Ang Suplado Kong Boyfriend

136K 1.3K 71
                                    

“Ang Suplado Kong Boyfriend”

                    ( BOOK II )

Started:  January 27, 2013
End:
 May 29, 2013


Paunawa
: Ang lahat po ng mababasa nyo sa likhang ito ay galing sa imahinasyon ng may akda. Nawa'y wala pong gumamit sa sarili nilang kapakanan.


Maraming salamat po, remember. "PLAGIARISM IS A CRIME"

PROLOGO

 

 

Ako si Badong.

Naging si Eli.

At ngayon si Poy.

Hindi ba, hanep ang pangalan ko? May Development Stage, parang ang buhay pag-ibig ko, dinaig  pa ang Roller Coaster sa gulo.

Bakit?

Kung ikaw kaya ang magkaroon ng Boyfriend na kagaya niya. Minsan, hindi ko malaman kung bakit siya ganoon. Talo niya pa ang babaeng may period, yung tipong hindi mo mabasa ang nasa isip niya. Yung tipong gagawin niya, kung ano man ang mamusuhan niyang gawin. Ang gulo ‘di ba? Minsan akala mo tsokolate sa sobrang katamisan, pagkatapos ay biglang magiging yelo sa kalamigan. Hindi ba medyo nakakalito? Hindi lamang iyan dahil isa ring siyang….

Mayabang, kung sabagay may ipagyayabang naman.

Pagwapo, walang duda gwapo naman talaga.

Sweet pero Cold,

Possesive pero Lovable,

Maginoo kahit medyo bastos.

At higit sa lahat,

Suplado pero mahal ko.

Kung noon ngang nanliligaw pa lamang siya. Niligawan niya ba ako? Parang hindi naman yata. Ngayon pa kayang kasintahan ko na siya.

Siya lang naman si Seth Monteverde

"Ang Suplado Kong Boyfriend"

•••

© prettylittlemiss, 2013

Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon