"E, kasalanan ko ba kung bakit tanghali ka na nagising. Kanina pa kita ginigising ayaw mo gumising.""E sa hindi nga ako makatulog kagabi. Nakaka inis.
"May nag iisip siguro sa'yo,kaya wag mo akong sisihin kung bakit tinanghali ka ng gising. Tsaka wag kang assuming na iisipin kita."
"Bakit may sinabi ba akong ikaw ang nag iisip sa akin, e wala naman. Masyado ka lang guilty kamo."
"Excuse me maaga po akong natulog kagabi. Kaya wag kang assuming. Pasalamat ka at naawa pa ako sa'yo kaya hinatid na kita."
"Ah ganon pala. Di ok ibaba mo ako rito."
"O, sige bahala ka, madali lang akong kausap binibini."
Inirapan ko na lang siya at tumalikod na. Pag sinuswerte ka nga naman sa tapat pa ng Coffee Shop ko, buti na yon di na ako mag lalakad. Salamat na lang sa kanya.
"Morning ma'am."
"Morning."
"Kn!"
Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko, si Ashley lang pala. Lumapit ako sa kanya, masaya ata siya ngayon ah.
"Good morning!"
"Morning din."
"Oh mukhang sabog ka today. Tsaka bat ang tagal mo kanina pa ako nag hihintay dito. "
"Puyat ako kagabi kaya late na ako. Tsaka di ko naman alam na nandito ka eh."
"Sorry naman at di kita na text,gusto kasi kitang I surprise na nandito ako. Kaya ayan surprised!!"
"Happy ka?"
"Oum sobra."
Hindi na lang ako sumagot.
"Pero pakk, kahit puyat blooming pa rin, bawi ka sa out fit mo today a, parang nang aakit."
"Tado, hindi ako nang aakit tsaka wala naman talaga akong balak na isuot to e kaso kaka madali ito na ang na suot ko naiwan ko pa yong jacket ko."
"Ok na yong ganyan, malay mo bumalik siya sa'yo."
"Malabong mangyari yon."
"Alam mo sis mars, walang malabo sa taong interesado."
Sabay irap niya sa kawalan.
"Alam mo wag ka ngang ganyan sa harap ko, nakakainis ka hindi ako sanay sa ganyang itsura ng Kn Frializ na kilala ko. Mag order ka na lang ng coffee natin, para mawala yang antok mo."
"Oo na, eto na."
Tinatamad akong nag lakad at nag order ng coffee and tiramisu.
Pag dating ko sa table namin ay sobrang saya niya na halos mapunit na yong labi niya sa sobrang haba ng ngiti niya.Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kinikilig lang ako, hayaan mo muna akong kiligin."
"Bahala ka nga diyan."
At sabay upo ko at nag simula na akong kumain.
Eh yong kasama ko parang tanga parang spaghetti na ang mukha sa sobrang pula with wide smile."Ano ba Ashley, tumahimik ka nga diyan."
"Bakit ba, ano bang ginawa ko sa'yo?"
"Wag mo nga akong titigan ng ganyan."
"Gaya nga ng sabi ko kinikilig lang ako. Tsaka di'ba kailangan mo ng jacket? Ito o, hiramin mo muna."
Tinaasan ko na naman siya ng kilay. Problema nito? Anong klaseng spirito ang sumanib dito at kanina pa kinikilig.
"At saan mo naman ito nakuha aber?"
YOU ARE READING
Way Back Into Love
De TodoWay Back Into Love This story was all about Kn Frializ De Luna and Xyvil Rey Delviz. They've been in a relationship for long years, but in just one mistake Kn decided to let Xyvil go and be happy with another girl. Until Kn decided to go back to Ma...