Pagka mulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang liwanag ng araw. Babangon na sana ako pero napa higa ulit ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Parang sasabog ang ulo ko sa sakit. Hindi na sana ako uminom, pero bakit ba ako nalasing sa pang lady's drink lang naman ang ininom ko e. Hindi naman ako uminom ng mga nakaka lasing dahil alam kung para akong zombie pag gumising ako. Pinilit kung bumangon. Paano ako napunta rito, last time na naaalala ko nasa parking ako at may kaaway na lalaki. And I guess that's all. Ewan, wala akong maalala kung paano ako umuwi. Safe naman akong naka uwi dahil wala naman akong sugat at wala namang masakit sa katawan ko, yong ulo ko lang talaga ang masakit. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo, pagkatapos ay nag palit hindi na ako nag abala pang mag luto ng breakfast dahil late na ako. So I decided na mag coffee and bread na lang ako mamaya. Pagka bukas ko ng gate ay may nakita akong paper bag. Lumingon muna ako dahil baka iniwan lang don pero wala namang tao. Kaya umupo ako at nag babakasakaling may iniwang letter kung kanino. And there, may nakita akong sticky note.* Eat your breakfast first then drink pain reliever for your headache.*
Good day! :-)
_Kn.Napa tayo ako at kinuha ang paper bag. Kahit nag tataka ako ay kinuha ko pa rin at sumakay ulit sa kotse, hanggang sa maka rating ako sa shop ay napapa isip pa rin ako kung kanino ito galing. Kakainin ko ba 'to o itatapon? Sayang naman kung itatapon ko na lang to, nag effort pa ang nag bigay nito sa akin. Tsaka kung ipapamigay ko 'to sa mga batang namamalimos baka naman masira ang tiyan nila, ako pa may kasalanan. Hayst nakaka pagod mag isip, dumagdag pa 'to sa sakit ng ulo ko.
"Hi, cousin-in-law. Good morning!"
"Hello Unice. Good morning din!"
Balik kung bati kay Unice.
"Aba,tanggap mo ng cousin-in-law kita, well mas maganda na yon di'ba?"
Sabay inom niya ng kape niya.
"What's that?"
"Paper bag."
Sagot ko. Kaya napa-irap siya sa kawalan.
"Of course I know na paper bag yan, ang tinatanong ko ay ang laman."
"Ahmm breakfast."
"E,ano pang ginagawa mo? Kainin mo na, nahihiya ka ba sa akin? Or sa kanila?"
Diretsang tanong niya. Kaya napa iling na lang ako.
"Eh ano? Hindi ka naman pala nahihiya,ba't di mo pa kainin?"
Napa yuko na lang ako. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo o hindi. Baka kasi kung ano ang isipin. So I decided to tell her the truth.
"Hindi ko kasi alam kung kanino 'to galing."
"What? Kinuha mong hindi mo man lang alam kung kanino galing? Paano pala kung bomba na lang ang laman niyan o di ano patay tayong lahat dahil sa pagsabog ng hawak mo. O di tatandang binata ang pinsan ko. "
"Shh."
Pag pipigil ko sa kanya at sabay hilot sa sintido ko, agad naman siyang tumigil mas lalo lang sumasakit ulo ko dahil sa bunganga ni Unice, tsaka dumagdag pa ang mga sinasabi niya. Totoo naman pero dinagdagan niya lang talaga ang sakit ng ulo ko. Napaka nega niya.
"Ok, ganto na lang. I'll call Xyvil na lang para I che---"
"Hep."
Agad na napa angat ang ulo ko, dahil sa narinig ko. Bakit pati pa siya iistorbuhin niya.
"No. Don't call him. He's busy. Wag mo na siyang idamay. Ipapamigay ko na lang 'to sa mga batang nadadaanan ko."
"Uhhh, you mean galing ka don kanina? Kaya ka late? Did you visit him?"
YOU ARE READING
Way Back Into Love
RandomWay Back Into Love This story was all about Kn Frializ De Luna and Xyvil Rey Delviz. They've been in a relationship for long years, but in just one mistake Kn decided to let Xyvil go and be happy with another girl. Until Kn decided to go back to Ma...