Chapter 10

1.1K 26 5
                                    

Chapter 10

NANG kumalma ito ay inakay niya ito palabas ng banyo ay maingat na pinaupo sa kama, hubot' hubad man hindi iyon naging alintana sa kaniyang punasan ang basang katawan nito. Wala rin sa sarili si Addison habang naka-titig lamang sa kawalan. Sa nakikita niya ay para itong na-truama sa nangyari. Who wouldn't be? Sa wardrobe ay kumuha lamang siya ng roba at isinuot iyon sa kaniya.

"How is your feeling?" Inabot niya sa rito ang isang basong tubig at gamot. Agad din iyong ininom ni Addi bago magsalita.

"I am almost fine. Thank you." Halos hindi na lumabas sa bibig nito ang mga katagang iyon. She was being controlled by that damn drug for almost two hours. Screaming in pain, asking for having a sex and moaning. Iyon ang sabi ni Beck sa kaniya. Pakiramdam niya rin ay napapaso ang kaniyang buong katawan dahil sa init.

For two hours wala siya sa sarili, lahat ng galaw ay hindi niya kontrolado, kung ano man ang nangyari sa kaniya kanina ay hindi niya maalala, not even a single details. Basta pagbalik ng kaniyang huwesyo ay namumutla na buong katawan niya, seeping wet under the shower, and she was totally naked hugging Beck.

Addi is aware kung ano ang kayang gawin ng drugs na iyon, kung ano ang magiging epekto pero ang kaso kasi, hindi niya alam kung bakit siya nalagyan ng droga. She am fully aware of herself most of the time. Lahat ng ginagawa ay pinag-iisipan niya but what happened earlier parang sinadya. At saka pa bumalik sa alaala niya ang nangyari sa chopper. Naramdaman niya ang pagtusok ng karayom sa kaniyang likod nang ayusin niya ang seatbelt, her body was numb at that moment at kaya siya naghubad nang makalapag ang chopper ay dahil naiinitan siya. Isang tao lamang ang kayang gawin iyon sa kaniya.

"Si Martin." Usal na lamang niya sa kawalan.

"What are you saying?"

Ito lamang ang maaring makaturok ng droga na iyon. Hindi basta-basta ang dosage. Impossibleng nalalagay sa alak, sa champagne o kahit anong wine. Panigurado mag-iiba ang lasa ng mga iyon kapag nahaluan ng droga. Pero kung naturukan man siya, bakit hindi niya agad napuna? Ang wine, may pills din bang nailagay roon?

"Hey Adda, what are you talking about? Sino si Martin?" Niyugyog siya ni Beck. Kitang-kita sa dalawang mata nito ang pag-aalala.

"Siya lang ang nakikita kong gumawa nito sa'kin." Galit na turan ni Addi at tumayo saka kumuha ng damit sa wardrobe.

"Okay, I get it. But please calm down, hindi pa lubusang nawala ang epekto ng drugs sa katawan mo. Any minute babalik ka ulit sa ganoong state. Calm down yourself." Why is this man cares for her? Kanina pa ito. And he shouldn't dahil wala sa deal ito.

No, she should be thankful dahil kahit papaano ay tinulungan siya nito, to overcome her struggles nang hindi siya ginagalaw. She understand why he's being concern pero hanggang doon lamang iyon.

Isa pa ay tama ito. Hindi niya alam kung anong tinurok na droga sa kaniya, ang dosage nito ay hindi basta-basta at baka mamaya ay babalik na naman siya sa ganoong sitwasyon which is she don't want to happen again.

She don't want to beg for damn sex, ayokong kaawaan siya ng taong ito at lalong ayaw niyang masira kung ano man ang iniingatan. Not in this state.

"I have to go." sa harap na rin siya nito nagbihis, not minding that she is totally naked or what sa harap ng taong ito. Importante ang makaalis siya agad para hanapin si Martin.

"Not in this state Adda, ipahinga mo muna ang sarili mo baka mamaya mapano ka." Pigil nito.

"At ano? Hahayaan ko na lang makatakas ang may gawa nito sa'kin? I'm sorry, Beck but I have to go. Thanks by the way." She gave him a cruel gleam.

El Paradiso Series 6: On His Lullaby COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon