Chapter 15

896 23 8
                                    

Chapter 15

   

TAHIMIK siyang pinagmamasadan ng binata na tila binabasa ang kabuuan niya. Na para bang sinusuri ang pagkatao niya. Subalit nanatiling nakataas lamang ang tingin ni Addi, tinatapatan ang tingin ng binata sa kaniya at wala siyang balak panghinaan ng loob o matinag man lamang sa mga nanlilisik nitong mga mata. Wala siyang dahilan upang matakot rito.
   

“Who are those guys with gun and why are they shooting at us?” napairap sa kawalan si Addi sa tanong nito. “Why are you holding a gun and why… fuck it! How did you know using those stuffs? Who are you Adda?”
   

Sasabihin na siya siguro ang totoo dahil magiging collateral damage lang din naman si Beck. Subalit nagdadalawang isip siya. She was holding her thought na kung bakit ay hindi niya alam. Tama ba itong ginagawa niya? Tama ba na idamay sa delikado niyang buhay si Beck? Nadamay na nga pala niya, she killed his father, and she used Beck as an asset para makakuha ng ilang impormasyon tungkol sa ama nito, si Alexie. But she has no regret on it, did she?
   

Matagal bago sumagot si Addi. Kunway naglakad ito patungo sa mini bar at nagsalin ng alak sa dalawang kopita at iniabot sa binata. Pero imbes na tanggapin ay tinabig ito ni Beck at tinitigan siya ng masama.
   

“Who really are you woman?” walang emosyon ang mababakas sa mukha ng binata kundi ang pagiging seryoso nito. Hinawakan siyang mahigpit sa braso at ipiniid sa bar counter. Napapikit ng mariin si Addi nang maramdamang halos bumaon sa balat niya ang kuko nito lalo na ang pagbangga ng likod niya sa metal. But she managed to ease that pain at muling pinantayan ng tingin ang binata na tila nakikipagsukatan rito.
   

Humugot siya ng malalim na hininga at pinuno ng hangin ang dibdib bago nagsalita. “I am Addison, not Adda. That was just my code name when I’m inside that club.” panimula niya. Pagkalito ang gumuhit sa mukha ni Beck sa mga iyon. He started questioning his mind. Bakit pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya sa mga oras na iyon. Talaga bang totoo ang sinasabi nito?
   

“Let me go Beck, na—nasasaktan ako.” Bahagya niya itong naitulak at doon lamang tila nahimasmasan ang binata sa ginawa nito sa kaniya.
   

“I can’t believe this Adda, Addison whoever you are. Sagutin mo ng maayos ang tanong ko. Bakit mo pinatay ang mga lalaking iyon? Are you a killer?”
   

Napaiktad sa gulat si Addi nang bumulangitngit ang sigaw ni Beck sa loob ng kabahayan. Diniinan pa nito ang huling sinabi. Killer, that was she is, iyon ang dahilan kung bakit naroon siya. To kill that person. She is a trained killer.
   

“Wait, let me guess. Ikaw ang pumatay kay Quinn hindi ba? It was you!” kumunot ang noo niya sa akusasyong iyon. Kilala marahil ni Beck ang Pakistani na iyon. “I was intrigue by his death and the police found out the marking. It was ‘manslayer’ marking at ikaw ang huling kasama ni Quinn bago siya mamatay. It was you?”
   

“How did you know about this manslayer?” patay-malisya niyang tanong. 
Napamura ng malutong si Beck sa tanong niyang iyon. “Come on Adda, ‘manslayer’ is in all news, media. Ang sunod-sunod nitong pag-atake. Sa isang businessman, kay Quinn, at lahat ng autopsy na nagawa ay may pare-prehong marking. And I guess kay Lylia. She is your next target hindi ba? You’re the one who send a dead rat, dahil ang sabi niya sa akin ay binantaan mo siyang magkikita kayo sa impyerno noong gabing nanalo ka sa racing.”

“Fine! It was me all along. Binalak ko ring patayin si Lylia because I am mad at her but I hold that thought dahil wala akong mapapala kapag pinatay ko siya. Happy?”

“Murderer!” sigaw ni Beck sa kaniya. Taas baba siyang tiningnan nito na para bang may sakit siyang nakakahawa at lumayo sa kaniya ang ilang metro. “You’re a killer. I can’t believe this. Papatayin mo rin ba ako tulad ng ginawa mo sa kanila dahil alam ko na ang sekreto mo?” sunod-sunod na iling ang ginawa ni Addi. Her emotions burst out in just a blink of an eye na para bang isang flash flood at tuluyan siyang inanod nito.
She felt scared and terrified in a sudden. Wala siyang sagot sa kahit ano mang tanong na mayroon ang utak niya. na kung bakit pati puso niya ay kumikirot.

