa malamig na boses. Tinawag pa niya ang kasambahay upang hainan ng maiinom si Beck. Nang makaalis ang kasambahay ay saka pa naging tahimik ang pagitan nila. No one wants to utter a word. "If you want to file lawsuit, feel free to do it. Subalit patunayan mo munang ako nga ang gumawa niyon sa Papa mo." hamon niya.

Iyon yata ang hinihintay ni Beck na lumabas sa kaniyang bibig sapagkat nakaukit sa labi nito ang ngisi. Mula sa bag ay kinuha niya ang isang brown envelope at itinapon sa harap ni Addison. Tumambad sa paningin niya ang ilang litrato, karamihan ay ang kaniyang mga pinapatay. May tatlong saksak sa dibdib gamit ang dagger na kalimitan niyang ginagamit. Naroon pa ang larawan ni Quin na nakabulagta sa upuan sa loob ng sariling kotse. All doings of manslayer, naroon lahat.

"Sapat na ba iyan?" walang emosyong tanong ni Beck. Para itong punyal na diritsang tumarak sa kaniyang puso. He was cold, emotionless. Iyon ba ang nararamdaman ng ilan sa tuwing nagiging emotionless siya? O dahil may damdamin siya para rito?

"Subalit hindi iyan sapat para kasuhan mo ako Mr. Dixson," sinamahan pa niya ng formalities para makaganti man lamang. "Wala kang alam tungkol diyan at huwag mong isali ang mga iyan sapagkat ang Papa mo lamang ang usapan rito."

"Yeah, pero puwede kitang idiin kung matapatunayan kong ikaw nga si manslayer, at lalo kang madidiin saa oras na mapatunayan kong ikaw ang pumatay sa Papa ko. At kung ako lang din ang papipiliin, mas nanainisin kong ako mismo ang sisingil ng hustisya para sa kaniya." natawa ng mapakla si Addison sa narinig.

"Look who's talking now. Ikaw na mismo ang nagsabing hindi mo ilalagay sa kamay mo ang batas. Nasaan na iyon ngayon?" hamon niya. She clearly saw his muscles moves. Tightly gritted his teeth and clinch his hands. "Stop spouting nonsense Mr. Beck Dixson, saka mo na ako kausapin kung may matino ka ng ebidensya," aniya at kinuha mula rito ang mug at siya na mismo ang uminom.

"Go home little boy," pagtataboy niya rito. Walang nagawa si Beck kundi ang padabog na tumayo subalit binigyan pa siya ng masamang tingin. Naghahamong tingin at nasisiguro niyang ano mang oras ay babalik ito para guluhin siya.

"Hindi pa tayo tapos," he mouthed before exiting the room. Bago pa makalabas ng pintuan si Beck ay agad niya itong sinarado at ni-lock. Saka pa lamang huminga ng maayos at bumalik sa kaniyang silid. Sukat roo ay nakatayo si Allison habang naka-cross ang braso sa dibdib.

"Siya ba ang ama ng kambal?" diritsang tanong ni Allison. Bago sumagot ay binalingan niya ng tingin ang kambal na mahimbing na natutulog sa kani-kaniyang crib.

"No other than." She took a deep breath and laid down the sofa as if she was exhausted. "Narinig mo naman siguro ang usapan namin," taas kilay niyang tanong. Naupo rin sa kama si Allison nang hindi parin inaalis ng tingin sa kaniya.

"Yeah, pero bakit hindi mo sinabi ang tungkol sa anak niyo?"

Kibit balikat lamang si Addison, saka tumingala sa kisame. "Sa sitwasyon namin ngayon, mas nanaisin kong ilayo sa kaniya ang mga bata. May problema sa'min at ayokong gawing tulay ang mga anak ko para patawarin niya. Labas sa usapan ang kambal ko, at kung malalaman man niya'y hanggang doon lamang. I won't let him laid his hand to my child."

"At hahayaan mo na lamang na magiging ganito ang buhay ng mga anak mo? Alam mong dadating ang araw hahanapin nila ang kanilang Ama. Hindi mo ba naisip iyon?" marahas na tumayo si Allison at tiningnan ng masama ang kapatid.

"Sa tingin mo ba ay hindi ko naisip ang bagay na iyan? Allison, hindi ko pa man sila naiisilang ay ipinangako ko nang ipakikilala sila kay Beck sa tamang panahon, subalit hindi ngayon. Kailangan kong ayusin muna ang problema ko kay Beck." She hissed in frustration.

"I see." tumayo si Allison. Kinuha ang leather jacket at isinuot. Bago tuluyang lumabas ay may iniwan pa siyang salita sa kapatid. "Let me help." Magsasalita pa sana si Addison nang biglang umiyak si Ken kaya't agad niya itong kinalong to feed her.

Nang makababa sa safehouse ay sumakay siya sa kotse at pinaharurot iyon patungo sa headquarters. Nakita pa niya sa side mirror ang kotse ni Beck Dixson na naka-park sa harap ng isang coffee shop. She dials a number and give short instructions. Habang binabaybay ang mahabang kalye ng Tiergarten ay natanggap na niya ang kaniyang ipinag-utos. Saglit lamang niya itong tiningnan saka ngumisi.

"Oh god, ano ba itong ginagawa ko." Napasabunot sa sariling buhok si Allison. She walks back and forth. Kanina pa niya iniisip ang mga magiging hakbang ni Beck. "I should do something about this," ngunit agad ring iniwaksi ang kaisipang iyon nang mapadako ang kaniyang tingin sa kambal niya. Sa isip niya kapag gumawa ba siya ng hakbang, maitatama ba nito ang lahat ng kamalian? Magugustuhan kaya ng mga anak niya kung saka-sakali mang malaman nila iyon? Lalo lamang niyang ilalagay sa magulong sitwasyon ang lahat.

"Hahayaan ko na lamang bang gawin ni Beck ang nais niya? Lahat ba ng ginawa ko mapupunta lamang bas a wala? Why am I doing that in the first place?" muling napasapo ng mukha si Addison. Frustration drawn in her face. "I think I need Tamara right now." She mumbled silently.

Author's note: Dahil may Update ngayon, ibig sabihin walang update bukas. Masisisi niyo ba ako eh nangangati na kamay ko. Excited na akong tapusin ang story ni Addison at Beck, ang tanong, happy ending kaya? Marami pa pong rebelasyon na mangyayari kaya abang-abang. Grabe si Miss A ginawa kayong abangers. Charr. Salamat po sa pagbabasa, and we still have a long journey to walk. Nga pala, baka may UD bukas sa story ni Allison, kung hindi ako tatamarin. Char. Hayon lang.. comment down mga hinanaing niyo, critic is open.

El Paradiso Series 6: On His Lullaby COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon