Hanggang sa pag uwi ko siya pa rin ang laman ng isip ko, hindi ko rin alam kung bakit?"San ka busy, tsaka mukhang problemado tayo ngayon a. Share mo naman wag mo solohin."
Huminga muna ako ng malalim bago nag salita, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang kagagahan kong ginawa,baka hindi niya mapigilan ang bunganga niya ibuking pa ako.
"Wala naman. Masakit lang puson ko."
Nasabi ko na lang totoo namang masakit e. Hindi sana ako papasok ngayon e, dahil mukhang lalagnatin ako.
"Ohh you have a monthly period today."
Tumango na lang ako.
Normal lang sa ibang babae ang lagnatin pag dinatnan, tsaka normal din ang para kang nag lilihi, parang ako,meron pa akong gustong kainin. Marshmallow."Alam ko sagot niyan."
Excited niyang suggest.
"Ano?"
"Xyvil's best medicine."
Sabay tawa niya ng napaka lakas, at ako naman naka tunganga lang. Anong Xyvil's medicine ang pinag sasabi nito? San niya nakuha yon?
"Hey, kidding. You need to rest. Amputla mo kaya."
"No. Kaya ko sarili ko. About sa Xyvil's medicine na sinasabi mo, hindi ko gets."
Napatawa na naman siya ng malakas.
"Ask him."
Sabay ngiti niya ng pagka haba haba.
May saltik ata 'tong babaeng 'to e."Tsaka kung nag tataka ka kung bakit hindi na siya pumupunta rito kasi nasa ibang lugar siya.
"What do you mean?"
"Wow ah! Excited malaman. Tsaka hindi ba siya nag paalam sa'yo na aalis siya?"
Napailing na lang ako. Bakit naman niya gagawin yon? Ano niya ba ako?
"Awww. Naka destino siya sa ibang lugar, tsaka I guess 3 years siya don."
What's wrong with me, bakit ako ganito? Bakit parang may namumuong luha sa mga mata ko? Para saan 'to? Para ba 'to sa pag alis niya?
"Kelan pa?"
"Haler! Nong nakaraang buwan pa. I guess nong hinatid mo'ko sa bahay dati, yon yong araw na umalis siya. Hinabol pa kita sa labas para sana sabihin sa'yo na umalis siya kaso wala na akong naabutan don e. Malayo ka na non.
And also yon din ang araw na nalaman kung may kasama siyang aso. Always naman siyang nakabuntot sa pinsan ko e. Guess who?"Biglang bumalik ang tingin ko sa kanya.
"Sino?"
Walang ganang tanong ko.
"It's Sandy. Sino pa nga ba?"
Mas lalo lang atang nadagdagan ang sakit sa loob ko.
"I guess, I need to go home. Masama pakiramdam ko e."
"Sama ako."
"Walang mag hahatid sa'yo pauwi."
"Oo nga pala 'no."
"Hatid na lang kita sa bahay mo."
"Ok."
Malungkot niyang sagot.
Kinausap ko muna ang mga staff ko na mawawala ako ng mga ilang araw at pumayag naman sila."Get well soon ma'am."
"Thank you."
Sagot ko na lang.

YOU ARE READING
Way Back Into Love
RandomWay Back Into Love This story was all about Kn Frializ De Luna and Xyvil Rey Delviz. They've been in a relationship for long years, but in just one mistake Kn decided to let Xyvil go and be happy with another girl. Until Kn decided to go back to Ma...