It's my first time doing this for her again. After a long year na mag kahiwalay kami. Eto na naman ulit ang araw na ihahatid ko siya sa harap ng bahay nila. I guess her mom and dad are waiting. Tinext ko sila kagabi na she's safe, and now I texted them again at sinabi kong ihahatid ko na siya sa kanila.No one dare to talk. I want too, but I guess hindi pa niya ako napapatawad sa kasalanan ko ni kahit isang lingon nga hindi niya magawa mag usap pa kaya. Kaya pinili ko na lang na tumahimik.
Hanggang sa maihatid ko siya sa bahay nila."Hi Mom,Dad."
Bati niya sa mga magulang niyang nag hihintay sa labas.
"Hello Darling, Hi Xy."
Bati sa akin ng mommy niya.
"Hi tita, tito, good evening po."
Bati ko naman sa kanila.
"Pasok ka muna Xy."
Pag aaya nila sa akin, pero tumingin muna ako kay Kn, nakatingin siya sa akin at nag hihintay siya ng isasagot ko. Kaya tumanggi na lang ako para hindi naman masyadong awkward para sa aming dalawa.
"Ano ka ba, parang di ka na sanay dito sa bahay."
"Hindi naman po sa ganon tita,tito pero marami pa po kasi akong gagawin.
"Oh I see. Ok sige ingat."
"Sige po."
"Thank you pala sa pag alaga at pag hatid mo kay Kn."
"Wala pong ano man tita."
Sabi ko na lang at bumusina na.
Pag karating ko sa bahay ay nadatnan ko si Unice at prenteng naka upo sa sofa at nanonood.
"Hey coz, how's date?"
"Hindi kami nag date."
"Sus, isa ka rin. Eh bat ang tagal mo bago ka naka balik?"
"Malamang malayo bahay non dito."
Agad siyang lumapit sa akin.
"Sigurado ka?"
Mapaniguradong tanong niya.
Ano na naman bang nasa isip ng babaeng 'to."Bakit? Ano na naman bang nasa isip mo Cassandra Unice?"
Tanong ko sa kanya.
"Wala, malay ko ba kung gumawa pa kayo ng bata."
Napalingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
Kaya agad siyang takbo palabas ng bahay."Bye! Coz, good night! Sweet dreams!"
Sira ulo talaga 'tong babaeng 'to, napaka dumi ng isip. Napa iling na lang ako.
In-off ko na ang TV at pumasok na sa kuwarto para mag shower at matulog.**
Kinabukasan ay pumunta akong coffee shop, gaya ng palagi kong ginagawa. Nag babakasakaling makita ko ulit siya pero ngayon lang ata siya wala dito.
Pag katapos kong makuha ang order ko ay umalis na ako at bumalik na sa trabaho.
"Master, may nag hihintay sa'yo! Chiks." Duan
Napataas naman ang kilay ko.
Alangan namang si Sandy? E wala naman kaming usapan na mag kikita kami ngayon."Sino?"
"Basta, magandang binibini, morena na matangkad. Soon to be your wife, Master. Puntahan mo na siya don,baka naiinip na." Sagot ni Duan.
Hindi na ako sumagot at tumuloy na lang sa loob. Habang si Duan, ay naka sunod sa akin.
Nagulat ako dahil nadatnan ko roon si Kn, at nag hihintay sa akin.
YOU ARE READING
Way Back Into Love
De TodoWay Back Into Love This story was all about Kn Frializ De Luna and Xyvil Rey Delviz. They've been in a relationship for long years, but in just one mistake Kn decided to let Xyvil go and be happy with another girl. Until Kn decided to go back to Ma...