"Yuan, may itatanong ako sa'yo."
"Ano yon?"
Tanong niya habang nag dri drive siya. Papunta kaming mall ngayon, niyaya ko siya dahil free naman daw siya ngayon.
"Alam ba ni Xyvil na akin 'yong shop?"
"Bakit mo natanong?"
"Curious lang ako."
Kanina pa kasi ako kating kati na tanongin siya eh.
"Oo, matagal na niyang alam. Bakit?"
Napailing na lang ako at lumingon sa labas ng kotse.
"Wag kang mag alala, kahit matagal na niyang alam always siyang pumupunta don."
"Kaya pala siya kilala don."
"Yup."
Hindi na lang ako nag salita ulit. Baka kung ano pa ang mahalata niya.
Hanggang sa makarating kami sa mall wala pa rin along imik."Saan ba tayo?"
"Basta sumunod ka na lang."
"Bat parang wala ka sa mood ngayon?"
Bakit nga ba?
"Ewan ko rin."
Napatigil ako sa harap ng mga jewelry. At napa lingon kay Yuan.
"Anong gagawin natin dito?"
"Wag na pala. Mag grocery na lang tayo. Lika."
Sabay hila ko sa kamay niya. Alam ko kasing madaldal minsan tong si Yuan e, kaya ayoko siyang isama pag bumibili ako ng mga surprise gift sa kanila dahil alam kong ibubuking ako ng gorilla na 'to.
Babalik na lang ako next time pag may time ako."Oii Kn di'ba favorite mo 'to?'
Sabay pakita niya ng gummy bear na hawak niya.
Naalala ko tuloy sa kanya si Xyvil, alam niyang 'yan ang favorite ko eh."Hoy, wag ka mag isip ng malalim. Kung saan saan na naman lumilipad yang utak mo."
Andito kasi kami sa mga candy raw. Kaya ayan kung ano anong nakukuha.
"Oo na. Damihan mo alam kong ikaw din naman mag uubos niyan eh."
"Pati ba akin?"
"Oo nga di'ba."
Pinakuha ko na rin siya ng sa kanya, kasi nga nakakahiya naman ang dami niyang naitulong sa akin. Siya nag assist lahat sa coffee shop simula pinatayo hanggang sa matapos, siya na rin ang nag hatid at nag sundo sa akin dati nong umuwi akong Pangasinan hanggang sa pag balik ko. Kaya tumatanaw lang akong utang na loob sa kanya. mabait naman siya at maaasahan, yon nga lang napaka sira ulo, ang hilig manira ng araw.
"Nakakapagod ka kasamang mag mall."
"Tignan mo nga oh, andami mong pinamili."
"Sino ba kasi nag sabing sumama ka sa akin sa mall?"
"Excuse me? Puwede bang paki ulit yong sinabi mo?"
"Di ulitin mo kung gusto mo"
Pag susungit ko kay Yuan. Joke ko lang naman talaga sa kanya yong mga sinasabi ko eh, alam ko namang hindi siya pikonin sanay na siya sa mga bad side ko. Tsaka para ko na rin siyang kapatid.
"Alam mo Kn napaka ewan ka, mag palit ka na nga lang don at ako na mag luluto para sa'yo señorita."
"Thank you."
At pumunta na agad akong kwarto para mag shower at mag bihis. Pagkatapos kong mag shower ay buamaba na ako para iayos na ang mga pinamili namin para dito sa bahay.
YOU ARE READING
Way Back Into Love
De TodoWay Back Into Love This story was all about Kn Frializ De Luna and Xyvil Rey Delviz. They've been in a relationship for long years, but in just one mistake Kn decided to let Xyvil go and be happy with another girl. Until Kn decided to go back to Ma...