Nababaliw na marahil siya. Naduduwag.

“No. I just killed those people because I have reasons!” giit niya at pilit na kinakalmante ang sarili na pakiramdam niya ay kakapusan siya ng hininga sa mga oras na iyon. 

“Reasons my ass. Because you wanted a revenge?” ganti ng binata.

“No!” depensa niya. Tumawa ng mapakla si Beck sa sagot niya at muling pinasadahan ng mapanuring mga tingin at buhat roon ay nailing siya. She never felt humiliated before. Ni minsan ay walang nangahas na tingnan siya ng ganoon, na wala ni isa man ang nagtangkang sigawan siya at kagalitan sa kahit anong paraan. 

“Ganoon naman hindi ba? People wanted to put the law in their hands, and I am sure you’re one of them. I am sorry Adda but it is better for me to stay away from you. Hindi ko masikmurang makilala ang isang mamamatay tao na tulad mo.” narinig na lamang niya ang pagbagsak ng pintuan at tanging katahimikan ang lumukob sa paligid.

Pabagsak rin siyang naupo sa couch at kinalmante ang sarili.
She shut her thoughts for a minutes at tanging ang pagbuntong hinga niya ang tanging pinagtuunan ng pansin. 

"Ganito na ba talaga ako ka walang puso? Na kahit katiting na emosyon ay wala ako? Ako pa ba ito?"

Napahilamos ng ilang beses si Addi at sinuklay ang buhok gamit ang kamay. Sukat roon ay pilit niyang kinikilala ang sarili, na para bang hindi niya ito kilala kailanman.

Marahil ay natakot siya. Hindi dahil nalaman ni Beck na kung sino siya at kung ano siya. Kundi natatakot siya na baka ay mapahamak pa ito. Anf from the fact that she was exposed. Skeleton were scattered at wala na siyang maitatago pa.

Ano mang oras ay magpapa-imbistiga ito tungkol sa katauhan niya and she have to do something about it. Ngunit sa kabilang bahagi ng isip niya ay kumokontra. Na hayaan na lamang ang binata sa nais nito.

She was stuck in between.

Nais niyang umalis agad ng bansa para alamin ang tungkol kay Alli. Subalit nagdadalawang isip siya gayong alam na ni Beck ang pagkatao niya. That she want to stay to fix the mess na kung bakit ay hindi niya alam. Why wouls she fixed something that wasn't mean to be broke in the first place?

Na simpleng pagkakamali lamang ang lahat mula sa umpisa. Karma na rin siguro para kay Beck sa mga naging impulses nito sa paglapit sa kaniya. That she had deflower her na wala naman talaga sa plano. Because that night she planned to chill out subalit hindi nai-involve sa sex na iyon.

And she want to punch herself for letting him go through his way into her. Na dapat sa umpisa pa lamang ay umiwas na siya. Na kung bakit ay pumayag siya sa walang kwentang dare na iyon.

"Slavery my ass!"

At ngayon papaano na. Gayong nagdadalang-tao siya. Three weeks pregnant at iyon ang ikinababahala niya. Nagiging komplikado ang lahat. Idagdag pa ang suliranin sa loob ng CDJ.

Bawat council ay may natatanggap na death threat maging si Tamara. Alam niyang pakana iyon lahat ng bagong salta sa council. Siguro ay iiwan na niya sa kamay ng council ang bagay na iyon.

CDJ has nothing to do with her anymore. Lalo pa at nakaganti na siya sa taong naging dahilan ng aksedinte ng kapatid. Naisakatuparan na rin niya ang huling assignment and she withdraw in an instant. Nasa kamay na niya ang inaasam na visa patungong Berlin. CDJ won't hunt her down, nasisiguro niya iyon.

Ang problema na lamang ngayon ay si Beck, ang buhay na nasa sinapupunan niya at si Alli.

Marahas na tumayo si Addi sa couch nagmamadaling tinungo ang lababo at dumuwal. Isa pang suliranin ay ang mga sintomas ng pagbubuntis niya. It was hard for her to move without worrying.

Mahalaga sa kaniya ang buhay ng supling. That's all she have for now. Galit sa kaniya si Beck at kung sasabihin niya ang tunkol roon ay wala rin namang saysay.

"Mas mabuti nga siguro ang umalis na lamang."

El Paradiso Series 6: On His Lullaby COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon