Chapter 06

3 2 0
                                    


Andito ako ngayon sa coffee shop ko at nag lalaro sa cellphone habang nakikinig ng music at kumakain ng gummy candy. Kanina pa ako bored dito. Hindi naman sa sinasabi kong boring dito sa coffee shop ko kasi madami namang mga costumer,ako lang talaga ang na bo bored kasi wala akong kausap.

Naisipan kong pumunta kay Loiks,mag pa manicure at pedicure kasi pangit na ang pedicure at manicure ko.

"Hi!"

"Oh my! Ikaw pala yan sis. Bat di ka nag sabing pupunta ka dito."

"Wala lang. Gusto ko lang mamasyal.
Nabo bored ako sa shop ko e, wala akong kausap."

"Every day don si Xy, ba't  'di mo tawagin at pag usapan niyo kung pa'no kayo naging malabo."

Sabay tawa niya.

"Ayokong pag usapan yon. Mas gusto ko na lang mapag isa kaysa siya ang kasama ko."

"Ay pak naman ang hugot mo sis mars! May pinag daraanan. Tsaka Pak ang outfit, ingat ingat baka may bumalik ha."

"Tumahimik ka na lang jan. Oh eto pala dinalhan na kita ng coffee and bread. Ubusin mo muna yan bago ka mag simula sa trabaho mo."

"Opo master. By the way thank you Kn. Buti na lang kayo naging kaibigan ko. Ang bait bait niyo sa akin. Hindi ko man lang masuklian yong mga binibigay niyo sa akin."

At napatigil ako sa pag halungkat ng mga nail polish niya.

"Ano ka ba Loiks, hindi ka naman namin sinisingil a."

"Ahy basta thank you."

"O,wag kang umiyak masisira make-up mo."

"Oo na."

Sabay punas niya sa mukha niya.

"May bet ka ba diyan?"

"Oo mag papa manicure at pedicure ako."

"Sige, uubusin ko lang 'to."

"Sige. Wag kang mag madali, dahil hindi ako nag mamadali. Take your time to eat."

Pagkatapos niyang kumain ay sinimulan na niya ang trabaho niya.

"Oh eto, hope you'll be there."

Abot ko sa kanya ng invitation nila Sean at Ashley. Ako ang napag utusan ni Ashley na mag bigay ng invitation sa mga kaibigan namin.

Napatakip ng bunganga si Loiks at nanlaki ang mga mata niya.

"Gega ka gurl. Ano 'to?"

"Invitation card."

"Para kanino?"

Ngumiti ako sa kanya.

"Gega ka, wag mong sabihing sa'yo to?"

Nag kibit balikat na lang ako.

"Ayoko Kn, hindi ako pupunta sa kasal mo. Ayoko. Ayokong makita kang matali sa iba at hindi kay Xyvil."

At binalik niya sa akin ang invitation na binigay ko sa kanya. Sabay alis niya at talikod niya sa akin.

"Kahit hindi ka na maka punta sa kasal,basta maka punta ka sa bar ni Sean, ok na sa akin yon. Alis na ako. Ingat ka."

And I walked away.
Haysst nakaka stress. Kailangan ko pang ibigay 'tong mga invitations sa mga kaibigan namin.

"Hi!"

"Oii Kn, sinong kasama mo?"

"Wala,mag isa ko lang."

"Upo ka muna, busy kasi ako e, kaya hindi pa ako nakaka punta sa shop mo."

Way Back Into LoveWhere stories live. Discover now